CHAPTER 8

1.1K 19 0
                                    

** MASAMA PALA SIYANG BIRUIN**



Maaga akong gumising ngayon. Ganun kasi dito yung tipong 4am pa lang dapat gising na. Hindi naman daw ako required na gawin yun bahala daw ako. Nahihiya naman ako kaya minsan 5:30 gising na ako o kaya 6am depende sakin. Dahil Monday ngayon, napagtripan ko na 5am gumising. Pupunta ako sa school kasi may practice kami ng graduation chuchu. Alam kong masyadong maaga yung 5am pero gusto ko nga kasi!



Marami nga pala akong nakilala kahapon. Grabe pala. Sobrang busy pala talaga kapag Sunday. Sunod-sunod ang misa kaya may mga nakilala rin akong ibang Pari. Hindi lang si Fr. Nico ang resident priest dito tatlo yata sila? Wala daw yung iba nasa seminar chuchu daw. Yun ang dahilan kaya medyo malaya ako sa pagtira ko rito hahaha! *evil laugh*




Nagpunta akong kusina dahil panigurado nandoon si Lola Sita. Balak ko kasing tumulong.


"Good morning Lola!" Masigla kong sabi.



"Good morning din Iha. Kaaga mo yatang gumising?"



"Eh ramdam ko lang pong gumising ng maaga hehe."



Habang tinutulungan ko si Lola magprepare ng almusal, naalala ko yung nangyari nung isang gabi.



*flashback*


Tumayo na ko at lumabas pero bago ko pa maisara yung pinto, tinawag niya ko at very serious yung tone niya. Ibinukas ko ulit yung pinto para makita ko siya nang maayos. Very serious din yung mukha niya parang yung boses niya na para bang walang biruan na nangyari. Ngayon ko lang kasi siya nakitang serious ang mukha lagi kasi siyang nakangiti.



"Gail, totoo ba??"



Nagyelo ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya hindi ko naman kasi inakalang tatanungin niya yun. Dahil dun, naconfirm ko rin na narinig niya lahat. Hindi naman kasi siya magtatanong ng ganun kung wala siyang alam eh. Buti na lang nakatago sa pinto yung kalahati ng katawan ko kaya hindi niya ako masyado makikita. Siguro naramdaman niya ang tensyon kaya binawi niya ang tanong niya.



"Sorry Gail. Sige matulog ka na. Goodnight."



Ang cold ng pagkakasabi niya nun. Yumuko rin siya pagkasabi nun na para bang hindi na ko nageexist sa harapan niya.



"Father..."



Parang may sariling buhay ang bibig ko at kusang nagsalita. Pagkatawag ko sa kanya, tumingin siya sakin. Diretso sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag pero parang nung pagtingin ko sa mata niya ay nakita ko ang kalungkutan.

My Forbidden Love [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora