I need you

4.8K 154 4
                                    









"Kaya nga di na kita sinamahan kasi sabi mo Anniversary lang ng magic at ma-oop lang ako." mahinahong sabi ni Vice sa telepono. "Tapos nakita ko nalang mukha ni Yael dun." dagdag pa nito.

"Vice...si Yael na naman ba? Wala kabang tiwala sakin?"

"Malaki ang tiwala ko sa'yo, pero sa pugong 'yun? Wala!"

"We were just having fun Vice."

"You're having fun tapos ako dito parang sasabog na sa sobrang selos."

Karylle sighed on the other line. Napapagod na siyang makipag-bangayan sa nobyo. Paulit ulit nalang kasi na parehong tao ang pinag-aawayan nilang dalawa.

"You know what, this is not the right time na pag usapan ito. Let's just talk tomorrow"

Vice agreed at pinatay ang telepono. He sighed and changed para makatulog na. Kahit sobrang selos ang nararamdaman niya ngayon ay wala naman siyang magawa dito dahil ang alam ng lahat si Yael ang asawa ni Karylle.

"Ano ka ba Vice, natural nandun si Yael, siya yung "asawa" eh" sabi pa nito sa sarili habang kaharap ang salamin. "Kailan ba'to matatapos."

~

"Vice, i have a bad news. Isinugod si Direk Wenn sa ospital." nagulantang ang huli sa kaniyang narinig. Di na niya naisipan pang mag ayos o maligo man lang. Dali dali niyang pinaandar ang kotse at pinaharurot sa nasabing ospital.

Naging malaking bahagi na sa buhay ni Vice si Direk Wenn. Di lang bilang Direktor-Artista ang relasyon nila kundi para narin silang mag-ina. Napakamalaipit nila sa isa't isa kung kaya'y sobrang nanghihina si Vice ng nalaman niya ang balita.

Nanatiling matatag si Vice dahil alam niyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Nay, may movie pa tayo. Wag kang echusera. Magpapasaya pa tayo ng tao diba?" mahinang sabi ni Vice sa harap kaniyang wari'y natutulog lang na kaibigan.

His tears can fill a barrel right now. "Bangon ka na diyan Nay, masyado ng beauty yung rest mo ha." dagdag pa nito. Nasa likod niya ang kaniyang mga kaibigan na naging kaibigan din ni Direk Wenn. Panay haplos ang mga ito sa likod ni Vice.

Kung nasasaktan sila, mas nasasaktan si Vice.

"Meme kumain ka muna" mahinang sabi ni Buern kay Vice na ngayo'y hawak hawak parin ang kamay ng kaibigan. Walang kibo at parang wala sa mundo ang attensiyon nito. Parang nawalan ng buhay ang kaniyang mga mata.

Ang kaniyang mga mata na nooy napakaraming mga bituin, mga mata na sobrang puno ng buhay, na ngayo'y parang isang bulaklak na nalalanta dahil kulang sa dilig, at parang isang gabi na walang bituin.

"Meme kailangan mong kumain. Wala ka pang breakfast meme. " muling sabi ni Buern kay Vice na wala paring imik.

Di na nila kinulit pa si Vice dahil baka mag breakdown na naman ito.

"Lagot kasi tayo sa jowa kapag nalamang di pa kumakain yan." nag-aalalalang sabi ni Buern kay Archie na kanina pa siya pinupuna sa pangungulit kay Vice.

"Siya nalang kaya papuntahin natin dito. Kay K lang naman sumusunod 'yan eh"

"May Mall tour sa Cebu si Mommy K eh. Alangan naman na ipostpone yun." sabi ni Buern at panay kamot sa batok dahil na-iistress narin siya dahil kay Vice.

"Text mo nalang si K, ikaw na bahala. Magpapaalam muna tayo kay Vice, sobrang gutom na gutom na ako Buern, pwede na kitang kainin. Libre mo kami nila Jegs teh." suggest ni Archie at nag agree naman si Buern dahil maging siya gutom na rin.

Vicerylle: One Shot StoriesWhere stories live. Discover now