Chapter 4

21.5K 340 0
                                    

John's POV

Grabe kaimbyerna 'tong si Zach! Bwisit kung di ko lang crush 'to matagal ko ng sinapak 'to.

Grabe di ko keri yung nikwento niya kanina! May nabuntis siya noon bago kami umalis ng bansa my gosh ang revelation niya!!!

*Flashback*

"Pare alam mo ba dahilan ng pag alis ko dati dito?" tanong sakin ni Zach

"Oo diba natanggap ka kasi dun sa university" yan ang sabi ko dahil yan ang alam kong dahilan

"Oo isa na yun pero meron pang isa at matindi yun" sabi niya sakin. nako ano na naman kaya ito.

"Ano ba yun? Diretsuhin mo na"

"Atat e. Basta wag na wag kang magugulat sa sasabihin ko"

"Oo na oo na, Ano ba kasi yun?"

"Tangina pare yung last na naging girlfriend ko nabuntis ko"

"Sht! Seryoso ka?!" Nagulat ako talaga grabe to nakaya niyang iwan yung babae

"Oo nga. may nangyari samin nun. Nung una wala talaga akong balak umalis pero nung nalaman kong nabuntis ko siya natakot ako kaya biglaan akong umalis" pagkwento niya

"Gago ka pala e. Kawawa yung babae iniwan mo kasama nung anak niyo. At wala pang paalam ah. Siraulo ka talaga. Pano pag nakita mo sila?" tanong ko sa kanya

"Yan ang wala sa plano ko. Di ko alam kung paano sila haharapin."

"Pero mahal mo pa ba yung babae?"

"Minahal ko siya. Akala ko mahal ko talaga siya pero ewan ko nung nabanggit niyang buntis siya ang naisip ko e hindi love ang naramdaman ko kundi lust"

"Tss yan naman kasi mahirap sa lust lust na yan e. Laging napagkakamalan na love. Osya bahala na pag nagkita kayo nung babae at nung anak mo"

He just sighed

*End of Flashback*

Diba grabeng revelation ni Zach my golly gosh

Lumipas ang mga ilang linggo ng school days at nagiging close na din kami ni Serene.

Let's just say parang sister na ang turing ko sa kanya.

Serene's POV

Ang saya ko kasi medyo close na kami ni John. At nararamdaman ko na trusted person siya

Siguro soon sasabihin ko na sa kanya yung tungkol kay Flynn

Pinagkatiwalaan niya din kasi ako tungkol sa tunay niyang gender.

*Flashback*

3 weeks na kaming nagbobonding ni John at sa 3 weeks na yun nagiging close kami ng sobra

"Serene may aaminin ako sayo" sabi niya at ako namang si feeler akala ko may gusto siya sakin

"A-ah a-ano ba yun John?

"Promise wag kang magugulat ha"

"Oo sige"

"I'm gay" diretso niyang sinabi

"Seriously?" yun lang ang nasabi ko haha grabe ang feeler ko nga akala ko may gusto siya sakin lol maling akala pala

"Yes sister totoo yun. Ikaw lang ang nakakaalam neto. Nahihirapan na akong magtago e kaya sinabi ko na sayo" explain niya

"Ah wag ka mag alala wala akong pagsasabihan"

"Thanks sister, sa wakas makakakilos na ako ng malaya pag kasama ka. Grabe ang hirap magpaka-boy"

"Haha grabe ka naman. Pero bakit sa akin mo naisipang sabihin yan? Wala ka bang ibang kaibigan na pwede mong masabihan neto?" tanong ko sa kanya

"Meron naman pero alam mo yung feeling na di mo kayang sabihin dun sa tao kasi nafefeel mo na hindi sila trusted? Parang ganun yung sa kanila e ikaw naman mukhang trusted ka talaga"

Grabe I'm flattered sa sinabi niya. Sana katulad niya ako na nalalaman agad kung sino ang dapat pagkatiwalaan

"Thank you sa tiwala ah. Ang sweet mo naman John" yun lang ang nasabi ko saka ko na

"Call me Barbara Palvin"

"Hahaha! Grabe ka osige Barbara thank you sa tiwala"

*End of Flashback*

Ngayon ay pauwi kami sa condo ko kasi tutulungan niya ako sa paggawa ng project. Eto na din yung tamang timing para aminin ko sa kanya na may anak na ako

"Sis ikaw lang ba mag isa sa condo mo?" tanong niya

"Ah may kasama ako dun"

"Boy yan no? Nako may boyfriend ka nga talaga"

"Boyfriend agad haha! Oo lalaki, Si Flynn yun"

"Omg. Ang housemate mo e lalaki! Girl buti ka pa!!" parang naeexcite siya makilala si Flynn

Kinuha ko yung susi sa bag ko at sakto pagbukas ako naabutan ko si Aling Minda

"Oh hija! Sakto andyan ka na. Okay lang ba na umalis na ako"

"Sige po Aling Minda salamat po. Tawagan ko nalang po kung kailangan ko ulit kayo" at umalis na si Aling Minda

"Halika dun sa kwarto ko tiyak andun si Flynn"

At sumunod nalang siya

"Baby, Mommy's here" sabi ko sabay lapit sa kama at hinalikan siya

"Hi mommy, I missed you" and he kissed me back

"Baby I want you to meet someone"

At tumalikod ako at tama nga ang nakita ko tulala si John este Barbara pala

"John meet Flynn. Baby he's John" pakilala ko sa kanila

"Mommy is he my daddy?"

"Of course not baby. He's my close friend from school"

"Oh hello Tito John. I'm Flynn" at bumaba ng kama si Flynn at lumapit kay John

"A-ah He-hello din Flynn" nauutal na sabi ni John

John's POV

Grabe na naman! Di ko akalain na may anak na pala si Serene.

Omg na naman haha! Pero in fairness ang pogi ng anak niya ah

Nang nasa sala na kami yung anak niya e naglalaro dun malapit sa may tv at kami naman andito malapit sa kanya para bantay na din

"Teka girl, mamaya na kita tutulungan I need know some things grabe ka!"

"Ano ba gusto mo malaman? Tungkol kay Flynn no?

"Malamang girl! Di ko akalin na may junakis ka na pala. Pano nangyari yun?" curious talaga ako

"Ayun 17 ako nung nabuntis ako ng boyfriend ko sa dati kong school" explain niya

"Ayy harot! Oh tapos? Asan ang daddy niya?"

"Nawala ng parang bula e"

"Grabe yung papable na yun ah, Iiwan ka lang my gosh wala siyang T!"

"Haha sira ka talaga"

"Ayun na nga grabe lang ah. Sikreto ba 'to?"

"Oo e, Please sana atin lang din to. Mas okay na itago ko muna siya kesa ideny siya sa mga tao"

"Oo naman no girl! Ikaw pa don't worry about it"

At ayun tinulungan ko na siya sa project na pinapagawa samin. Yung akin kasi tinapos ko siya. Syempre artistic ako kaya madali lang to para sakin haha

Too YoungWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu