Chapter 43: What love can do

861 33 1
                                    

Chapter 43:
What love can do
Ian's POV

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Agad kong ikinagulat nang makita ko ang taong nasa harap ko. Bwisit na Trixie 'yan, hindi parin niya tinatantanan si Kristine. Magbabayad talaga siya.

"Oh, gising na pala ang prince charming," dinig kong sabi ni Julie na nanggaling pa sa kabilang bahagi ng kwarto. Tiningnan ko ang paligid. Puro kulay puti ang pader nito at ang sahig naman ay napakaraming bubog na nakakalat. Halos hindi na makita ang totoong sahig nito dahil sa kapal ng mga basag na bote na nandito. Naramdaman ko rin na may sugat na pala ako sa braso ko dahil siguro sa pagtama nito dito.

"Bwisit kayo! Pakawalan niyo 'ko dito. Pakawalan niyo kami ni Kristine," pagwawala ko. Pero hindi ako makawala dahil sa higpit na lubid na nakatali sa akin. Muli kong tiningnan ang lagay ni Kristine na ngayon ay naiyak na dahil siguro ay nakita ako.

"Ian, please! Tulungan mo 'ko," pagmamakaawa niya. Napapikit ako. Kung alam lang sana niya kung gaano ko siya gustong tulungan. Kaso, mukhang hindi ko magagawa kung mananatili akong nakatali dito. Ano bang pwede kong gawin?

"Kumalma ka lang. Makakaalis tayo dito ng sabay. Makakaalis tayo ng buhay at papatayin ko ang dalawang 'yan," sagot ko naman at pilit na nagwawala sa mga nakataling lubid sa kamay at paa ko. Napangiti naman si Trixie at lumapit pa sa kinaroroonan ko. Binigyan ko siya ng matatalim na tingin. Sinusubukan ko siyang pigilan pero wala akong magawa.

"Mukhang, maganda ang magiging ending ng Romeo and Juliet loveteam ah? Well, hindi ko na patatagalin pa ang laro dahil paniguradong kanina pa naiinip ang mga kaklase niyo," wika ni Trixie at biglaang hinawakan ang likod ng tenga ko. Nagpumiglas ako pero hindi niya iyon ininda. Lumayo siya at muling lumapit kay Kristine. Nabigla naman ako nang lumapit sa akin si Julie at nagsimulang kalasin ang lubid na nakatali sa aking kamay at paa.

Nagtaka ako pero hindi ko na iyon ipinakita dahil baka magbago pa ang isip nila. Sana lang talaga ay makalabas kaming dalawa dito ng buhay. Iyon naman talaga ang pakay ko kaya ko pinuntahan ang lugar na 'to, para iligtas siya.

Nang makawala ako ay agad kong pinagsusuntok si Julie. Bigla siyang natumba. Matapos ay sinugod ko naman si Trixie pero bago ako makalapit sa kanya, bigla na lang akong nakaramdam ng kuryente sa katawan ko na parang pinipigilan ang bawat paggalaw ko. Bwisit! Bakit nangyayari sa'kin 'to?

"Subukan mong lumapit, hindi lang 'yan ang mapapala mo sa'kin," wika niya at dinuro-duro pa ako. Tinapunan ko siya ng masasamang tingin. Inirapan lamang niya ako at may kinuha sa may malapit na cabinet. Nanlaki ang mata ko nang may makita akong isang 1/8 illustration board at isang container na halatang dugo ang laman. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari.

"Anong gagawin mo?" tanong ko habang nagtataka parin. Nakangiti siya habang unti-unting lumalapit at dala-dala ang dalawang bagay.

"Maglalaro tayo," tipid niyang sabi. Unti-unti na akong kinabahan. Ilang beses na bang napunta sa kapahamakan ang buhay ko? Bakit hanggang ngayon, buhay parin ako at lumalaban? At ilang laro pa ba ang kailangan kong ipanalo?

"Ian, iligtas mo 'ko," muli kong narinig ang boses ng aking kasintahan. Nagmamakaawa siya habang nakagulong sa mga bubog at patuloy ang pag-iyak. Nadala ako sa kanyang emosyon kaya unti-unti ko na lang naramdaman ang pamamasa ng pisngi ko dulot ng mga luha na kanina ko pa pinipigilang pumatak.

"Mahal na mahal kita, Kristine. Kahit ano pang laro, ipapanalo ko para sa'yo," wika ko na para bang ito na ang huling maari kong sabihin sa kanya. Humalakhak naman ng malakas si Trixie habang nakatingin sa akin ng matalim.

"Ang corny niyo talagang dalawa. Bagay nga talaga kayo!" sigaw nito sa akin at pumalakpak pa. Ginantihan ko siya ng isang matalim na tingin. Kinuyom ko ang kamao ko at tumakbo papalapit sa kanya. Akma ko na siyang susuntukin nang maramdaman ko na naman ang pangnguryente ng katawan ko. Shit! Ano ba talagang nangyayari sa'kin? Anong ginawa sa'kin ng Trixie na 'to?

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now