Chapter 41: The Rebel's Fall

827 45 1
                                    

Chapter 41:
The Rebel’s Fall
Third Person’s POV

Isang nakakairitang tunog ang narinig ng buong paaralan ng Walybecc Academy. Agad na nagtakipan ng kanilang mga tenga ang mga estudyante at nagtago kung saan-saan na hindi nila maririnig ang mga nakakabinging ingay. Maski ang administrasyon ay nagsisimula nang magpanik dahil sa hindi malamang tunog.

“Fuck! Stop it!” pagsisigaw ni Grace. Kasa-kasama niya ang kanyang kaibigang si Janine at maging si Athena sa loob ng kanyang Dorm. Dito nila napag-isipang pumunta habang hindi pa nagsisimula ang klase bagamat matagal-tagal na din silang hindi nakakatulog dito. Maski sa kanilang dorm ay naririnig ang kakaibang ingay na nanggagaling sa mga nagkalat na speaker ng buong paaralan.

“Dapat may pumunta sa pinanggagalingan ng tunog at siyang magtigil,” opinyon naman ni Athena na ngayon ay nagsisimula ng sundutin ang tenga.

Muling nagpatuloy sa kanilang mga ginagawa ang mga mag-aaral nang tumigil na ang di kaaya-ay ang tunog. Pero mas ikinagulat muli ng lahat ang mga sumunod nilang narinig galing dito.

“Kumusta kayong lahat! Namiss ko muling makipaglaro sa inyo!” bati ng isang boses na pamilyar sa lahat ng Fifth Section. Lahat ng mga nakarinig nito ay tumindig agad ang mga balahibo sa katawan dahil sa pagbabantang dulot nito. Hindi tulad noon, natural ang boses at walang ginamit upang mabago ang boses.

“Sinasabi ko na nga ba. Ikaw ang killer!” sigaw ni Emmanuelle na nasa di kalayuan sa High school building. Narinig naman nila ang halakhak ng nasa likod ng speaker. Muli itong nagsalita at talagang pinakinggan itong mabuti ng mga magkakaklase.

“Kung ganon, magaling ka! Magdiwang ka. Pero hindi ibig sabihin na makakaligtas ka,” sarkastikong sabi ng misteryosong tao. Kitang-kita sa lahat ng mga Fifth Section ang kanilang galit sa kanilang mga mata. Ang iba ay nakakuyom ang kamao at ang iba naman ay nanlilisik ang mata. Gusto nilang gantihan ang taong iyon. Ang taong puno’t-dulo ng lahat.

“Well, gusto ko lang sabihin na pumunta ang lahat sa Auditorium. Kung ayaw niyo, bahala kayo. Exciting din ‘yun!” dagdag pa nito. Ang iba ay hindi naging interesado. Nagbulong-bulungan naman ang ibang section dahil sa kanilang narinig na sinabi ng nagsasalita.

“Fifth section na naman! Lagi na lang sila!”

“Oo nga. Humanda talaga sila sa Vengeful War.”

“Vengeful War? Eh diba, malapit na daw magsimula ‘yun?”

“Surprise daw kung kailan ‘to magsisimula. Pero mabuti na lang at hinanda na nila tayo para sa mangyayari.”

Marami pang bulong-bulungan ang mga naririnig na ingay sa loob ng paaralan. Hindi na lang iyon pinansin ng Fifth Section bagkus nagpunta sila sa Auditorium. Katulad ng inaasahan, walang sinuman ang nasa loob at tanging ang bukas na Monitor lang ang nakakapag-agaw pansin.

“Tulong! Tulungan niyo ko!” Kitang-kita sa malaking screen ang nagmamakaawa nilang kaklase habang nakatali ang dalawa nitong kamay na nakabitin sa kisame. Ang kanyang nasa ilalim ay sahig na puno ng mga bubog at paniguradong masasaktan siya kapag tumatama ang kanyang katawan dito. Wala paring nagawa ang kanyang mga kaklase kundi sumigaw at tumunganga.

“Hayop ka! Pakawalan mo si Kristine!” sigaw ni Valerie na nanggagalaiti. Nakayukom ang kamao nito at halatang galit na galit siya sa killer lalo na’t ang kanyang kaibigan ang biktima nito.

“’Wag kang magtapang-tapangan! Duwag ka naman,” bulyaw ng killer dito. Mas lalong nag-init ang dugo ni Valerie. Nilapitan na lang siya nina Joyce para pakalmahin ang kanilang kaibigan. Mabuti na lang at nagtagumpay sila dito.

Fifth Section (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt