CHAPTER 3

1.8K 19 0
                                    

**NO JUDGMENT PLS**


Nag-start na ang misa. Yung kaninang hyper kong personality ay biglang bumagsak. Paano naman yung crush ko wala! Dapat andyan na yan ngayon pa lang! Ang nakikita ko lang sa altar ay yung pari, mga sakristan, yung mga minister ba yun? Basta sila! Pero bakit wala yung gusto kong makita? Huhuhu Nakakalungkot naman. Every Sunday ko na nga lang makikita wala pa! Nasaan kaya yun? Bakit siya absent? May sakit? Huwag naman sana. Pero nasaan ang hustiya?



Siguro masyado na daw akong masaya sa buhay ko kaya binibigyan ako ng rason para maging malungkot. Opo panalo na kayo sobrang baba na ng energy ko. Wala na ko sa mood tuloy.



Nasa kalagitnaan na yung misa pero ako, para na kong zombie dito. Buti wala akong kasama kung hindi, maiintriga nanaman ako neto. Paano kaya ako magiinterview mamaya? Si Fr. Mark sana ang gusto ko mainterview. Magaling kasi siya maghomily at ang bait bait pa niya. Matagal ko na rin siyang kilala at sigurado na magiging okay pag ininterview ko siya. Yun ay kung pwede akong mamili. Busy ang mga pari so bahala na sila kung sino ibigay nila sakin mamaya.



Nang matapos ang misa, lumabas na agad ako para pumunta sa lugar para makahanap ako ng iinterviewhin. Medyo matamlay pa rin ako pero pinilit kong maging jolly para naman tanggapin nila ko dito.



"Hello po! Meron po kasi kaming activity sa school. Sino po kaya ang pwede kong mainterview?" Lumapit ako dun sa isang Lola na nagseserve din sa Simbahan. Todo ngiti ako para mas convincing hahahaha!



"Ah oo Iha. May ilang kabataan na rin ang nagpunta rito. Ganyan din ang ginawa nila. Sige maupo ka muna dyan. Hintayin mo at tatawagin ko si Fr. Nico." Ngumiti si Lola saka umalis. Fr. Nico? Parang narinig ko na yun pero hindi ko alam kung sino. Sino kaya yun? Hhmmm....



"Iha, halika. Dun tayo." Sinundan ko si Lola at parang unti-unti na kong kinakabahan. Para akong baliw magiinterview lang kinakabahan pa. Hahaha!



"Maupo ka muna dyan. Nasabi ko na kay Fr. Nico yung tungkol sa activity niyo. Hintayin mo nalang siya dito ha?"



"Okay po. Maraming salamat po Lola."



Ang bait ko no? Haha! Dinala ako ni lola sa parang isang tanggapan. Infairness maganda! Gusto ko yatang tumira dito haha! Bukod sa malinis, maganda pa ang aura kaya nakakarelax. Naupo na lang ako ng maayos at hinintay si Fr. Nico na sinasabi ni Lola. Hindi nagtagal, may pumasok na lalaking nakaputi. Baka siya na si Fr. Nico na tinutukoy. Tumayo ako.



"Good afternoon po." Sabi ko with matching smile kuno.



Pagkagreet ko, lumingon siya at ngumiti rin.

My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now