Chapter 19: Conspirator

1.3K 45 1
                                    

Chapter 19:
Conspirator

Song for this chapter:

Conspiracy by: Paramore

Janine’s POV

Patuloy parin ang paglalakad ko papunta sa Dorm kasama si Irah at Grace. Kanina pa din namin pinag-uusapan si Athena dahil sa ginawa niyang paglaban kay Irah. Ngayon pa lang ay maghanda na siya dahil masamang gumanti si Irah lalo na sa mga binabangga siya ng todo.

“Humanda talaga siya dahil matindi ang gagawin ko sa kanya na sisiguraduhin kong, ikatutuwa niya,” sabi ni Irah at diinan pa ang salitang ikatutuwa. Kung ano man ang pinaplano niya, ‘wala sanang mapahamak.

“Sigurado ka bang ligtas ang gagawin mo?” tanong naman ni Grace sa kanya. Ngumiti lang ng nakakaloko si Irah at hindi sumagot. Parang may kakaiba talaga sa kinikilos niya ngayon.

Nakarating na kami sa tapat at pumasok na din kaagad. Nagpalit na ako ng damit nang bigla namang tumunog ang cellphone ko. Isang text mula sa unknown number ang nareceive ko.

Sender: Unknown

“Kamusta Janine, natutuwa ka ba sa ginawa na’ting plano kanina?” iyan ang nakasulat sa text message. Napakunot ang noo ko habang binabasa iyon. Sino naman ‘to?

Hinawakan kong mabuti ang phone ko at nagdalawang-isip kung magrereply ba ako o hindi. Nang makapagpasya na ako ay agad kong pinindot ito at nagsimulang mag sulat ng reply.

“Sino ‘to? Anong ibig mong sabihin?” sagot ko. Ang unang pumasok sa isip ko na nagtext ay si Irah. Kakaiba din ang kinikilos niya kanina kung kaya’t, naghihinala ako na baka siya nga.

Muli na naman akong nakatanggap ng text. Isang text galing kay Kim. Agad kong binasa ang text niya.

Sender: Kim

Message: Guys, may naamoy akong kakaiba kanina sa room ng Fourth Section. At mas lalong ikinagulat ko ay ang bangkay ni Franz na nasa cabinet lang ng teacher.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang group message niya. Anong naamoy niya doon? At paanong nakarating ang bangkay ni Franz sa cabinet ng teacher?

Hindi kaya may kinalaman siya?

***

Riyalyn’s POV

Nagising ako nang biglang tumunog ang phone ko hudyat ng may nagtext. Sino naman ang magagawa pang makapagtext ng ganitong oras? Masyadong malalim na ang gabi ah.

Tiningnan ko ang pangalan ng kaklase kong si Kim habang hawak ko ang phone ko. Agad kong binuksan ang text niya at napalunok sa nabasa ko.

Sigurado akong ikinagulat niya nang makakita siya nun. Pero ano naman kaya ang naamoy niyang kakaiba sa katabing section?

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at tiningnan ang kabilang kama. Wala sila. Mas lalo akong kinabahan dahil alam kong nag-iisa lang ako dito sa dorm. Saan naman kaya sila nagpunta? Bakit wala si Emmanuelle at Louisse dito?

Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Inilibot ko ang mata ko sa buong dorm at nagulat ako nang makita ko ang bagay na iyon sa kama ni Emmanuelle. Anong ibig sabihin nito? Bakit nasa kanya ito?

Lumapit ako sa kama niya at pinagmasdang mabuti ang isang kutsilyong duguan. Kung ano-ano agad ang pumasok sa isip ko na baka.. Hindi maari. Hindi niya magagawa iyon.

Agad ‘kong binuksan ang cabinet ni Emmanuelle. Pero mas lalo akong nagduda nang makita ko ang bagay na iyon. Ibig sabihin, siya nga. Hindi kapani-paniwala.

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now