CHAPTER 6

1.2K 23 0
                                    

**THIS IS IT**




"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"


"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"


"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"



*BOOOGSH!!!*



Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Hanep!



"Ano ba yun?!" sigaw ko.



"Aba! Sinisigawan mo na ko ngayon??" Patay si Inay pala ito. Lagot.



"Ay! Sorry po Ma. Akala ko naalimpungatan lang ako eh." Agad kong pagpapaliwanag.



"O siya! Bumangon ka na diyan. Inihanda ko na ang gamit mo. Pwede ka ng lumayas." Saka niya pinakita yung ilang bag.



"Gamit? Anong gamit Ma?" Pagtataka ko.



"Diba ngayon ka pupunta sa Parish? Nagppractice na lang naman kayo sa school. Pwede ka na dun manggaling." Sabi niya.



"Eh?" Hindi pa rin ako naniniwala.



"Nakuha na nila ang permission ko. Bumangon ka na diyan at tanghali na."



Lumabas na ang aking Ina at iniwan akong clueless sa mga bagay. Sabado nga pala ngayon kaya ganito ako kung makatulog. Very supportive talaga si Mommy. Siya pa mismo ang nagtataboy sakin haha!



Hindi pa rin ako prepared imagine sa Simbahan ako titira. Siguradong malayong-malayo yung buhay ko dito sa bahay sa pansamantalang magiging buhay ko dun. Alam kong may magandang epekto ito kaso, ang iniisip ko, makapagadjust kaya agad ako? Ano gagawin ko pag nakita ko si Fr. Nico? AWKWARD. LOL.



Wala naman akong choice kaya gumayak na lang ako. Ang totoo nyan, 11am na. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, pumunta na ko sa kusina para kumain.



"Magpakatino ka dun anak ha?" Bilin ni Mommy sa akin.



"Opo." Mabait naman po talaga ako eh hahaha! Isang bagpack ang dala ko at isang maliit na traveler's bag. 1pm nang umalis ako sa bahay.

My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now