College Love

4.5K 158 0
                                    




"Ayoko na, suko na ako"

"Pang ilang ayoko na mo nayan, pero asang asa ka parin."

"Eh kasi Anne, naiinis na ako. Magpapapansin na naman yan. Magtetext ng kung anu-ano"

Nasa canteen kami ngayon at nag aantay para sa susunod na subject.

"Oh tapos?"

"Ang sweet niya kasi eh"

"Ano ba text niya?"

"Gago daw ako."

Halos mabuga ni Anne ang iniinom niyang gulaman.

"Sweet ba yun?" Kunot noo niyang tanong.

Di man sweet pakinggan para sa iba. Pero para sakin sweet. No, not because of the word but because nag effort siyang mag text.

"To think batugan yun tapos parang walang ka fun fun ang life. Halos hate niya nga lahat ng classmates namin na babae nung high school kami kasi malalandi daw"

"Sabagay.. Pero ang pribado ng buhay niya. Ang hirap niyang basahin sis grabeh"

"Trot!"

~

"Naku Anne, tingnan mo text niya!!!" Excited kong sabi kay Anne at agad na ipinakita ito.

Vice: puntahan kita diyan, panget dito.

" Yiiiie"

I suddenly felt conscious , feeling ko ambaho ko so I sprayed my perfume all over my body. I put some powder on and a lip balm.

"Okay na ba sis?"

"Pretty ka na dont worry."

My phone beeped and i received a message from him.

Vice: Punta kaming tambayan nila Vhong. Di ako tuloy bye

Ayan na naman. Umasa na naman ako. Nasaktan, tapos mag aattempt na mag move on pero isang text niya lang, back to zero na naman.

"Bakit busangot yang mukha mo?... Wait let me guess, di na naman siya tuloy no?"

I nodded.

"Anne, bakit ba di ko siya malimutan?"

"Kasi may pinagsamahan kayo at ikaw na rin ang may sabi, ideal guy mo siya. Kaya mahirap , taas ng standard mo, at ang basehan ay si Vice."

"Eh kasi nga ang gentleman, gwapo, mabait, at matalino. And gusto ko rin yung pamysterious.

~

GENERAL POV

Gabi na ng natapos ang klase ni Karylle. Obviously mag isa lang siyang uuwi dahil iba ang daan ng bahay ni Anne sa kanila.

Right when she step up to ride the jeepney, she saw someone.

"Oh Vice"

Vice then tapped the vacant seat para doon paupuin si K. Kinilig naman si K dahil di talaga ganito si Vice sa iba.

"Bakit mag isa ka lang umuuwi?" Takang tanong nito sa kanya.

"Eh out of the way naman si Anne eh."

"Delikado kasi, babae ka"

She smiled.

Concern ba talaga siya? Agad namang napailing si Karylle sa naisip. Wag umasa. Wag umasa.

Vicerylle: One Shot StoriesWhere stories live. Discover now