CHAPTER 11

1.1K 24 1
                                    

** Ang Gwapong Anghel Naman Niya**



"Ako na ang maghahatid sa kanya."



WTF??!!


"Father! Kayo po pala." Nakangiting bati ni PJ pero alam mong nagulat siya.



"Sige. Ako na bahala sa kanya. Isa lang naman ang way pauwi sa amin. Umuwi ka na rin." Ang cold ng pagkakasabi niya. Problema nito?



"A-ah sige po." Nakangiti pa rin si PJ at tumingin sakin na parang nagtataka rin. "Gail, una na ko ah. Salamat at sana nag-enjoy ka." Dagdag pa niya.



"Ako nga dapat magpasalamat eh. Mag-ingat ka. Salamat ulit!" Pagkasabi ko nun, umalis na si PJ. Eto namang si Father Nico, tumango lang tsk!



"Halika na." Nagulat ako at bigla siya nagsalita. Nakatingin pa rin kasi ako sa naglalakad na si PJ. Maglalakad lang kami tutal malapit lang naman. Nauuna si Father na naglalakad, kabilis nga eh.


"Sino yung kasama mo?" Ang cold pa rin niya! Ano ba to? Nagtatanong habang nakatalikod!


"Si PJ po, kaibigan ko." Sagot ko naman.



"Ahhh. Boyfriend mo? Hindi mo sinasabi." San niya napulot yun? Ano ba yan!



"Ai hindi po!" Agad kong pagtutol. "Friend ko lang po talaga si PJ." Umiiling pa ko habang sinasabi yun kahit hindi niya nakikita.



"Ganun ba? Okay." Matipid niyang sagot. Hindi na lang din ako kumibo kasi parang badtrip yata 'tong kasama ko.



Nakarating kami sa Simbahan na wala na talaga siyang sinabi. Umakyat na rin agad siya sa kwarto niya nang makarating kami sa Simbahan at hindi na lumabas. Sabi ni Lola Sita, hindi na raw kakain si Father dahil busog pa daw siya at gusto na niyang magpahinga. Ano kayang problema niya? Pagod lang siguro yun at wala ng gana na magsalita at gumalaw.




Kinabukasan...


May practice ulit kami ngayon ng graduation. Hindi ko na nga pala naabutan si Father Nico kasi maaga daw umalis sabi no Lola Sita. Hindi ko naman na tinanong kaya ewan ko kung nasaan siya. Pumunta na ako ng school at nakita ko si PJ. Mabuti na lang at kaibigan ko tong si PJ para kahit papaano, may nakakausap akong matino.



Papalapit na ng papalapit ang graduation kaya nakakadama na rin ako ng lungkot. Matagal ko kaya nakasama ang karamihan sa kanila kaya nakakamiss din! 5pm na natapos ang practice ngayon kasi trip lang siguro nila. Nang matapos ang practice, hindi muna kami umuwi. Alam ko nung kayo yung nasa sitwasyon na to ganito rin ang ginagawa niyo.

My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now