Chapter 37

10.6K 144 18
                                    

Serene's POV

Unti unti na akong nagkakagusto ulit kay John. Pero may parte pa din sa puso ko na mahal pa din talaga si Zach.

Kung sakali man bigyan kami ni John ng tadhana ng pagkakataon to be together I am going to accept him without a doubt.

Sa ngayon gusto ko lang itong nararamdaman ko para kay John. Hindi ko muna mamadaliin ang puso ko. Ayoko din naman magmukhang rebound ko lang si John.

Gusto ko kung mabibigyan ko siya ng pagkakataon ay wala na talaga akong nararamdaman na kahit ano para kay Zach.

Napakabait ni John para gawin ko lang na rebound. Alam ko din na mahal niya ako at ayokong itake for granted yun.

"Huy tulala ka diyan" tapik sakin ni John.

Nakatira na pala kami sa Apartment na sinabi ng Manager niya.

"Ah may iniisip lang. Di ka pa ba aalis?" tanong ko. Bumalik na di kasi siya sa pagmomodel

"Paalis na ako. Nagpapaalam lang ako sayo ngayon. Si Flynn pala nasa kwarto niyo naglalaro" sabi niya

"Okay. Ingat ka papasok. Thanks John" I said to him

"Yeah. Bye Serene, See you later" sabay kindat niya

Hayy sino ba naman kasing hindi maiinlove sa lalaking katulad ni John napakasweet, mabait at thoughtful at sobrang dami pang iba. He's too perfect for me.

Nakakakapraning masyado. Hindi ko alam kung kanino ko ikkwento yung nararamdaman ko para kay John

"MOMMY!" Napatakbo ako bigla sa kwarto namin dahil sa sigaw ni Flynn

"Baby, bakit?! what happened?!" tuloy tuloy kong tanong

"Mommy, may blood" sabay pakita niya sakin ng kamay at ilong niya

"Babe nag nosebleed ka. Let's go to the bathroom"

"Mommy why am I bleeding?" he asked

"Baby ganyan din si mommy pag sobrang init. Nagdudugo yung ilong ni mommy noon" kwento ko habang hinuhugasan ko siya

"Pano po siya mawawala?"

"Pupunasan lang natin siya. Titigil din yan. Wag ka lang titingala okay?"

"Okay po mommy"

"Mommy, kelan po ako papasok sa school?"

"I will ask Tito John. Pero baby you need to learn how to speak their language. Papaturo tayo kay Tito John mo ha?" Nako bagong lengwahe na naman na pag aaralan

"Opo Mommy"

We need to learn how to speak Portuguese. Nako sana kayanin ng utak ko yun. Paniguradong si Flynn kaya niya, matalino 'tong anak ko e

John's POV

Ang saya talaga ng feeling na para kaming isang tunay na pamilya.

Ako ang tatay na kumakayod para sa kanila tapos si Serene naman ay housewife. Syempre ayokong napapagod ang napakaganda kong asawa

Si Flynn naman ang napakagwapo naming anak haha. Pag aaralin ko siya pero home school muna para di siya mahirapan kasama ang mga Brazillian. Kung okay naman ang assessment sa kanya ipapasok ko na siya sa eskwelahan mismo.

Too YoungΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα