CHAPTER 16

1.2K 21 0
                                    

** I Do Raw Sabi Niya **



"Uy halika na dali!" Kausap ko yung ilang mga bata nun nang may biglang humila sa akin at muntikan akong makaladkad dahil sa pagtakbo niya.





"Okay ka lang ba? Sorry ah. Halika na dali! Kailangan mong makita 'to." Sabi ni father sakin at nagtataka talaga ako kung bakit siya nagmamadali. Uuwi na ba kami? Noooooo!!!



"Bye kids!" Yan na lang ang nasabi ko. Hindi na ko nakapagpaalam sa kanila ng matino. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay ulit sa SUV ni father at ewan ko kung saan kami pupunta.





"Saan po ba tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo? Hindi naman yata ito ang daan pauwi?" Nagtataka kong tanong.





"We'll get there and you'll see." Sabi niya.





Okay fine. Manahimik ka na lang dyan Gail. Ano pa ba ang magagawa ko bukod sa maghintay? Wala naman diba? Di rin naman nagtagal ay nagsalita na rin siya.





"We're here."





Pagtingin ko sa labas, napawow na lang ako. Lagi na lang ako naaamaze sa mga nakikita ko everytime na kasama ko si father. Is this a....Oh no...





"We're just in time. You'll have to see this. Come with me." Sa totoo lang, panay ang pagenglish niya at ewan kung bakit. Ang alam ko lang ay inabot ko yung inoffer niyang kamay. HHWW??? Nah... Forget about it.





Ngayon ko lang narealize na parang nasa burol kami. Hay nako Gail kahit kailan ka talaga tsk. Sumunod lang ako sa kanya sa paglakad or should I say pag-akyat? Medyo elevated kasi ito at medyo nahihirapan ako huhu.





"Here. I hope you'll like it." Bakit hindi siya parang pagod?





Pagtingin ko, hell no! Bakit hindi ko naisip na magsunset na pala at nandito kami sa isang burol? It's a perfect spot to witness the sunset with someone you...love? Stop it Gail! Nababaliw ka nanaman. Hhhmm. Masisisi ko ba? Shet ang ganda!





"Did you like it?"





Hindi ko alam pero shet lang! Bigla kong niyakap si father. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero dahil siguro sa masaya ako? Matagal ko nang gusto makawitness ng sunset I mean.. sa isang lugar kagaya nito? Sinong hindi matutuwa? Masaya ako but not in a romantic way. Oo, kasama ko yung taong hinahangaan ko ngayon. Yung taong nagpapatibok ng puso ko. Pero may hangganan naman ang lahat.





"Ehem." narinig kong pag-ubo niya.





Ooppss. Napatagal yata ang pagyakap ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap at... awkward...





"Sorry father. Sobrang nagandahan ako. Thank you!" Kunwari walang nangyari.





"For what?"





"For showing me THIS! Your paradise." Masaya kong sabi.





"Ah wala yun...You're special to me anyway."



"Ano po yun?" pabulong kasi yung sabi niya.





"Ah wala. Sabi ko mabuti nagustuhan mo." Saka siya umiwas ng tingin.





"Sobra! Thank you father! Eh buti po pala dinala niyo ko dito." Sabi ko sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa kanya kahit na sa iba siya nakatingin.





My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now