CHAPTER 14

1.1K 26 3
                                    

** You.Are.My.Problem **




Isang linggo na yata ang lumipas simula nung nangyari yung insidente. Ibig sabihin nun, one week ko na rin madalang makita at makausap si Fr. Nico. Nasaan na kaya yun? Syempre kahit umiiwas ako, ayoko rin naman yung ganito na hindi ko siya nakikita dahil aksidente lang naman yun eh. Sabi kasi ni Lola Sita, maaga daw laging umaalis at nagpupunta sa seminary tapos gabi na rin kung umuwi kaya hindi kami nagkikita. Naitanong nga rin ni Lola kung alam ko yung problema ni Fr. Nico kasi pansin daw niya na sobrang tahimik nito at parang sobrang lalim lagi ng iniisip. Naisip ko naman, baka pagod lang siya. Marami rin kasi silang ginagawa. Alam ko yun kasi kapag pumapasok ako sa office niya, tambak talaga ang gawain niya. Sinong nagsasabing nagmimisa lang sila? Marami silang ginagawa na hindi lang talaga natin pansin. Tapos ngayon, nalaman ko pa na madalas siyang nagpupunta sa seminary. Ibig sabihin, busy nga sila hindi naman yun siguro pupunta doon ng walang dahilan diba?




Well, yun na lang talaga ang naisip ko. Yun lang naman talaga diba? Medyo naguilty naman daw ako kasi siya busy tapos ako, anong ginagawa ko? Eto nakatambay nanaman ano pa nga ba? Favorite tambayan ko na talaga 'tong garden sa simbahan maliban dun sa paradise sa school. Mamimiss ko tong lugar na 'to tsk. Nag-iisip ako ng gagawin kasi wala nanaman akong magawa. Ayaw kasi talaga nila akong pagalawin sa lugar na 'to, hindi na ko makasingit kapag nagsisipag-sipagan ako. LOL




Dahil sa katamaran ko, naisipan kong makinig na lang sa music. Para naman perfect na ang pageemote ko diba?




A hundred and five is the number that comes to my head

When I think of all the years I wanna be with youWake up every morning with you in my bedThat's precisely what I plan to do
And you know one of these days when I get my money rightBuy you everything and show you all the finer things in lifeWe'll forever be in love, so there ain't no need to rushBut one day I won't be able to ask you loud enough


Hopeless romantic ba talaga ako?? Hehe Gusto ko lang naman maikasal sa taong mahal ko eh. Hindi naman maiiwasan ang mga struggles habang hinahanap mo yung right guy para sayo. Sabi nga sa isang six word story na napulot ko sa English class namin, "Left-handed woman seeks Mr. Right." Eh kaso nga, hindi ako kaliwete. Pag right-handed si Mr. Left ang hanap? Ha-ha-ha! Korni. Syempre si Mr. Right din. Nasaan na kaya siya? Hhhmmm....




*tit tit tit*


Ooppss. Istorbo.


From: Jamilah

"Oi. Isend mo na sa akin yung inedit nating anak thesis dyan sa laptop mo. Malapit na yung deadline ng paper natin huhuhu."



Aww.. Oo nga pala may paper kami! Nakalimutan ko yun ah napakaresponsable kong estudyante tsk tsk.




To: Jamilah

"Ahh. Oo nga pala! Buti nagawa ko na siya. Ieedit ko na lang at isesend ko sayo mamaya. Sorry ah hehe Nakalimutan ko."


*tit tit tit*


From: Jamilah

"Sige."




Seryoso ako dun na nagawa ko na. Anong akala niyo sakin, tamad? Haha! Oo tamad ako pero hindi naman ako sakit sa ulo ng mga kagrupo ko. Pero tinatamad pa ko gawin eh Pwede mamaya na lang? Ang sarap ng upo ko kasi e.




Pero sige na nga! Gawin ko na! Para wala na kong problema hihihi. <3




Dahil nga may paper pa ko na kailangan iedit, nagmadali akong umalis sa garden at tumakbo papuntang kwarto. Gusto ko na rin talaga kasi siyang tapusin kahit may bahid ako ng katamaran ngayon.




My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now