CHAPTER 17

1.3K 24 0
                                    

A/N: Mas intense sa ibang naunang chapters ;)





** Just Be Happy...For Me. **



"Gail!" Sigaw ng kung sino man.



"PJ! Ikaw pala! Saan ka galing at hingal na hingal ka?" Grabe kasi ang pawis niya. Parang nagpahabol sa sampung aso hahaha!





"Hinabol kita. Bakit masama?" Aba! Loko 'to ah.





"Bakit kasi hinabol mo ko? Sinabi ko ba?" Tawa ko at hinampas hampas ko pa siya sa braso.





"Grabe to! Sige ka ipagkakalat ko yung sikreto mo." Pagbabanta niya.





"Anong sikreto, aber?" Pagchachallenge ko.





"Yung ano... may gusto ka kay.."





"Pssst hoy!!!" Tinakpan ko ang bibig niya. Humihiyaw kasi baka totohanin niya huhu.





"Haha! Grabe! Bakit ka namumula?" Pang-aasar niya.





"Ako? Hindi ah!" Deny ko.





"Namumula kaya! Eto o!"





Aba putek! Pisilin daw ba yung pisngi ko saka tumakbo! Natural mamumula yun! Papatalo ba ko? Syempre gaganti ako kaya hinabol ko siya. Kaso sa sobrang kaclumsy-han ko, ayun natapilok mabuti na lang at nahabol ako ni PJ dahil kung hindi, pak! Aray.





"O? Hoy Gail! Bakit ka ganyan makatingin?" tanong niya.





"Ano ngayon? Sino na namumula ha? Ha? Hahaha!" Pang-aasar ko. Seryoso. Sobrang pula ng mukha niya.





"Tsss..Di ah! Mag-iingat ka nga kasi! Pati ako napapahamak eh!" Sigaw niya.





"Pero bakit ka muna namumula?" Tanong ko ulit. Sarap talaga asarin neto hahaha!





"Ang kulit neto!! Hindi nga! Psssh..Makaalis na nga!" Umalis nga ang loko.





"O de umalis ka! Hmmp!" Sinigawan ko siya kahit nakatalikod siya. Pagkasabi ko nun, tumalikod na rin ako at naglakad na ulit pauwi.





"Hoy Gail!" Lumingon ako. Si PJ nanaman kasi.





"Ano? Ano pang kailangan mo." Sabi ko.





"Saluhin mo."





May ibinato siya sakin na kung ano at buti na lang ay nasalo ko. Pagtingin ko kay PJ, malayo na siya. Tinignan ko yung bagay na inihagis niya. Rectangle na something at nakabalot pa. May letter pa pala.





"Do.what.you.want. Just be happy." Sabi sa letter.





Ang sweet ha? Nakakainis na haha! Out of curiosity, binuksan ko na agad yung gift. At pagkabukas ko.......





"Chocolates?" Buong pagtataka ko.





*****

Nakabalik na ko ng simbahan pero di pa rin ako makaget over sa chocolates ni PJ. Tinext ko agad siya at nagpasalamat sa binigay niya ayun...hindi nagreply bwiset yun haha! Anyway ulit, ilang araw na ang nakalipas simula nung nagkasama kami ni Fr. Nico sa may burol. After kasi nun, madalang ko na ulit siya makita. Minsan nga pakiramdam ko umiiwas siya. Bakit? Kasi nung minsan na magbbreakfast sana ako, naabutan ko sila ni Lola Sita sa kusina pero nung nakita ako ni Fr. Nico, dali-dali siyang umalis at nagpaalam kay Lola. Hindi man lang niya ko pinansin huhu.





My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now