Too Young

59.7K 645 19
                                    

I am Serene Andrews. Isa akong batang ina. Nabuntis ako sa edad na 17.

Naging tanga kasi ako noon e, Sa sobrang pagmamahal ko kay Zach naibigay ko ang lahat lahat sa kanya

Hindi ko na naisip yung consequence nung mga panahon na yun. Pareho na din kaming nadala sa emotion and libido namin kaya nagawa namin iyon.

Nang malaman niyang buntis ako. Iniwan niya ako ng walang paalam.

Naglaho nalang siya ng parang bula at iniwan sakin ang napakalaking responsibilidad.

Nahinto muna ako sa pag-aaral dahil kailangan kong pangalagaan yung kalusugan ko at ang magiging baby ko.

Nakatira ako pansamantala sa mga magulang ko habang di ko pa natatapos yung College.

Walang nakakaalam sa University na may anak na ako. Naitago ko pa yun hangga't kaya ko.

Dahil sa panahon ngayon hindi ko alam kung meron pang lalaki na willing at walang halong pandidiri at tatanggapin ng buong buo ang aking nakaraan.

Kung may lalaki man na magtatangkang manligaw o magmahal sakin...

Is he willing to Accept my Past and be a father to my child?

Too YoungDove le storie prendono vita. Scoprilo ora