Chapter 38

9.8K 159 8
                                    

Dedicated to Kuya Xhin! Thank you po ulit sa book cover! :)



Serene's POV

It's been a month simula ng magstay kami dito sa Brazil. Mabuti nalang at hindi pa din kami nahahanap ni Zach siguro nga wala na din siyang pakielam samin kasi andyan na naman yung Kirsten niya.

Sa loob ng isang buwan na 'to maganda naman ang itinakbo ng buhay namin. Akala nga ng madami dito ay mag asawa kami ni John. Natural na iisipin nila yun kasi nasa iisang bahay kami at Papa na ang tawag ni Flynn sa kanya

Si Flynn naman ay naghohome school na din. Natututo na din siyang magsalita ng Portuguese. Sabi nga sa kanya ng teacher niya matuto lang siya ng basics at papayagan na siyang pumasok sa school.

At Ako naman. Eto unti unti ng nahuhulog kay John. Sa isip isip ko parang masyadong mabilis na mainlove ako sa kanya. Pero hindi ko naman pwedeng Ideny na napapamahal na ako sa kanya.

He's been a great man. Lagi siyang andyan para sakin kahit minsan may tampuhan kaming pareho, hindi natatapos at 24 hours ng hindi kami nagbabati.

At sino bang hindi maiinlove sa lalaking 'to na walang ginawa kundi sabihan ako ng 'I love you' at ng kung ano anong pick up line. He's a really sweet guy. Lagi pa niya ako/kami inaalala. Husband Material nga siya talaga

Siguro sa mga susunod na araw pag alam kong mahal ko na talaga siya sasabihin ko na sa kanya yung nararamdaman ko ay I'll give him a chance.

"Serene, may gusto kumausap sayo" tawag sakin ni John

"Sino daw yun?"

"Yung Filipino Manager ko dito. May sasabihin daw siya sayo"sabi ni John

"Ah sige. Puntahan ko na siya"

"Sige tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ako ah" he said.

"Serene tama nga ako. Mas maganda ka sa personal" bungad sakin ng manager ni Joh

"Ah Haha Salamat Po" sabi ko nalang minsan lang din kasi ako makatanggap ng compliment e

"Hija, wag ka mahiya sakin ah. Gusto mo ba ng trabaho? Para naman di ka mabored dito sa bahay niyo" alok niya

"Ah Ano po bang trabaho yun?" tanong ko naman

"Katulad ng kay John. Mag model ka din. You're so perfect to be a model"

"Kailangan na po ba ng sagot ko agad?"

"Osige alam ko namang nagulat ka kaya I'll give you a week to think about it. Or kung mas maaga ka makadecide. Eto tawagan mo ako" sabay abot niya ng calling card niya

"Opo. Pagiisipan ko po ng mabuti. Salamat po sa alok"

"Okay. Aalis na ako, pakisabi nalang kay John" sabi niya at inihatid ko siya sa may pintuan

"Ano sabi ni Maxi sayo?" tanong ni John pagkabalik ko sa sala

"Ah inalok niya akong magmodel"

"Oh anong sabi mo? Pumayag ka ba?"

"Hindi pa e. Pag iisipan ko muna"

"Umoo ka nalang para naman may pagkaabalahan ka" sabi niya

"Pano si Flynn kung magmomodel ako"

"Edi salitan tayo sa pagbabantay at kung wala namab siyang makakasama edi isama nalang natin siya. Pwede naman siya dun"

"Ah sige sasabihin ko nalang din sayo pag desidido na ako. Baka kasi magkulang ako kay Flynn e. Gusto ko nakikita ko siya araw araw"

"Sige. Ikaw bahala. Basta magugustuhan sa mo ang trabaho pag pumayag ka"

"Ikaw lang natutuwa. Syempre madami kang babaeng nakikita. Sexy at minsan pa nakahubad" sabi ko sa kanya

"Tss. Nagseselos ka ba? Yiee. Mahal mo na din ako no?" pang aasar niya

"Aish. Bahala ka baliw ka na" sabi ko nalang at umalis sa harap niya. Ayoko muna sabihin sa kanya hangga't sigurado na ako

"Oh san ka pupunta?" sabi niya sakin

"Sa taas checheck ko si Flynn kung kamusta na dun sa homework niya"

"Don't bother. Habang kausap mo si Maxi tinuruan at tinulungan ko na siya dun. He's probably playing already" sabi niya

See? Sobrang swerte ko sa kanya. Hindi talaga malabong magkagusto ako ulit sa kanya

Too YoungWhere stories live. Discover now