Chapter 13

16.7K 196 11
                                    

Zach's POV

Ang aga ko nagising ngayon. 4am palang gising na ako at inaayos ko na yung kwarto namin ni Serene at yung magiging kwarto ng gwapo kong anak na si Flynn.

Excited na talaga akong makita sila. Ang sarap isipin na araw araw gigising akong katabi si Serene tapos ako ang maghahatid sa kanila papasok sa school.

Iniisip ko palang yun natutuwa na ako. Babawi ako sa kanilang dalawa.

Serene's POV

It's 5am already. Maaga talaga akong nag alarm para iempake yung gamit namin ni Flynn.

I called my mom nga pala kagabi at nakwento ko na bumalik na si Zach

*Flashback*

"Hi mama" bungad ko

"Kamusta na anak? kamusta kayo ng apo ko?" tanong niya

"Ayos naman kami mama."

"You sounded like you wanna tell me something huh? What is it anak?"

Ang galing talaga ni mama alam na alam niya kung may sasabihin ba ako

"Kasi mama nagkita at nagkausap na kami ni Zach"

"And then what happened?"

"He asked for forgiveness tapos he also asked me if Flynn and I could live with him"

"And you said yes, Am I right?"

"Yes mama, Gusto niya din daw kasi bumawi samin kaya I gave him a chance"

"Isn't it too fast?"

"I know mama na padaloy daloy yung desisyon ko"

"You're old enough to make decisions kaya naman hahayaan kita basta if something happens andito lang lagi si mama okay?"

"Opo thanks ma for understanding"

"Wala yun anak. I'll support your decision"

"Sige ma, thank you ulit. And you have to sleep already masyado ng late"

"Sige anak good night. love you anak"

"Love you too mama. Bye"

*End of Flashback*

Padaloy daloy nga yung decision ko pero desidido na ako na bigyan siya ng isa pang chance at mahal ko pa din talaga siya

Naayos ko na yung gamit namin ni Flynn at nagluto na din ako ng breakfast kaya naman ginising ko na siya

"Baby wake up"

"Mhmm"

"Please baby? Remember, we'll be living with daddy already?" pagkasabi ko nun biglang bangon si Flynn

"I'm awake na mommy! Let's go paliguan niyo na po ako" excited na sabi sakin ni Flynn

"Excited ah? Sige let's take a bath na"

Habang pinapaliguan ko siya he keeps on telling me na excited siya na tumira at makasa ang daddy niya

Hanggang sa pagbihis yun at yun pa din ang sinasabi niya. Di ko naman siya masisi e natupad na yung pangarap niyang makita yung daddy niya

"Baby let's eat breakfast muna while waiting for daddy ah"

"Aye aye mommy!"

Malapit ng maubos yung pagkain niya ng may nag doorbell

"Mommy! Baka si Daddy na yun!" at tumakbo siya papuntang pinto at binuksan yung pinto.

"Baby si Daddy na ba yan? Papasukin mo na"

"Bakla! Si Zach agad! Di ba pwedeng ang magandang John muna?"biglang sigaw ni John

"Ouch, Tito my ears!" arte ng anak ko sabay cover ng ears niya

"Batang 'to! Nako Serene halatang excited kayo pareho na makasama siya"

"Ganun talaga tagal namin nawalay sa kanya e, Teka nga pala ibig sabihin ba neto mag kaibigan kayo?" tanong ko sa kanya

"Right ka sister! But we're Bestfriends pero girl quiet ka lang ah di niya alam na girlash ako"

"Bestfriend mo siya tas di niya naamoy na bading ka? Grabe naman yun"

"Basta girl, pagkaharap siya Lalaki ako okay?"

"Oo na oo na, Teka bakit ka nga pala andito?"

"Ah sabi ng hunk bestfriend ko kailangan ko tumulong magbuhat ng ibang gamit. Nako kadiri magkakaron ako ng muscles" reklamo niya

"Gaga may muscles ka na no, Rereklamo ka pa saka okay na din yan para di nila mahalata na girlash ka"

"Sabagay sige na nga. Teka dun muna ako sa pogi kong pamangkin"

Nang umalis si John bumalik ako sa kusina para maglinis at mag ayos.

Zach's POV

Andito na ako sa parking ng condo ni Serene. Tinext ko na din si John para may katulong ako

Nang marating ko yung unit ni Serene at naririnig ko na nagtatawanan sila kaya kumatok na ako

"Daddy!"bungad ng anak ko pagkabukas niya ng pinto

"Hi baby!" sabay halik ko sa kanya

"Hey babe" papalapit at sabay halik din kay Serene then she kissed me back

"Mommy, Daddy are you going to make babies?" singit ng anak ko dahil din siguro napapatagal yung halikan namin

"Flynn! San mo natutunan yun?" sabi ni Serene

"Si tito John po sabi niya pag nagkiss yung couple magkakababy daw po" explain ni Flynn

"Ikaw talaga! Kung ano ano sinasabi mo sa anak ko adgsgdjdk" binatukan niya si John tapos may binulong pa si Serene sa kanya

"Sorry nagtatanong yung anak mo kung pano magkaron ng baby e"

"Sinabi mo naman! Sana nagchange topic ka nalang! Baliw ka talaga" sabay batok ulit. Kitang kita ko na close na close silang dalawa parang kami lang noon ni Serene pag nag aasaran

"Ehem" pang agaw pansin ko sa kanila

"Ayy pare sorry, pagsabihan mo 'tong babaeng to sobra manakit daig pa mga naging ex ko" sumbong niya sakin

"Haha don't worry I'll punish her" sabay kindat ko sa kanya

"Siraulo kayong dalawa" sabay alis ni Serene at pinuntahan si Flynn

"Pare lika na tulungan mo na akong magbaba ng gamit"

"Ge, Kunin ko lang yung mga gamit ni Flynn"

At ayun siya nag asikaso ng gamit ni Flynn at ako naman ang kay Serene.

Matapos ang 45 minutes natapos na kami

"Salamat Pare. I owe you, Pano alis na kami ah?" sabi ko sa kanya

"Yeah no problem pare. Bye" sabi niya sabay bro hug sakin at kiniss niya sa pisngi si Serene at Flynn

Nakakaramdam ako ng selos pero binalewala ko nalang yun dahil alam kong wala naman akong dapat ikaselos

John's POV

Grabe ang sakit pala na makita mong kumpleto na yung pamilya ng mahal mo.

Ang sakit lang sa puso na si Zach pa ang unang nakilala ni Serene kaysa ako.

Pero kahit na broken ako dahil sa kanya. I'll let her be happy. Ayoko naman na umamin tapos aagawin siya kay Zach. Di naman kakayanin ng konsensya ko yun.

Masaya ako para kay Flynn at Serene. Sana lang alagaan sila ng mabuti ni Zach

Too YoungWhere stories live. Discover now