Chapter 27

10.8K 127 16
                                    

Kirsten's POV

Wala si Serene at si Flynn ngayon kaya naman eto solong solo namin ni Zach yung isa't isa. Walang iistorbo samin.

Call me Malandi, or whatsoever I don't care just don't fucking call me a Kabit or Mistress. Hindi ako magiging kabit dahil wala naman silang relasyon ni Zach. At mas lalong hindi ako mang aagaw, si zach ang unang lumapit at syempre I accepted that Hot Guy.

May anak lang sila that's all.

"Hmm" naalipungatan si Zach. Pagkarating na pagkarating niya kasi niya tinapos namin yung mga paper works niya

Maaga siyang umalis sa kanila para pumunta sa "work" niya.

"Hi babe" I said sexily 

"Hey" then he kissed me

I bet hindi niya 'to ginagawa kay Serene.

"You wanna eat outside or dito nalang?" tanong ko sa kanya 

"It would be better kung dito nalang. Baka may makakita pa sa atin e sabihin pa kay Serene" eto na naman kami e ayaw niya iwanan yung bwisit na babaeng yun 

"Bakit ba kasi di mo nalang siya iwan at kunin mo nalang si Flynn" ako 

"Di kasi ganun kadali yun. Hindi ko siya iiwan hangga't hindi ko pa alam kung paano ko makukuha yung custody ni Flynn" 

"Bakit ba kasi nagtitiyaga ka dun sa batang yun? Pwede naman tayong gumawa ng ati ah" 

"Aish osige na nga. I'll ask my laywer friend kung paano ka makakakuha ng custody sa bata" 

"Thanks baby. I love you" he kissed my lips again 

"I love you too" bumangon na ako para magluto ng kakainin namin.

Zach's POV

I know lot of people hate me for what I'm doing right now. Para sa inyo napakasama kong tao. Wala na akong pakielam doon.

Ang gusto ko lang makuha kay Serene yung anak ko.

Sa umpisa naman balak ko talagang bumawi dahil sa pangalawang pagkakataon akala ko minahal ko siya pero this time all I know is sex lang ang habol ko kay Serene.

There I said it. All I want is to have sex with her. At halata naman na nagtagumpay ako. Madalas namin nagagawa yun. Siguro kung di ako pinagod ng sobra ni Kirsten magagawa pa namin ni Serene yun.

Napakasama ng tingin niyo sakin pero gaya nga ng sabi ko I don't care.

John's POV

"Serene, wake up" gising ko sa kanya

"Hmm" Serene

"Andito na tayo sa tapat ng bahay niyo. Mukhang wala pa si Zach e walang nagbubukas ng pinto"

She yawned "Salamat John. Usually pag weekends 10pm pa umuuwi yun. Busy sa trabaho e"

"Ah ganun ba? Sige samahan ko na muna kayo. Delikado na babae ka tapos bata kasama mo" alok ko sa kanya

"Nako wag na. Ayos lang kami dito saka sanay na kami ni Flynn"

"I insist. Ngayong andito na ako, I'll be your little helper again" at tuloy tuloy na kaming pumasok sa bahay nila. Karga karga ko si Flynn papasok ng bahay at inihiga siya sa sofa

"Hayy ano pa bang pagtatanggi gagawin ko e hindi ka din naman makikinig kaya sige na dumito ka muna habang wala si Zach"

"Yep. You know me so well. Saka masaya akong kasama kayo ni Flynn no." 

"E asan ba kasi si Ate Jenny?" tanong niya

"Kasama ko din sa US yun pero di na kami masyado nagkikita. Busy sa trabaho saka sa Fiance e"

"May fiance na si Ate?! Wow sa sobrang taray nun may nakapagpaamo?" gulat na tanong ni Serene

"Oo, pero matatawa ka kasi si Ate yung nanligaw. Long time crush na niya kasi yun e" 

"HAHAHA! Grabe ganun pala si Ate Jenny" 

"Oo! Mataray yun pero pag nainlove nako ibang iba" kwento ko

"Maiba nga tayo. Magkwento ka naman ng mga nangyari sayo sa US" 

"Osige teka upo muna tayo. Mahaba habang kwentuhan 'to" 

"Nung dumating ako dun syempre malungkot kasi ako lang mag-isa dun sa bahay ni Zach kaya naman malungkot na malungkot talaga ako. Nag-enroll ako for early classes para naman malibang ako. At the same time naghanap din ako ng trabaho, una sa restaurant lang sana bilang waiter pero pagkalabas ko dun sa Restaurant may nabangga ako.

Sabi niya photographer daw siya tas inabot niya sakin yung calling card niya and I told him na I'll thing about it. Syempre pagkauwi sa bahay sinearch ko agad kung legit ba yung company na sinasabi niya. At ayun Legit nga naman kaya kinabukasan I texted him and he asked me na he'll take a few shots para sigurado. 

Kaya naman ayun okay naman yung kinalabasan. Nagustuhan niya ako at ginawa akong regular. Then after 5 months he recommended me to a famous magazine though he told me na I'll post topless or sometimes nude depends on what the magazine says. Kaya naman pumayag nalang din ako, Sayang yung offer e. 

Nawalan ako ng time sa pag-aaral kaya naman dinrop ko nalang. Sayang yung tuition fee ko kung pababayaan ko nalang yung pag-aaral ko.

Sa mga panahon na nagmomodel ako, Lagi ko kayong iniisip ni Flynn. Every paycheck na nakukuha ko I make sure na may pera ako pambili ng pasalubong para sa inyo ni Flynn. Ganun ko kayo kamahal e.

Tapos sumunod din sakin yung bunsong kapatid namin ni Ate Jenny sakin, Si Joshua yun you'll meet him soon. 1 year lang yung agwat ko sa kanya" nakatitig lang si Serene sakin

"Go continue. I'm listening natutuwa ako sa kwento mo e"

"Sige tuloy ko na. Yun nga sumunod sakin si Joshua dun, ginawa akong tagapag-alaga ni Ate at sabi ni Ate Jen, since may kita na naman daw ako, ako na muna bahala kay Joshua. Kaya yun siya na muna yung pinag-aral ko. Teka tinatamad na akong magkwento e, Next time nalang. Saka ikaw magpahinga ka na. Ako nalang maghihintay kay Zach"

"Sige medyo pagod at inaantok na din ako e. Kung gusto mo manuod o di kaya kumain feel at home lang. Dun ka naman magaling e, Di ka nahihiya HAHA" biro niya sakin

"Kung makapagbiro naman 'to"

"Di ako nagbibiro. Nagsasabi ako ng totoo. Di ka kaya nahihiya sa mga may-ari sa bahay"

"HAHA Oo na sige na, tama ka na po"

"Sige akyat na ako, Pakiakyat nalang din si Flynn sa kwarto niya ah"

"Okay. Ako ng bahala. Good Night Serene I love you"

"Good Night John! Salamat ulit" then she left already

Pagkalapag ko kay Flynn sa kama niya naalipungatan ata siya

"Hmm, Daddy why?" bigla niyang sabi

"Flynn?" medyo ginigising ko siya ng konti

"Tito?" he asked

"Yes andito pa si Tito. Is there any problem?"

"Tito. Kawawa si Mommy"

"Bakit naman kawawa mommy mo?"

"She's going to be hurt tito huhu" he cried

"Flynn tell me, what is it?" tanong ko uli sa kanya

"Tito, I saw Daddy kissing another girl"

______________________________________________________

Elle's Note: Maagang update haha! Sorry kung medyo sabaw yung update haha! Busy kasi talaga ako kanina sa work e LOL. Magalit lang kayo kay Zach! HAHAHA Just Kiddin' 

Fact: I have a Zach in real life. I mean frenemy LOL! We're friends more like brother-sister kami pero kadalasan nag-aaway kami hahaha lakas lang ng trip and babaero din siya kaya magalit lang kayo sa kanya haha joke =)))) 

Too YoungWhere stories live. Discover now