chapter 13 | secrets to be unfold

1.4K 47 9
                                    

IRAH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

IRAH

Bakit dumating pa ang mga pesteng exchange students na 'to? Hindi ko sila gusto. Ayaw ko silang, nakikisali sa aming section. Pero dahil nandito na rin sila, sama-sama na kami sa impyerno. Gusto nila ng laro. Pwes, ibibigay ng section na 'to ang larong hinihingi nila.

"Mga feeling original students," bulong kong sabi ni Jaypee habang nakatingin sa mga exchange students. Oh, so hindi lang pala ako ang may ayaw sa kanila. Mukhang makakatulong ko ang president ng student council para pilit na mapatalsik ang mga feelingerang students na 'to.

"Oo nga, tapos parang bidang-bida sila kay Ms. Banca. Grr. Nakakainis!" iritang sabi naman ni Sally na nasa may likuran ko. Kailangan ko talaga ang tulong ng ilan sa mga kaklase ko para iparamdam sa mga 'to na they're not belong with us.

"Mag meeting tayong lahat mamaya only Fifth Section," sabi ko at alam kong naintindihan naman nila na ang tinutukoy kong only Fifth Section ay ang mga original students. Isasama ko na rin sa original si Riyalyn dahil matagal-tagal na rin naman namin siyang nakakasama.

***

Matapos magturo ni Ms. Banca ay agad akong nagpatawag ng meeting sa may isang bench malapit sa plaza. Kasama ko na si Jaypee pati na rin ang iba pang class room officers.

Agad namang nagdatingan silang lahat sa aming secret meeting.

"At para saan naman ang walang kwentang meeting na 'to ha Irah?" mataray na tanong ni Athena. Tinaasan ko siya ng kilay. At kelan pa may nagtangkang tarayan ako? Hindi ko na lang siya sinagot bagkus nagpaliwanag na ako sa mga kaklase ko.

"Ilalabas na na'tin ang totoong ugali ng Fifth Section," sabi ko at kumurba sa akin ang isang matamis na ngiti. Nasundan din iyon ng ilang mga ngiti sa iba kong mga kaklase na nagpapahiwatig na magtatagumpay ang aking plano.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Franz. Parang hindi naman niya alam ang tinutukoy ko.

"C'mon guys! Ilabas niyo na ang mga baho niyo! Pagkakataon niyo na 'to para maging badass. At ang pupuntiryahin na'tin ay ang mga pesteng exchange students na 'yan," paliwanag ko at alam kong naintindihan na nila ako sa pagkakataong ito.

"Oo nga! Lalo na 'yang Rovie na 'yan. Masyadong arogante. Akala mo naman ay alam niya na ang lahat," sabat ni Clark. Nagtanguan silang lahat.

"That idiot named JA was so annoying!" wika naman ni Kim. Lumalabas na nga ngayon pa lang ang mga ugali nilang lahat.

"Oh, that douchebag named Arvin Lorence!" Napangiti ako nang magsalita si Grace. Nagbago na talaga siya from a simple weird nerd.

Speaking of weird. Parang may kakaiba na naman kay Trixie na walang kaemo-emosyong nakatingin sa aming lahat. Kaya napatahimik kami. Tumaas ang kilay ko habang tintingnan ang mukha niyang kakaiba.

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now