Chapter 26: The Burn Agenda.

1.1K 38 0
                                    

Chapter 26:
The Burn Agenda.
Third Person's POV

Nanlaki ang mata ng lahat sa narinig nila. Hindi nila aakalain na siya ang sikreto ni Ian. Nakakapangilabot at nakakagulat ang mga narinig nila.

Sa kabilang banda, hindi na nagulat pa si Kristine ngunit ipinakita niya na lamang iyon upang hindi siya mahalata. Walang balak na ibunyag ni Ian ang sikretong iyon datapwat narito na ang kanyang desisyon at wala ng magagawa pa kundi panindigan iyon.

"Hindi pa ako tapos," muling sabi ng misteryosong tao habang gulat na gulat parin ang emosyon ng lahat. Ang iba ay wala paring kongkretong ideya kung bakit ang taong iyon ang sinasabing sikreto ni Ian.

Pinakawalan na niya si Ian. Dumaan ito sa nag-iisang pinto. Hindi parin makapaniwala ang binata na sumunod sa usapan ang killer. Pero kinakabahan parin siya dahil sa mga sinabi nito na siyang naging dahilan nang pagdadalawang-isip niya kung dapat pa ba siyang humarap sa kaniyang seksyon.

Lumabas siya sa isang hindi pamilyar na lugar. Tila ngayon lamang niya nakita ang komunidad na ito. Paano siya makakabalik kung hindi niya alam kung nasaan siya? Parang isang kahibangan ang maglakad sa isang lugar na alam mong maliligaw at maliligaw ka ngunit wala ng iba pang magagawa kundi tahakin iyon kaysa muling magpahuli sa killer at mahirapan ng ubod.

Sandaling namatay ang video ng monitor na siyang nakapagbalik ng mga paghinga ng mga mag-aaral. Alam nilang may susunod na mangyayari pa kaya inihahanda na nila ang sarili nila dito.

"Tss. Masyado namang pa-importante ang killer na 'yan!" inis na sabi ng isa sa kanila habang inirapan pa ang monitor.

"Nakakainis, ang OA ni Ian. Baka scripted lang yung nangyari," dagdag pa ng isa at nasundan pa ng ilang komento.

"Pero hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya. Si Kristine ang sikreto ni Ian? Bakit?" wika ng kanilang presidente na si Irah habang nakapamay-awang pa itong nakatingin sa kanyang mga kaklase. Muling nag-ingay ang mga magkakaklase habang inaasar nila si Kristine.

"Baka may something sa kanilang dalawa."

"Oo nga. Secret on?"

"Kakaiba!"

Hindi na matanggap ni Kristine ang bawat salitang naririnig niya galing sa mga kaklase. Kung dati ay tinagurian siyang campus crush ngunit bakit parang naging kabaliktaran ang nangyari sa kanya nang mapalipat siya ng paaralan?

Lumabas siya dala ang hinanakit at mga masasakit na salita mula sa kanyang mga kaklase. Hindi niya napansin ang kanyang dinadaanan kaya aksidente niyang nakabungguan ang isang babae. Agad siyang humingi ng paumanhin dito.

"Ayy sorry!" sabi niya ng may halong sinseridad. Tinignan niya ang kanyang nakabungguan-isang babaeng siguro ay may nasa kaedrang 35 pataas. Nakataas ang kilay nito at mataray na tinitingnan si Kristine.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sabi nito ng may halong pagbabanta. Muli siyang humingi ng paumanhin sa kanyang nakabungguan. Hindi na ito pinansin pa ng babae at muling naglakad patungo sa kanyang dapat talagang puntahan.

Naglakad si Kristine papunta sa cafeteria upang magpalipas ng inis. Alam niyang kapag nakakaramdam siya ng inis, mga pagkain lamang ang tanging sagot para lumipas ito. Sa madaling salita, mahilig siyang kumain.

"Ang unfair mo, Ian," bulong niya sa kanyang sarili at marahang pumikit upang damhin ang isang malamig na hangin.

***

Mr. Ortega's POV

Pasalamat talaga sa kanya. Kung hindi dahil doon, hindi ako principal dito sa paaralang ito. Alam kong bagong principal lang ako dito pero hindi ibig sabihin no'n ay wala akong alam tungkol sa paaralang ito at sa nakaraan. Sobrang nakakatuwa.

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now