#TEAMREAL

4.4K 146 22
                                    




New year, new life and a new chapter to look forward to. Maraming natuwa dahil sa wakas mawawala na ang kamalasan ng 2016 sa buhay nila. Though marami din namang masasayang alaala nakaraang taon ngunit sadyang mas madaming negatibo ang nangyari.

Naging mas masaya naman ang noon time show na kinabibilangan nila Vice at Karylle, kung anong kinasaya ng mga fans nung boy group at girl group, siya namang kinainis ng mga fans ng main hosts. Di parin kasi nila  binibigyan ang ilan sa mga ito ng exposure at mas inuna pa ang mga hashtags at girltrends kagaya nung nakaraang taon.

Wala namang angal si Karylle sa naging treatment sa kaniya for these past months, she didn't want to rant at lalong lalo na ang mag reklamo. She trust her management so much and alam niyang para lang naman ito sa kaniya at sa career niya. Masaya naman siyang nanood sa backstage, mga kulitan ng mga kaibigan niya. "Ang saya nila.." natatanging sambit ng dalaga sa tuwing ito ay nanonood. 

Habang si Vice naman ang ganun parin. Kapansin pansin din ang walang kibuan ng Vicerylle nitong nakaraang buwan. Di naman alam ng mga fans kung ano talaga ang dahilan kung bakit minsan nalang nagtatabi ang kanilang mga iniidolo. 

In reality, may ilangan ngang nagaganap sa dalawa. Di naman matukoy ng ibang hosts ang problema pero ang alam nila ay may tampuhan ang dalawa. Di na sila nangengealam dahil alam naman nilang maaayos din nila agad ito.

Nakasanayan ng interviewhin ni Tito Boy ang mga naglalakihan bituin sa network. Usually, he would want to ask what are their new years resolution, what are the things that their fans would look forward to and etc. 

Pagsinabing "malalaking bituin", di mawawala sa listahan ang isang Vice Ganda. 


"Mga Kapamilya, Let's all welcome the unkabogable and the phenomenal, none other than Vice Ganda!" he introduced Vice. As soon as he heard his name, he showed up and smiled and waved to the audience. 

"Fresh na fresh!" 

"Yessss naman" he answered and sat.

The interview started and it went good. The first questions were just all about his vacation and how he spent his holiday with his family. But the latter questions were about his upcoming shows and ganaps. 


"How was your holiday?" 


Vice took a deep sigh while closing his eyes and smiled. 

"It was so good Tito Boy, ang saya saya! Kasama ko buong pamilya ko nag Paris kami, nag Vatican. I am so happy seeing my family happy." he answered sincerely. 

"Of course, I can see that. And napaka-successful ng movie mo! The Super Parental Guardians highest grossing movie of all time! What do you feel?" 

"Ang saya! Napaka-fulfilling nang makapagpasaya ng mga tao, at napapasaya din nila ako dahil alam mo na haha charot! Seryoso, sobra akong natouch sa mga feedback nila na kahit na di nasali sa MMFF yung movie ko ay tinangkilik parin ng madlang people. At siyempre, this is also for Direk Wenn, alam kong masaya siya ngayon para sa success ng movie namin. I love you Direk!" 

"What are the upcoming shows that we are going to expect from the one and only Vice Ganda ngayong 2017?" 


It took Vice a minute to answer, he just smiled and collecting right words to answer. 

"Di ko pa alam to be honest, may iba kasing di pa sure na mafi-fit ba siya sa schedule. So ayun maraming nag aalok pero I trust my management so much. Showtime and GGV, tuloy-tuloy parin yan, thank God. And I am so excited to announce that I have an upcoming concert this year! Di pa na finalize yung title pero I am super excited!" 

Vicerylle: One Shot StoriesWhere stories live. Discover now