Chapter 21: The girl who betrayed the most

1K 39 1
                                    

Chapter 21:
The girl who betrayed the most
Joyce’s POV

Natigilan ang lahat nang biglang dumating si Ms. Banca. Hindi ako makapaniwala na magagawa nila kay Riyalyn ‘to. Nung una, pumayag kami sa plano para lang matanggap kami nina Irah, pero hindi naman namin aakalain na kakaawain nila si Riyalyn ng ganito.

“Pinapatay namin ang babaeng ‘to. May magagawa ka ba para pigilan kami?” mataray na sabi ni Emmanuelle kay Ms. Banca. Nanlaki ang mata ng aming guro dahil sa inasal niya. Maging ako ay nagkamali pala ng pagkakakilala sa kanya. Akala ko ay napakabait ni Emmanuelle pero iba din pala siya.

“Anong nangyayari sa ‘yo Emmanuelle? Bakit pati ikaw, sumasagot narin sa aken?” wika ni Ms. Banca habang may pagtataka sa mukha niya. Ngumiti lang si Emmanuelle bago sarkastikong sumagot.

“Wow! Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo Ms. Banca. Baka gusto mong malaman ng buong paaralang ito at ng buong mundo ang nangyayari dito sa section natin? Puro kamalasan. At dahil ‘yun sa ‘yo!” sagot ni Emmanuelle na siyang nakapaggawa ng ingay sa buong klase. Tumingin ako sa mukha ni Riyalyn na patuloy parin sa pag-iyak. Nakakaawa. Alam ko ang pakiramdam ng pinagtaksilan.

Hindi nakasagot si Ms. Banca. Ang ingay na dito sa loob ng silid-aralan dahil sa ginawang pagsumbat ni Emmanuelle. Nakakapanibago. Parang dati lang, hindi naman siya ganito.

“Anong nangyayari sa’yo Emmanuelle, bakit naging ganyan ka na?” naglakas-loob na tanong ni Kristine. Ngumiti lang muli si Emmanuelle sa kanya.

“Ganito naman talaga ako e. Nagbabalik lang,” sarkastiko niyang sagot. Mas lalong nagsigawan ang lahat dahil sa ipinakita niya na parang wala kaming teacher sa unahan. Napailing na lang si Ms. Banca at muling lumabas.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kaya sinundan ko siya palabas. Pero nakita ko siyang nakikipag-talo sa isa pang guro. Teka..

Lumapit pa ako ng kaunti sa kanila upang mas marinig ang usapan nila. Alam kong may rason ang pagtatalo nila. Agad ko iyong pinakinggang mabuti at nagulat ako sa mga salitang narinig ko.

“Hindi mo na kasi siya dapat pinilit pang lumipat dito. Ikaw ang nagdala sa kanya sa kapahamakan!” sabi ni Ms. Banca habang kausap ang isa pang guro.

“Hindi ko na kasalanan ‘yun Ms. Banca kung nahihirapan siya dito. Ginusto niya ‘yan kaya magdusa siya,” sagot naman ng kausap niyang guro. Sino naman kaya ang tinutukoy nila?

“Alam mong walanghiya ang nanay niya, bakit mo pa siya dinala dito?” tanong muli ni Ms. Banca pero nasundan lang ‘yon ng buntong-hinga.

“Mabuti lang ‘yun sa kanya. Para magtanda siya,” sagot ng kasama niya at naramdaman kong umalis na ang kausap ni Ms. Banca. Muli akong naglakad upang lumapit kay Ms. Banca.

“Ms. Banca,” tawag ko sa kanya. Agad siyang tumingin sa direksyon ko.

“Bumalik na po kayo sa classroom,” dagdag ko.

“Hindi na. Wala na silang respeto pa sa akin,” sabi niya na may halong lungkot. Mas lalo ko siyang kinumbinsi dahil kung aalis siya, mas lalala ang sitwasyon.

“Kailangan niyo po silang bantayan. Baka kung ano ang gawin nila kay Riyalyn lalo na’t, wala ka doon,” paliwanag ko sa kanya na nasundan ng paglaki ng mata niya. Agad niya akong hinila papunta sa Building at agad pumasok ng room. Pero nagkakagulo parin sa loob. Hindi dahil sa may nag-aaway, kundi dahil sa isang kakaibang boses.

“Kamusta kayong lahat, Fifth Section! Oh teka't sakto yata ang dating niyo Ms Banca?” Nagulat kami nang may magsalita sa speaker. Isang kakaibang boses. Pero alam kong, isa lamang iyon sa mga kaklase namin.

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now