CHAPTER 10

1.3K 25 7
                                    

** SANA KASI IKAW NA LANG **



"Miss eto panyo o. Huwag ka ng umiyak, nalulungkot din ako eh."



Ha? Sino to? May ibang tao dito?



Kinuha ko ang panyo niya pero hindi ko pa nakita ang mukha niya. Lalaki siya base sa pants and shoes niya na nakita ko. Tamang-tama kailangan ko ng panyo naiwala ko pala yung akin.



"Salamat ha? Naiwala ko pa naman yung panyo ko." Sabi ko sa lalaki kahit hindi ko pa siya nakikita nagpupunas kasi ako ng luha ko. Huhu My precious tears!!



"Bakit ka ba kasi umiiyak? Siguro ang bigat ng problema mo no? Ikaw kasi yung tipo ng babae na hindi basta sumusuko. Nagulat nga ako at nakita kita dito na malungkot tapos umiiyak."



Parang kilala ko yung boses na to. Saka bakit parang kadami niyang alam tungkol sakin? Hhhmmm... Nung sa tingin kong ayos na yung itsura ko, ibabalik ko na sa lalaking ito yung panyo niya. Don't worry hindi ko naman masyado nagamit saka baka akalain niya na ayoko ng ibalik yung panyo niya no!



"Eto na pala ang panyo mo. Salamat ha?" Tinignan ko siya at iniabot yung panyo at........ at....



"IKAW??!!" Sigaw ko. Sa dinami-rami ng tao siya pa? Siya pa ang nakakita sakin na umiiyak? Nakakahiya naman tsk!



"Oo ako nga. Bakit? May ineexpect ka bang iba? Hehe." Saka siya ngumiti kabuset talaga.



"Nakakahiya naman kasi eh." Saka ako yumuko.



"Nako! Sakin ka pa nahiya. Eto o." Iniabot niya sakin ang kamay niya.



"Ano gagawin ko dyan?" tanong ko.



"Sumama ka sakin. Sigurado ako mawawala yang problema mo. Kahit pansamantala man lang."



"Ha? Eh kasi.." Pag-aalinlangan ko.



"Sige na Gail! Kahit ngayon lang. Please..." Aba! Nagpuppy eyes pa ang loko. Haha!



"Sige na nga." Kinuha ko ang kamay niya at tinulungan niya kong tumayo. Wala namang mawawala kung sasama ako sa kanya diba?



"Care to share?" Tanong niya.

My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now