Chapter 32: False Alarm

1K 36 13
                                    

Chapter 32:
False Alarm
Blaze's POV

"See you later," ang tanging nasabi ni Jaypee nang magkita kami kani-kanina sa may tapat ng office. Kaduda-duda din ang lalaking iyon. Bakit palaging siya ang napunta sa lugar na 'yon? Oo nga't siya ang may pinakamataas na pwesto sa aming lahat na estudyante, pero bakit parang normal na lamang sa kanya ang paglabas-masok sa kuta ng mga kataas-taasan? Nakakapagtaka.

Naglakad ako pababa ng hagdan nang may marinig akong mga yabag ng paglakad. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at hindi na ako nagulat nang makita ko ang babaeng ito. Ano bang problema niya? Bakit palagi niya akong sinusundan?

"Hi Blaze," bati niya nang may ngiti. Hindi ko maitatanggi ang kagandahan niya. Tila nahipnotismo ako ng ngiting iyon, ngiting abot-langit.

"Hello," ang tangi kong naisagot. Mahirap na. Baka dumating pa ang pagkakataon na mahulog ako sa babaeng ito.

"Sabay na tayo. Papunta na rin naman ako sa room e," muli niyang sabi bago naglakad na kami.

Binasag niya ang katahimikan ng isang tanong.

"Bakit nga pala laging nakatingin sa'yo si Emmanuelle?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalang iyon. Bakit nga ba?

"Ah, hindi ko alam," tanggi ko. Hindi pwedeng malaman niya ang sikreto naming dalawa. Masyado siyang tsismosa. Kahit na bago pa lang siya dito sa paaralang ito, parang kakikilabutan ng lahat kapag marami na ang nalaman niyang sikreto.

Baka gamitin niya iyong bilang panlaban sa amin.

Napatingin kami sa tumawag sa kanya. Pareho kaming nakatingin sa babaeng iyon.

"Hi Yassie," sigaw ni Riyalyn habang papalapit sa aming dalawa. Ngumiti si Yassie at tiningnan ang kaharap niyang kapwa bago estudyante dito.

"Hi Blaze," bati din niya sa akin. Ngumiti lamang ako at hinintay na makapag-usap silang dalawa.

Lumayo ako ng kaunti dahil sa pagtingin sa akin ni Yassie. Hindi ko alam pero parang ayaw niyang iparinig sa akin ang pinag-uusapan nilang dalawa. Pero hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-usapan nila. Masyadong malalakas ang mga boses.

"Ano, nakita mo na ba ang librong iyon?" tanong ni Yassie. Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Anong libro ang tinutukoy niya?

"Ano? Hindi pwede. Kailangan nating makuha 'yon sa kanila!" tugon muli ni Yassie. Hindi ko marinig ang boses ni Riyalyn dahil sa masyado itong mahina.

Tila namuo sa akin ang ilang katanungan. Naguguluhan talaga ako. Parang gusto ko ng itanong sa kanila kung ano ang tinutukoy nilang libro.

Napansin kong muli ang kilos ni Yassie. Napakapamilyar. May naalala ako sa mga kilos niyang iyon. Parehong-pareho sa taong mahalaga sa akin. Pero patay na siya. Sayang lang.

"Let's go! Baka hinahanap na tayo ng susunod nating teacher. Alam mo na, strikto ang lalaking iyon," pag-yaya ni Yassie at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa room.

***
Irah's POV

Nakakatuwa talaga. Mabuti na lang at nakuha ko na ang librong ito. Ang Pieces of the Future na yearbook noong 1997. Naunahan ko na sila. Ako lang ang makakaalam ng totoong lihim ng paaralang ito.

"Ano ba Irah, bakit kanina mo pa pinagmamasdan ang cover ng libro niyan?" tanong sa'kin ni Emmanuelle. Tsk. Hindi pa kasi ako ginaganahang buklatin ang librong ito. Alam kong lahat ng pahina nito ay mahalaga.

"Hay. Sa wakas! Abot kamay ko na ang buhay nating lahat," wika ko. Napakunot ang noo ni Emmanuelle sa sinabi ko. Tama, alam kong ang babaeng ito ang killer. Uunahan ko na siyang patayin ako. Papatayin ko na siya bago pa maubos ang buong klase.

Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now