Chapter 28

10.3K 115 12
                                    

John's POV

Fuck di pa din mawala sa isip ko yung sinabi kagabi ni Flynn.

Susundan ko ngayon si Zach. Hindi naman sa hindi ako naniniwala kay Flynn. Gusto ko lang makasigura at mahuli yung gagong yun

*Flashback*

"I saw daddy kissing another girl" Flynn

"Are you sure si Daddy yun?"

"Opo I'm really sure na si Daddy yun." kwento niya sakin

"Don't tell mommy ako ng bahala dun  

okay? And wag mo ng isipin yun"

"Opo" sagot niya

"Sige go back to sleep" then he fell asleep while I'm tapping his thigh

 

Sht. Hindi ako makapaniwala na nagawa ni Zach yun.

 

Gagong yun sinabihan ko na at lahat nagloko pa din tss. Pag napatuyan ko talagang may ginagawa kang kagaguhan humanda ka at hindi mo na makikita pa sila Serene at Flynn.

"Pare salamat sa pagbantay sa kanila ah" biglang sabi ni Zach. Andito na pala 'tong gagong 'to

"Wala yun" tipid kong sabi 

"Geh uwi na ako ah" sabi ko at dirediretsong lumabas

*End of Flashback*

Andito ako ngayon sa tapat ng opisina niya nagmamasid. Hindi din kasi ako basta basta mapapasok sa building nila unless may appointment ako.

Habang nag aabang di ko alam kung namamalikmata ako o ano pero nakita kong pumasok si Serene sa building

Magkasama sila sa iisang company at hindi pa niya nahuhuli si Zach? Ang tindi nung lalaking yun hindi nahuhuli

Bago pa man makapasok si Serene sa building tinawag ko na siya

"Serene!" sigaw ko

"Oh John, anong ginagawa mo dito?" tanong niya

"Ah wala naman nadaan lang tas nakita kita. Diyan ka nagttrabaho?" tanong ko

"Yup. Ngayon lang ako pumasok sa office mismo, part timer ako diyan"

"Ah e si Zach alam mo kung saan nagttrabaho?" tanong ko

"Hindi e. Ang alam ko lang Manager siya" grabe sa loob ng mahigit isang taon nilang magkasama di niya alam kung saan nagttrabaho yung lalaking yun?

"Mahigit isang taon kayong magkasama hindi mo alam?" tanong ko at biglang nagbago yung itsura niya

"Ah kasi mainitin ulo nun kaya di na ako nagtatanong tungkol sa trabaho" takte wais yung gagong yun

"Ah ganun ba? Sige. Naiwan ko sa kotse si Flynn e. Di ka ba magpapaalam?" pag iba ko ng topic

Too YoungHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin