LET'S IMAGINE.

5.4K 181 10
                                    


LET'S IMAGINE THIS: 




"Madlang people put your hands together, let's all welcome ViceRylle!"


Di magkamayaw ang mga fans ng dalawa at maging ang normal na manonood dahil sa pagbabalik ng dalawa. Magkahawak kamay silang lumabas ng LED with big smiles on their faces. Naiyak naman ang ibang showtime hosts dahil sa pagbabalik ng dalawa. 

"Bago paman kayo maging emotional, I really miss this." pabirong sabi ni Vice. "What's up madlang pipol!!" sigaw niya at muli, nag wala ang tao sa studio. 

Nang kumalma na ay nagkatitigan lang ang showtime hosts at tila ina-absorb ang ganap. Few minutes later ay binasag na ni Karylle ang katahimikan. "I missed this!" 

"Group hug!" 

Masayang yinakap ng lahat ang nagbabalik na showtime hosts. Matagal nila itong hindi nakikita. Dahil sa sobrang kagalakan ay napaiyak ang lahat. 

"Namiss namin kayo wakla!" 

"Namiss rin namin kayo noh. Si Karylle nga kinukulit ako na magpakabit na daw ng TFC eh bago pa nga lang kami dun yun na agad request niya." natatawang chika ni Vice sa mga kaibigan. 

"Pero teka teka" singit ni Karylle. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Vice at pinaikot. "Ang pogi ng asawa ko oh" bagama't natatawa ay umikot nalang din si Vice at kumembot. 

"Tama na ang chukchak, simulan na ang saya. Masaya dito, tara! This is Showtime!" 



-- 


Natapos ang showtime ng matiwasay. Dali daling pumunta sa lounge ang hosts upang magkamustahan. Namiss kasi nila ang mag asawa. Simula kasi nung kinasal ito at napagpasyahang dun na mamalagi sa America para iwas gulo at kontrobersiya. 

"It's been what? Two years na!" panimula ni Jhong. 

"Oo pero di ko talaga kayo namiss. Palabas lang yun" seryosong sabi ni Vice dahilan ng pagbato ni Billy sa kaniya ng throw pillow. "Aray naman! Love oh!" parang batang sumbong kay Karylle. Parang wala lang namang narinig si Karylle dahil busy kakachika kay Anne sa mga experiences nila sa Amerika bilang mag-asawa. 

"Pero grabeh brad, laki ng pinagbago mo!" puna ni Vhong kay Vice. Kung titingnan ay pang boy outfit na ang sinusuot ni Vice. Less make up at wala ng extensions. 

"Isang bagay ang hindi nagbago" sabat ni Jhong. 

"Ano?" 

"May make up parin siya. Bakla ka parin!" 

"Aba bastos to ah!" 

Nagkulitan ang magkakapamilya dahil miss na miss nila ang isa't isa. Matagal tagal din yung 2 years. Kahit may communication ay iba parin yung nagkikita-kita sila. 

--- 


"Ganun parin talaga kalaki yung bunganga ni Anne. Walang pinagbago" natatawang sabi ni Vice habang nag aayos ng gamit. Masayang nakikinig lang si Karylle na ngayoy nagaabot kay Vice ng mga damit. 

"Aren't you hungry?" reklamo ni Karylle. 

Napalingon naman si Vice kay Karylle at napansin ang suot nito. Naka big sized t-shirt lang ito at short shorts, naka-bun ang buhok at walang make-up. Ito yung pinakapaboritong look ni Vice for K. 

 "Halika ka nga dito" malambing na sabi nito kay Karylle at kinandong. 

"Nasabi ko na bang ang ganda ganda mo?" nakapikit na sabi ni Vice habang isiniksik ang kaniyang ulo sa leeg ng asawa. 

"Pansampung beses mo ng sinabi Vice." 

"Kasi ang ganda mo talaga eh. Kaya siguro ipinasa ko nalang sa'yo yung korona ko as the prettiest kasi tinalbugan mo'ko." 

Hinampas niya ito ng slight at napatawa sa ka kyutan ng asawa. 

"Selfie tayo beh" 


"Ay ang panget ng get up ko." reklamo ni Karylle at inayos ayos yung buhok. 


"Sino may sabi? Kakaltukan ko" 


She smiled. Even the simplest talk they make, kinikilig parin talaga si Karylle. For her, he is the perfect husband. Simpleng bagay lang, simpleng compliment lang ni Vice sa kanya, masayang masaya na siya. 


"Oh sige selfie na" alok ni Karylle na nakakandong parin. They smiled at the camera and posted it on IG. It was their first selfie posted on public. They have thousandths of pictures together pero never nila itong pinost. They have it developed instead and keep it. 

But now, they are back and it means they're ready to face the real world. 







@ anakarylle: Clingy hubby right here. Pst panget labyu! ;-) @  praybeytbenjamin








-







Light but GUSTONG GUSTONG GUSTONG GUSTO KONG MANGYARI IN REAL LIFE ITO. :-(((((((






Hi guys, wanna read ? https://www.wattpad.com/myworks/54826381-mindless-cries 




Vicerylle: One Shot StoriesWhere stories live. Discover now