CHAPTER 5

1.3K 16 0
                                    

**CLERGY SUIT**


"Good morning! Ako si Fr. Nico. Dito ako naassign sa section niyo para magbahagi sa inyo ng ilang mga mahahalagang bagay na makakatulong sa inyo dahil ilang araw na lang, ggraduate na kayo. Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo, Congratulations!"



*clap clap clap*



Oo! Siya nga! Paano ako magtitino nito kung siya ang nasa harapan ko? Nasa harapan pala namin dahil sa likod ako nakaupo. Pero seriously, paano nga? After ng ilang months na hindi ko siya nakita? Nakakashock nga naman talaga. Mas lalo pa siyang naging gwapo. Whut?! Ano ito surprise? Halimaw hindi ako prepared dito! Huhuhuhu. Help me guys.



"Ilang araw na lang ay hindi na kayo mga high school students. Kailangan ninyong ihanda ang mga sarili niyo dahil hindi biro ang buhay pagkatapos nito. Ang mga desisyon na gagawin ninyo ay pwedeng makaapekto sa mga buhay at kinabukasan ninyo." Sabi ni Fr. Nico na siya namang pinapakinggan ng lahat.



Napakahiwaga naman talaga hanep! Siya na! Siya na magaling magsalita! Hahaha! Joke lang naman.



Nakikinig lang kami sa kanya kasi lahat talaga ng sabihin niya tumatagos sa puso namin haha! Korni pero totoo. Hindi rin boring kasi nagjojoke rin siya. Ang cute nga eh Mga havey.



Hindi ko na ikkwento lahat. After ng discussions and sharings about life, meron kaming activity na ginawa. Para siyang self evaluation kuno, basta ganun! Binigyan kami ng mga sheets at tahimik naming sinagutan yun. Kahit papano naman kumalma na ko dahil sa tagal ba naman ng discussions. Habang nagsasagot kami, palakad-lakad lang si Fr. Nico. Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagsasagot at nagfocus.



"..................................................................."


"....................................................................."


"...................................................................."


"Hello. Ikaw si Gail diba?"



0_o What the eff??!!



"............................................."



"Ikaw nga yun! Kanina pa kita tinitignan pamilyar ka kasi. Buti naalala ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.



Anong sabi? Kanina pa niya ko tinitignan? How sweet. Feelingera ako eh bakit ba? Mahina lang ang boses ni Fr. Nico nung kinausap niya ko para hindi na rin siguro makaistorbo.

My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now