Chapter 26

11.2K 118 16
                                    

Serene's POV

Andito kami ngayon sa Enchanted Kingdom. Kasama namin si Flynn ni John. Bonding daw sabi niya. Namiss niya daw kasi kami ng sobra e. Nasa unahan ko silang dalawa at kung hindi mo sila kilala aakalain mong mag-ama sila. Buhat buhat ni John si Flynn habang papunta sa entrance at ako eto nakasunod lang sakanila.

"Family Bonding po?" tanong nung nasa may entrance

"Hi--" ako

"Ah opo. Kakauwi ko lang galing US e" sabi naman ni John

"Ang cute po ng pamilya niyo. Ang bata po ng mga itsura niyo" sabi ni ate

"Salamat ate! Halika na Serene" aya sakin ni John

Di na ako nakapagsalita sa mga pinagsasabi niya kay Ate. Baliw naman kasi 'to sabihin daw ba na isa kaming pamilya. Siguro kung wala ng Zach may chance naman siya e. Actually may chance naman yan noon pa diba nga nagka-crush ako sa kanya 'til umamin siya na bading siya kaya ayun kinalumutan ko nalang at sakto naman yung pagbabalik ni Zach.

"Mommy, Tito dun tayo sa Water Log!" aya ni Flynn samin

"Sige kayo nalang ni Tito John mo" ayoko ko kasi sumakay dun. Una mababasa ka tapos takot talaga ako dun. Nakakatakot kasi walang harness or strap man lang

"KJ mo! Sige na sakay na tayo diyan" pilit naman ni John

"Takot nga ako diyan kaya kayo nalang babawi nalang ako sa ibang rides" sabi ko sa kanila

"Aish! Sige na nga" 

Andito lang ako sa tapat ng Water Log at kumakaway pareho sakin. Parang bata din talaga si John

"Ate ang cute ng mag-ama mo" biglang sabi ng nasa tabi ko

"Hindi, anak ko lang yung bata pero di ko asawa yung lalaki" paliwanag ko

"Talaga ate?! OMG Girls, Hindi taken si Kuya" tili ng babae dun sa mga teenagers niyang kaibigan

"Ate Ilan taon na po ba siya?" tanong ni Girl 2

"23 na din siya katulad ko" 

"Ayy matanda na masyado. 15 palang tayo e" HAHAHA Etong mga batang 'to

"Si---"

"Serene" sabay kiss nung dalawa sa pisngi ko. Sasabihin ko sana sa mga batang 'to na single pa si John e sumulpot naman 'tong dalawang 'to

"Ate akala ko ba di mo asawa si Kuya?" tanong ulit ni Girl 2

"Hin--" 

"Hindi nga niya ako asawa. Boyfriend niya ako" sabi ni John kaya naman siniko ko siya

"Aray. Nananakit mommy mo oh Flynn" sumbong niya sa anak ko

"Ate! Ang swerte mo ang cute nila pareho"

"Ha-ha-ha" pilit kong tawa siraulo kasi 'tong si John kung ano ano pinagsasabi sa mga tao

"Sige ate di na namin iistorbohin yung family bonding niyo" at saka umalis yung group of girls

"Ikaw ha! Kung ano ano pinagsasabi mo narinig pa ni Flynn baka sabihin niya kay Zach yun tapos mag-away pa kami" 

"Sorry na ang sarap mo lang inisin e. Saka kilala ko si Zach di nagseselos yun promise" sabi ni John

Too YoungWhere stories live. Discover now