Chapter 35: The Vengeful War

935 31 0
                                    

Chapter 35: 

The Vengeful War

Valerie's POV

Bwisit 'tong Grace na 'to. Sinasabi ko na nga ba't malaki ang tinatago niyang sikreto. Ngayon, alam na namin na siya nga ang killer. Kumpirma na. Kitang-kita namin kanina na hawak niya ang kutsilyo at papatayin si Erika pero hindi siya nagtagumpay.

Ako ang makakalaban niya.

"Humanda ka ngayon!" pagbabanta niya. Tss. Sino siya para takutin ako? Akala ba niya matatakot ako sa paraan nang pagtitig at pagsasalita niya? Kung hindi lang niya alam kung gaano na karami ang nakaaway ko.

"Papatayin mo ba ako? Sige lang. Tingnan lang natin kung sino ang mananalo sa huli," sabi ko. Bigla siyang sumugod at akmang sasaksakin na ako ng kutsilyo nang masipa ko ang tiyan niya na naging dahilan nang pamimilipit niya sa sakit. Tss. Masyado kasing mayabang.

"Sh*t! Papatayin talaga kitang pakialamera ka! Imbis na si Erika lang ang pakay ko, madadamay kayong tatlo!" sigaw niya. Hindi ko na siya hinayaan pang tumayo at binigyan ko na agad siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Agad namula ang kanyang ilong at pumutok ang labi.

"Valerie tama na," dinig kong sabi ni Joyce. Hindi ako titigil. Papatayin ko ang babaeng ito. Siya ang killer.

"Hindi ako titigil dito. Hangga't nabubuhay pa siya, mamatay tayong lahat," sagot ko naman. Nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Grace. Siguro kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakahandusay dito pero malas lang niya dahil imposibleng mangyari ang bagay na 'yon.

"G-Grace!"

Napatigil ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Janine. Tss. Isa pa 'tong epal.

"Anong ginagawa niyo sa kanya? Sinasabi ko na nga bang, kakaiba kayong mga baguhan! Tigilan niyo nga 'yan!" sigaw niya. Natawa ako ng mahina. So kami pa pala ang nagmumukhang may kasalanan dito.

"Bakit ako titigil, maraming buhay ang nakasalalay dito sa gagawin kong pagpatay," sagot ko naman. Nabuo ang katahimikan sa amin. Inagaw ko ang kutsilyong hawak ni Grace at akmang sasaksakin na ito nang harangin ako ni Janine.

"'Wag mong gagawin 'yan, Valerie. Nagkakamali kayo. Hindi siya ang killer," wika niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Aba, sino siya para pigilan ako?

"At paano mo naman nasabi 'yan? Kitang-kita namin kung paano niya binalak patayin si Erika," sagot ko habang nakataas parin ang kaliwa kong kilay. Bumuntong-hininga siya bago ako sinagot.

"Balak niyang patayin si Erika dahil siya ang nabunot ni Grace. Naalala niyo ba, 'yung something death na pinapagawa ni Mr. Medina?" tanong niya. Tumango na lang ako atsaka nabitawan ang hawak-hawak kong kutsilyo. Lintek. Bakit ako nagkakaganito? Kailangan kong parusahan ang sarili ko matapos nito. Masyado din akong nagpapadala sa emosyon. Dapat pinagpatuloy ko na ang balak ko sa lecheng Grace na 'to.

"Tama siya! Kaya ko lang naman papatayin si Erika ay dahil doon," sabat ni Grace na mangiyak-ngiyak na. Tss. Kaawa naman. Lumaban pa kasi, hindi naman pala ako kaya.

"Eh bakit ba naman kasi kayo sumusunod sa lecheng gurong 'yon? Alam niyo naman ang mga kaweirdohang pinaggagawa niya. Baka nga isa siya sa killer e," wika ni Kristine. Yumuko lang si Grace. Masyado siyang nagpapauto sa teacher namin na 'yon. Ang isa pang nakakapagtaka, bakit parang ang section lang namin ang nilalaro niya? Ayaw niyang laruin ang sarili niyang section, ang Fourth Section.

"Tama na 'to. Kalimutan na lang natin ang nangyari," sabi naman ni Joyce at hinatak kami papasok sa loob ng Dorm. Isa parin 'tong si Erika e. Tatanga-tanga. Alam na delikado, nagpumilit paring lumabas mag-isa.

Fifth Section (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon