CHAPTER 1

5.3K 39 0
                                    

**MEET GAIL**


*tit tit*


Tunog ng cellphone yan wag kang kontra. Pagkatingin ko,

1 message received.



From: Jamilah

Uy mamaya ah! Simba tayo, wag kalimutan! Muah :*



To: Jamilah

Okay. Kitakits. :D



Ayan tayo eh Sunday nanaman ngayon. Part na ng buhay ko ang magsimba. Namana ko na kasi ang pagiging sagrado ng parents ko. Parang kulang kasi ang araw ko kapag hindi ako nakasimba lalo na kapag Sunday.


Bago ang lahat, ako nga pala si Gail Christelle Valdez. Graduating high school student. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay, ang makatapos ng pag-aaral. Simple lang din akong tao. Mabait at tahimik sabi nila. Marami naman akong kaibigan at masaya ako dun.


November na ngayon at malapit ng magpasko. Nararamdaman ko na nga eh. Pagulong-gulong pa ko sa kama at nang makita ko ang orasan,


"Sh*t." yan na lang ang nasabi ko. Paano naman kasi, 1pm na! May mass pa kaya, hello?! Agad-agad akong kumaripas papuntang CR. Ayoko kasing nalalate. Ginawa ko na ang mga ritwal ko saka umalis.



*****

Sa Simbahan:


"Hi Gail! Akala ko malalate ka ngayon eh hahahaha!!" Loka-loka talaga 'to.


"That's a Big NO! haha!" saka kami naupo sa favorite spot namin.



Kasama ko nga pala ang closest friend ko. Hindi ko siya best friend. Hangga't maaari kasi, ayoko ng mga commitments. Iba kasi pananaw ko sa buhay. Alam naman niya yun at okay kami.



Nagkwentuhan lang muna kami. Actually, 30 minutes pa bago mag-start ang misa. Nakasanayan na talaga naming pumunta dito nang maaga para makapili ng magandang pwesto. Anyway, parang hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Parang may something unusual. Tinignan ko ang paligid pero wala namang bago. Siguro yun ay dahil hapon kami nagsimba ngayon. Dati kasi tuwing umaga kami nagsisimba pero due to some reasons ( acad things etc.), ngayong hapon na lang kesa hindi, diba??



"Magandang hapon po sa inyong lahat." Oopps. Start na pala. Quiet na ha? Focus.


"............................"



"............................"



"............................"

My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now