chapter 11 | encounter

1.4K 52 6
                                    


Riyalyn


Bumulagta sa amin ang walang kaawa-awang bangkay ni Troy. Ang brutal ng pagkakamatay niya. Sino ang gumawa nitong kababalaghang ito. Tss. Why am I asking for that? Sigurado namang, ang killer na 'yun ang pumatay sa kanya. That mysterious person is a devil.

Agad naming nilapitan ang bangkay niya at nakita namin ang tatlong butas sa katawan niya na pinagtamaan ng baril. Pero teka.. is it weird that a while ago, kaharap lang namin ang killer at ang pagputok din ng baril ng tatlong beses ang nagpasira ng atensyon niya sa amin. Wait..

I knew it.

The killer is not only one. Maybe there is another one, and another one and another one. Hindi ako nakasisiguro pero mukhang, kakaiba na ang nangyayari sa section namin. Kung hindi lang talaga isa ang killer, bakit naman nila gagawin ang pagpatay sa mga kaklase namin? Nagtutulungan kaya sila?

After seeing the bloody body of him, biglang nagdatingan ang ilan naming kaklase at sa mga ekspresyon nila ay halatang, hindi na sila nagulat sa nangyari. Marahil ay nasanay narin na makakita ng mga ganito sa harap nila.

Agad nagsilapitan sa bangkay ni Troy sina Blaze, Carl, Franz, CJ at Clark para magtulungang buhatin ang katawan niya. Maya-maya'y, lumapit sa amin si Trixie at halatang, kakaiba na naman ang nasa isip niya ngayon dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

"Roses are red, violets are blue. Trust only yourself, because the murderer might kill you!" sabi niya habang nakatungo. Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya.

"Soon to die was green. Never been caught by the blue because you can be a part of the red. Once you've been killed, be ready for white, so black will help you to find your way out."

What? Anong pinagsasabi niya? What's the meaning of that damn colors? Napaweirdo talaga nitong Trixie na 'to at isa siya sa mga dahilan kung bakit patuloy parin akong kinakabahan. Maybe she's the killer.

Lumabas siya ng Music Room. Pero saktong pagkalabas niya ay namatay ang mga ilaw at 'yun ang kinagulat naming lahat. Anong nangyare? Sinong may kagagawan nito?

Nabigla kaming lahat nang tumunog ang piano dito sa Music Room. Parang dumadagundong na ang buong paligid dahil sa lakas ng tunog. Nakakatakot. So I covered my ears. Ayokong marinig ang tumutunog dahil iba ang nararamdaman ko.

Nang tumigil na ang tunog ng piano, isang halakhak naman ang narinig naming lahat. Kaya kinabahan muli kami dahil nagsimula na namang, manakot ang killer.

"Hell evening, Fifth Section!" dinig na dinig sa buong Music Room ang boses niya dahil sa nakakalat na speaker dito sa loob. Pilit kong kinikilala ang boses niya, pero parang hindi pamilyar sa akin.

"Hawak ko ngayon ang isang walang kwenta niyong kaklase," dagdag niya. Ito na naman. Baka ako na naman ang isangkalan dito katulad sa nangyari kanina at nung namatay si Cassandra.

"Kung gusto niyong malaman kung sino siya, malalaman niyo lang kapag pumunta kayo ng comfort room, papayagan ko kayong pumunta doon basta dalawa lang ang pwede. Kapag marami kayong pumunta doon, mamatay ang walang kwentang ito!" sabi niya sabay pinarinig sa amin ang isang boses. Tama. Kaklase nga namin siya. Pamilyar ang boses niya sa akin pero hindi ko makilala kung sino.

"Bibigyan ko kayo ng 1 minute para dumiretso sa CR. And your time.. Starts Now!" sigaw niya pero wala pang nagdesisyong pumunta doon. Maya-maya'y tumakbo sina Nathan at Ivan palabas ng Music Room habang papunta sa CR. Inantay na lang muna namin ang anunsyo bago nagreact sa mga nangyayari dito.

"Oh, talagang mas gugustuhin niyo pang ipahamak ang sarili niyo para lang malaman kung sino ang walang kwentang ito ha. Hmm, pwes, Congratulations sa inyo! Dahil ngayon, nadagdagan pa ang magiging bihag ko!" sabi muli ng misteryosong tao at namawis ako dahil ginawa lang niyang patibong ang pagpunta sa CR. Kaya nadamay na din sina Ivan at Nathan na hindi naman ginustong maging bihag.

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now