chapter 01 | hellcome

5.6K 119 12
                                    

Narinig kong nagrereklamo pa rin ang mga nakapaligid sa kaniya ngunit hindi ko na ito pinansin pa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Narinig kong nagrereklamo pa rin ang mga nakapaligid sa kaniya ngunit hindi ko na ito pinansin pa. For damn's sake, it's not my fault if she can't handle her things properly. Paano ba naman kasi, haharang-harang sa dinadaanan ko, eh late na ako kaya't kailangan ko na talagang magmadali.

Tumakbo pa ako ng mas mabilis hanggang sa marating ko ang bwisit na class room namin. Hooo! Honestly, I'm tired of my everyday routine at ang paulit-ulit na scenario sa t'wing papasaok ako pero wala akong magagawa kung hindi ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.

Lantay akong naglakad papasok ng class room at nang makarating sa tapat ng upua'y agad kong ibinagsak ang bag ko doon.

Napansin kong nagbabangayan na naman ang kalapit ko sa upang sina Daniel at Fleir. Sa totoo lang, araw-araw naman silang nag-aaway kaya minsan, naiisip kong magpalipat na rin ng upuan dahil nakakabingi na sila.

Natahimik lang sila-I mean, ang lahat ng dumating si Ms. Reynes, ang class adviser namin na ubod ng hinhin.

Siguro kung may pinakamahinhin award para sa lahat ng mga teachers ay si Ms. Reynes na ang makakakuha no'n. Ewan ko ba. I can't still find what's beyond her mystery but I guess I just have to go with the flow since kailangan ko ngang makatapos to improve my already ruined life.

"Good morning Ms. Reynes!" bati nila doon sa teacher namin. Oo sila lang dahil wala akong panahon para batiin siya. Tss! Besides, hindi niya naman siguro malalaman na ako lang ang hindi bumati, hindi ba?

"Good morning class. Sit down and copy the lecture first," mahinhin niyang sambit atsaka humarap sa pisara upang simulan ang pagsusulat.

Tumalikod siya at gaya ng inaasahan, nagsimula na naman itong magsulat ng kahaba-habang lesson. Sometimes I wonder, relevant ba talaga ang mga pinapakopya niya sa amin? Siya kasi 'yung best example na teacher mong, magpapasulat ngayon, tapos magpapasulat ulit bukas, tapos magpapasulat pa ulit sa isang bukas. Haay! Hashtag, MAPEH Problems 101.

Napansin kong tumawa ng mahina si Ms. Reynes. Oh? Ano namang problema niya? Aba! Nababaliw na 'ata ang gaga.

Hanggang sa unti-unti na akong nakaramdam ng pagsakit ng kamay. Lagi na lang bang magsusulat sa time niya? Parang wala yatang araw na hindi siya nagpapasulat e. Siguro, makaka apat na notebook ako sa buong taon.

Maya-maya'y tinamad na rin akong magsulat kaya naman naisipan kong magdrawing na lang ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko. This is actually the sign to signify na naboboringan na ang isang estudyante sa klase.

Pinagpipilas ko ang mga papel na siyang pinagdrawingan ko nang mainis ako sa mga kinalabasan. Pinagbabato ko 'yun sa kung saan saan. Hindi ko namalayan na tahimik na pala ang lahat at nakatingin lang sa 'kin.

"S-Sorry?" sabi ko at nagpeace sign pa. Tumaas lang ang kilay ni Ms. Reynes. OMG! Ito na ba ang oras para sa kinatatakutan kong sigaw niya? Alam kong mahinhin siya pero mas nakakatakot kapag nagalit siya kasi 'di ba? Silents are deadly, raw?

"Ms. Gaiza, hanggang kailan mo ba ipapakita 'yang ugali mong 'yan?" Napatingin ako sa lahat dahil sobra sila kung makatingin sa 'kin. Nagbablush tuloy ako. I feel like everybody has fallen inlove with me.

"Sorry po talaga Ms. Reyne-"

"Anong sorry! Sa totoo lang, kanina ko pa gustong sabihin sa 'yo 'to e," sabi niya at pagkatapos ay may iniabot siya sa 'kin isang envelope.

"Correction Ma'am, baka po kanina niyo pa gustong ibigay sa 'kin 'to," wika ko naman at nginitian siya.

"Oo ganoon nga!"

Pagkatapos ay binuksan ko na ang envelope. Pagkabasa ko ng nasa papel, nagulat ako sa nakita ko.

"Seriously Ma'am?!" nag-aalangan ko pang tanong sa kanya. I might be sound so exaggerating but heck I just can't believe in this memo.

"Oo. Buti nga sa 'yo! Nararapat lang 'yan sa mga gaya mong-"

"Finally! Makakaalis na ako dito! Yes! Yes!" sigaw ko sa loob ng class room at umakto pang sobrang natutuwa. Well, natutuwa naman talaga ako.  Kumunot naman ang noo ni Ms. Reynes.

"Kailan po ako aalis?" tanong ko sa kanya.

"Ngayon na!"


***


"Mommy.." bungad ko nang makapasok sa kwarto ni Mommy. Syempre, ipinakita kong nalulungkot ako kaya naman takang-taka itong tumingin sa akin.

"Oh, anong nangyari sa 'yo?" tanong naman niya.

"Mag-eexchange student na po ako sa Walybecc Academy!" masigla kong sambit at pagkatapos ay nagtatalon-talon ako sa kwarto. It seems that she's thinking that I am so much weird pero at least, ang ganda ng anak niya.

"Huh? Walybecc Acade-"

"Oo doon nga po! 'Di ba't alumni kayo doon? Excited na ako! Mag-iimpake lang ako ng gamit," paalam ko naman sa kaniya.

"Akala ko narape na kung makaiyak," bulong niya pero narinig din naman.

Matapos magpaalam ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Hay! Okay! Hinga to the max! Ngayon lang ako makakapasok sa isang boarding school kaya medyo excited talaga ako. At syempre, ayoko na rin naman sa dati kong school. Nakakainis ang mga teacher dun, eh. Feeling ko talaga, favorite nila ako but since I'm against favoritism, mas mabuti nang ako ang lumayo sa kanila.

Nagpaalam na 'ko kay Mommy at sumakay na ng kotse papunta sa Walybecc Academy. Hay! Malayo-layo pa naman ang school na 'yon dito. At sabi pa nila, nasa liblib na lugar daw 'yun! Aww! Ang creepy masyado but I think that's fun.


***


Nasa tapat pa lamang ako ng gate ng school ay naamaze na agad ako. Tingin ko naman, maeenjoy ko ang pagiging senior ko dito sa school na 'to. Hopefully, maging maganda ang journey ko rito.

Binaba ako ng taxi sa tapat ng Information/Assesment Building. Sabi doon sa binigay na envelope, dito raw ako unang pupunta for assesment. Kaya pumunta ako dito. Ginawan din agad nila ako ng ID since exchange student na nga ako at nagsisimula na ang klase bago pa ako dumating dito.

Pagkatapos ay pumunta ako ng Main Office na napakalayo pa mula sa Info./ Assesment Building. Doon ko raw pwedeng itanong kung saan ang magiging section ko. So ayon, dumiretso agad naman akong dumiretso doon at napag-alaman kong si Ms. Banca pala ang magiging Adviser ko for this year.

"So you're the exchange student from Guidotti High?" tanong niya sa 'kin. Tumango ako na lamang ako bilang sagot sabay ngiti sa kaniya. Mukha naman siyang mabait kaya nginitian niya rin ako pabalik.

"You will be a part of Fifth Section," sabi niya nang nakangiti. Ewan ko pero nung ngumiti siya.. I felt something weird. Hindi kaya.. Ugh! Nevermind.

"'Wag kang mag-alala, mababait naman ang mga kaklase mo. Kaya nga doon ka napunta eh," dagdag pa niya. Nacurious naman ako sa sinabi niya. So bakit nga doon ako napunta? Anong meron sa section na 'yon? At isa pa, kung mababait ang mga nasa section na nandoon, eh bakit doon ako napalagay? Fudge! Mukhang magiging santa ako ngayon dito, ah?

"Fifth Section's known as the best section in this campus. Hindi man halata sa pangalan ng section, pero iyon ang pinakapopular dahil sa mga outstanding students," narinig kong sabi nung isang teacher. Napatingin naman ako sa iba pang teacher. Hmm. Tingin ko, mga professional silang lahat dahil sa mga itsura nila. Well, that's my first impression anyway.

"Really? Wow!" namangha kong sabi. Sana lang talaga, mapakisamahan ko kaagad ang mga magiging kaklase ko.

"Yes, dahil sila ang tinitingala ng lahat ng mga students dito," sabi naman ni Mr. Principal na siyang nagbigay sa 'kin ng letter.

"Okay. I hope you'll gather lessons both academically and morally for this entire school year." Muli naman akong ngumiti kay Ms. Banca.

I hope so.

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now