CHAPTER 2

2.6K 21 1
                                    

**THE START**


Actually, ngayon ngayon lang ako naging palasimba. Nung bata kasi ako lagi ko lang kasama ang parents ko. Ngayon pa lang nabuksan ang mga isip ko sa mga ganitong bagay kaya naman ganito na lang ako magreact kapag nalalate ako. Bukod kasi sa time conscious ako, nakakahiya naman kapag nalate ka pa samantalang para kay God ito. Tama diba?



Fast forward na tayo.



Sunday na ulit ngayon. Ipagpalagay na lang natin na natapos ang week ko ng mapayapa. I just figured out na nakatitig pala ako dun sa someone sa harapan. Shet naman eh. Ngayon lang talaga to nangyayari sakin, promise!



Sige, aaminin ko na sa inyo. Crush ko nga siya. Ewan ko kung bakit hindi ko rin alam kung ano ang meron sa kanya. Basta! Crush ko siya. Yun na muna yun. Ang hindi makarelate, panget hahahahaha!!!



Wag ka muna manghusga. Wala pa naman akong sinasabi kung sino eh. Parehas natin siyang hindi kilala okay?



"asdfghjkkll Pascual" Ano daw?? Di ko talaga maintindihan.



"Jamilah, ano sabi?" Tanong ko sa katabi ko.



"Hindi ko naintindihan eh" Sabi rin niya.




Hay nako. Hindi ko nagets eh. Don't worry aalamin natin ang name niya. Hindi natin susukuan yan. Ilang beses ko pinapakinggang mabuti yung part na yun pero wala talaga eh. Ako lang ang may alam ng lahat. Wala akong pinagsasabihan na may crush ako. Naniniwala kasi ako na some things are better left unsaid. Lupit diba?


*****

Sa School



"Uy blooming hahaha!"Pang-aasar ni Kaye.



"May lovelife yata si ate hihihi." Pagsingit din ni Mari. May pabulong effect pa yan.



"Tigilan niyo nga ako okay? Ano ba nakain niyo at ang hyper niyong mga tao kayo?" Ayan lang ang sinabi ko sa kanila. Mga echusera kasi eh. Blooming blooming pang nalalaman. Bulaklak lang?



Payapa kasi ang pakiramdam ko ngayon. Baka yun ang ibig nilang sabihin. Ang saya ko lang, ganito ba pag may inspirasyon? Speaking of inspirayon, hahaha! Tawa na lang tayo. Same place at the same time. Meant to be kami eh bawal mainggit hahaha! Oo na lang!



"Good morning class!" Oopps, nandyan na si Ma'am. May klase nga pala kami sa Theology ngayon tsk.

My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now