CHAPTER 12

1.1K 20 0
                                    

A/N: Short update! :)


** Just to Make Things Clear **



Father Nico's POV


Nandito ako ngayon sa may kampanaryo. Wala lang, gusto ko lang magpahangin. Masarap kasi dito at marerelax ka pa kasi maganda ang view. Ako nga pala si Kenshin Nicole Pascual. Opo, isa akong Pari. Kilala ako bilang Father Nico, mas simple kasi kung ito na lang ang itatawag sa akin. Maeestimate niyo naman ang age ko kaya hindi ko na lang din sasabihin. Bahala na kayong humusga.




Lumaki ako sa piling ng pamilya ko. Parehas ng sumakabilang-buhay ang mga magulang ko. Mayroon akong dalawang kapatid at parehas ng lumagay sa tahimik. Ako ang bunso sa pamilya. Paminsan-minsan sabay nila akong pinupuntahan upang mangamusta kasama ang kani-kanilang pamilya.




Natutuwa ako sa tuwing nakikita kong masaya ang kanilang pamilya. Minsan rin kasing tumatak sa isip ko na magkaroon ng sarili kong pamilya. Magkaroon ng asawa at magkaanak. Kaya nga natutuwa ako kapag nakikita ko ang mga pamangkin ko. Pero dahil sa pinili ko ang bokasyong ito, hindi 'yon mangyayari.




Pitong taon ako nang magsimulang maglingkod sa Panginoon. Naging sakristan ako hanggang sa makagraduate ng high school. Sa catholic school ako nag-aral at nang ako'y maghigh school, pumasok na ako sa seminaryo at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral. Sinuportahan naman ako ng pamilya ko sa naging desisyon ko. Nung una, tutol sila pero unti-unti rin nilang tinanggap.




Tinapos ko ang pag-aaral sa Minor Seminary at lumuwas sa Maynila upang pumasok sa Major Seminary. Bumalik ako sa probinsiya nang makatapos ako ng pag-aaral upang dito na ipagpatuloy ang bokasyon ko. Dito na nga nagsimula ang buhay ko dito sa Parish. Mas marami akong nakilala ngayon dahil mas naging bukas na ako sa lahat. Mahiyain kasi ako dati kaya piling tao lang ang kinakausap ko.




Dito sa simbahang ito, dito ko napagdesisyonan ang gusto kong gawin sa buhay. Dito bumukas ang isip ko sa mga bagay-bagay. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko piniling bumalik dito.




Maraming nagtatanong kung bakit ako nagpari. Mahirap ang katanungan na 'yan dahil ako mismo, hindi ko alam ang sagot. Isa lang ang alam ko, masaya at kuntento ako sa kung sino at kung ano ang meron ako ngayon.




Isa ring bagay ang gusto nilang malaman tungkol sakin. Ako ba ay nain love na? Oo naman. Tao rin ako at umiibig rin. Hindi ko lang naipaglaban dahil mas nanaig ang pag-ibig ko sa Diyos.




NagkaPoV ako, bakit? Gustong malaman ang reaksyon at side ko sa mga nangyayari? Hhmmm.. Wala akong masasabi. Hindi ko alam kung paano at bakit pero mas maganda kung yung side at kapakanan na lang ni Gail ang alamin niyo. Hindi mahalaga ang karakter ko rito. Isa lang din akong tao na nagdala ng kalituhan sa kapwa ko. Alam ko maiintindihan niyo rin ang ibig kong sabihin. Oo mahirap talaga kapag nasa ganitong sitwasyon. Maguguluhan ka. Maguguluhan ka lalo na at nakasalalay dito ang bokasyon ko. Ewan ko kung bakit nagkaroon ng ganitong kwento. Ayokong makasakit ng ibang tao. Ayokong masaktan si Gail pero ano ang magagawa ko? Gusto kong maging ganap na Pari. Gusto kong paglingkuran ang Diyos. Bahala na. Bahala na ang Diyos sa mga dapat mangyari. Siguro ganito nga talaga. Basta tatandaan niyo na hindi sa lahat ng pagkakataon, hindi sa lahat ng kwento, kailangang makilala lahat ng karakter.Marami sa kanila ay panggulo lang at walang importansya sa totoong buhay ng bida.



My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now