CHAPTER 15

1.1K 28 0
                                    

** Ano Po Ba Kasi Talaga? **




So ayun na nga. Hinatak ako ni Fr. Nico palabas. Wala talaga akong alam kung ano balak niya. Ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya?


"Sakay na." Sabi niya sa akin.


Saan ba talaga kami pupunta at kailangan pang sumakay sa sasakyan niya? Hay nako. Tinignan ko muna siya bago ako sumakay pero tumango lang siya at binigyan ako ng dalian-mong-sumakay look. May choice ba ko? Parang wala naman.




Sumakay ako sa passenger seat dahil dun niya ko pinasakay. Actually, first time kong sumakay dito sa sasakyan niyang maganda na kulay puti na SUV na hindi ko na babanggitin kung ano ang brand at uri dahil masyado nang mahahalata yung nagimbento ng kwentong ito.




Pinaandar na niya ang sasakyan at nagsimula na kaming magbiyahe. Tahimik lang ako at nagmamasid sa kung ano man ang daanan namin. Ayoko kasi siyang tignan dahil bukod sa natatakot pa rin ako sa kasungitan niyang taglay, naaalala ko yung mga embarrassing moments ko sa kanya. Pero hindi naman ako manhid para hindi malaman na panay ang tingin niya sakin habang nagddrive siya. Hmmpp! Bahala nga siya.




Hindi ko pa rin talaga alam kung saan kami pupunta dahil hindi na ko masyadong pamilyar sa mga dinadaanan namin. Mabuti na lang at nadala ko ang phone at earphones ko para hindi ako mabobore masyado. Pero kahit na, hindi kaya ako nakapagpaalam kay Lola na kasama ko si Fr. Nico baka hanapin ako nun. At wait... Meron pang isa. Oh my gas!




"Shems!" Napahiyaw ako dahil sa naalala ko.


"Bakit? Anong nangyari?" Grabe. May kasama nga pala ako at halatang nagalala dahil napahinto pa siya sa pagddrive.




"Father, kaseee.."




"What?" Iritado niyang sabi.




"Kasee.."




"Ano nga?" Naiirita na yata talaga. Kitang-kita ko sa mga mata niya.




"Eh saan po ba kasi tayo pupunta? Kanina pa po ako nanghuhula kung saan papunta 'tong sasakyan na ito at hindi na rin ako pamilyar sa mga dinanadaanan natin. Ano po ba pumasok sa isip niyo at bigla na lang tayo umalis? Baka po hanapin ako ni Lola at hindi niya alam na magkasama tayo. Saka Fr. Nico, yung tungkol sa kanina, sorry na po. Sorry kung ano mga nagawa ko. Hindi ko na po alam kung paano ako haharap sa inyo dahil sa tuwing nakikita ko kayo, naaalala ko lahat ng kapalpakan kong nagawa!" Walang preno kong sabi. Tuloy-tuloy yun. Non-stop.




Hindi ko na alam ang mga susunod na dapat kong sabihin kaya huminto na lang ako at bumuntong-hininga. Hindi naman halata na asar na asar ako hano? Tumingin na lang ako sa labas at hinintay kung ano magiging reaksyon nitong si Fr. Nico na hanggang ngayon ay wala pa ring imik.




"Gail..." Malamlam niyang sabi.




Ooppss! Wala akong naririnig...




"Gail... Sorry..." Pag-uulit niya.




What the?? Sorry? Hahahaha! Nilingon ko na siya nakakahiya naman kasi kay FATHER NICO!




Pagkatingin ko sa kanya, nakatingin pa rin siya. Emotionless siya. Poker face.




"Sorry kung nabigla ka. Sorry kasi nasungitan kita. Kung saan tayo pupunta? Secret muna ha? Yung tungkol naman kay Lola, alam na nila na magkasama tayo kaya huwag ka nang mag-alala. So ano, okay ka na? Alam ko may gusto ka pang sabihin.." Kalma pa rin niyang sabi. Yung kaninang nakakatakot niyang aura ay tila nawala na.




My Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon