chapter 10 | melodic fear

1.4K 50 1
                                    

Jaypee

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Jaypee



Inabot na kami ng gabi sa pag-aayos ng i-cecelebrate naming event sa isang araw-ang intramurals and sports fest competition.

Nandito kaming lahat sa Student Council Room. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong, alas otso na pala ng gabi. Pero kailangan naming tapusin ang pag-aayos dito dahil mas mahihirapan pa lalo kami kapag pinagpabukas pa namin ito.

"Madami pa tayong aasikasuhin para sa mga ball games. At kailangan din na'ting ayusin ang mga booths," sabi ni Jolina, ang secretary ng student council at nasa Fourth Section. Siya ang nag-aayos ng mga papeles ngayon.

"Booths? Ano-ano bang mga booths ang ihahanda na'tin? Kukulangin na tayo sa oras," tanong naman ni Simon na Treasurer.

"Wala nang dapat pang ipag-alala. Mag-aasign tayo bukas for each section. Lahat sila, may ipeprepare na mga booths," sabat ko at tumango naman silang lahat.

Nang matapos namin ang ilang gawain ay napagpasyahan na naming umalis. Ang hirap talagang maging President ng Student Council. Lahat ng gawain, sa akin pinapasa.

Hindi pa ako nakakalabas ng Student Council Room, nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin. Kaya kinapa ko kaagad ang phone ko sa bulsa at sinagot ang tawag mula kay Troy.

"Jay, tulong! May humahabol sa 'kin. Nakamaskarang bungo at balak ata akong patayin!" napaparanoid niyang sabi kaya napalunok ako ng mariin. Huminga ako ng malalim.

"Ha?! Sige papunta na ako diyan! Nasa'n ka ba?" tanong ko sa kanya habang nag-iintay parin ng sagot.

"Ha? Hindi kita maintindihan. Bilisan mo, nandito ako sa Te---- Toot! Toot! Toot!" Napakunot ang noo ko nang maputol ang tawag. Nasaan ba siya? At anong nangyari sa kanya?

Dali-dali akong lumabas ng student council room. Bumaba ako ng hagdan at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Ang duguang katawan ni Jolina.

Tiningnan kong mabuti ang kanyang bangkay habang nakasabit sa kisame at may mga butas sa katawan na halatang pinagsasaksak. Lalo akong nanlamig dahil sa kanya. Kani-kanina lang ay kasama ko siya. Pero bigla naman akong tinawagan ni Troy at 'yun ang dahilan kaya nauna siyang bumaba kaysa sa akin.

Pero teka, parang may kakaiba sa nangyari.

Tiningnan ko ulit ang bangkay. Napansin kong may hawak siyang papel. Nung una, aakalain mong normal na papel lang 'yun pero kakaiba siya.

Dahan-dahan kong kinuha ang papel na iyon at nagulat sa nabasa ko. Parang normal lang ang pagkakasulat pero hindi ko maisip kung ano ang ibig sabihin noon.

'Next, Sinner, Remain'

'yan ang una kong nakita sa papel. Wtf! Anong ibig-sabihin ng mga salitang 'yan?

Bumaba ang tingin ko sa papel at may nabasa akong isang paragraph.

"Soon to die was green. Never been caught by the blue because you can be a part of the red. Once you've been killed, be ready for white, so black will help you to find your way out."

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now