Chapter 46 - The Last Chapter

14.1K 160 5
                                    

Serene's POV

This is the day. Ang matagal ko ng pinapangarap. Ang ikasal sa lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaking tutupad ng mga pangarap namin. Ang lalaking magbibigay sakin ng tunay na saya.

I'm so lucky that I found him. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay niya sakin ang isang perpektong lalaki

Wala na akong ibang hihilingin pa. Sobra sobra na ang binigay sakin ni God.

Busy ang lahat para sa preparations. Ang daming tao sa harap ko, may nag aayos ng buhok ko, may nagmamake up sakin, may nagmamanicure at pedicure pa! Todo make over talaga for the big day!

Oo nga pala, andito na kami sa Pilipinas. Dito gaganapin ang kasal dahil andito ang mga pamilya namin. Sa Manila Cathedral ang location ng kasal. That's my dream church para ikasal. Mahal siya pero worth it at memorable naman ang magaganap sa loob ng simbahan na iyon

After 3 hours tapos na lahat lahat! Nakasuot na sakin ang Wedding Gown ko. Dream come true talaga! Hindi ako makapaniwalang ikakasal na talaga ako. I can't wait to be with my groom. I can't wait to spend the rest of my life with him

Nakarating na ako sa harap ng simbahan. Sarado ang mga pinto, ibig sabihin ako nalang ang hinihintay.

*tok tok tok* katok sa bintana ng bridal car ko

"Serene, ready ka na?" sabi ng wedding organizer namin

"Yes. I'm ready" Ready na ako!! Excited akong makasama na siya habang buhay

*now playing: I do (Cherish You)*

When the song started to play, naglakad na ako.

I can't believe na nangyayari na 'to ngayon. Kitang kita ko yung mga ngiti ng bisita namin.

Kitang kita ko din yung mukha ng magulang ko. Si mama umiiyak na. Si Flynn at si Papa magkatabi ngayon. Kitang kita ko sa mga mukha nila yung tuwa

At ang pinakahuli. Ang dalawang lalaking naging parte ng buhay ko. Silang dalawa ang naghihintay sa harap.

As I've reach the altar

"You're so beautiful" sabi ni Zach

"Salamat" sabi ko naman

"This is it. Eto na talaga yung araw na kailangan kitang ibigay sa sa kanya" sabi niya

"Salamat Zach, thank you for everything. Masakit man o hindi yung mga yun. Nagpapasalamat pa din ako sayo. Kung hindi dahil sayo hindi ko makikilala ang lalaking para sa akin talaga"

"Gusto man kitang itakbo ngayon pero di ko kayang malayo ka sa minamahal mo. I'm really letting you go Serene. Be happy with my bestfriend. Alam kong mamahalin ka niya ng sobra" he told me at bigla naman siyang tinapik ni John sa balikat

"Pre, tama na? Excited na akong maging misis siya e" sabi ni John

"Nagbibigay lang ako ng last words sa kanya. Sige na pare, Alagaan mo siyang mabuti, mahalin at wag na wag mong sasaktan yung damdamin niya tulad ng nagawa ko. Aagawin ko siya sayo kapag nangyari yun" Zach

"Oo na pare kilala mo naman ako. Mamahalin ko ng sobra sobra si Serene" at tinapik nalang ni Zach si John.

"Mahal ko" tawag niya sakin at hinawakan ang kamay ko

"Mahal ko" sabi ko at sabay na kaming pumunta ng altar. Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Finally, I'm gonna be with the man I truly love, John.

*skipped to wedding vows*

"John, I thanked God for giving me a man like you. Hindi man naging maayos yung pagkakatagpo natin pero nagpapasalamat pa din ako na nakilala kita. I'm so lucky to have you in my life. Salamat sa pagtanggap kung anong nangyari sa nakaraan ko. Salamat sa sobrang pagmamahal, pag aaruga at pagiging ama ng anak ko. Mahal na mahal kita John" After I said that words I broke down and cry. Tears of Joy talaga ang nararamdaman ko ngayon

"Serene, Mahal kita, unang pakilala pa lang sayo ni Ate sakin gusto na kita. At habang tumatagal mas lalo kitang minamahal. Wala ka man gawin pero mas napapamahal ako ng sobra sayo. You don't have to thanked me for loving you. Ginusto kong mahalin ka and I will do everything mapasaya lang kita. Mahal na mahal din kita Serene" he said at pinunasan niya yung luha ko gamit ang thumb niya

.

.

.

.

.

.

"You may now kiss your bride" the priest said and John kisses me with full of love and passion

"I present to you the newly wed, Mr. and Mrs. John Garcia"

Too YoungWhere stories live. Discover now