Chapter 40

10.2K 146 8
                                    

John's POV

Ako na yata ang pinakaswerteng lalaki sa mundo. Sa wakas girlfriend ko na si Serene. Ang tagal ko ding pinangarap 'to.

Hindi pa man kami kasal pero ang sarap umuwi sa bahay na minsan si Serene ang naabutan kong nagluluto. 1 buwan na din kasi simula nung nakasama ko siya mag model. At di nga ako nagkamali, sobrang ganda niya lalo pag naayusan.

Partida kasi pag walang make up maganda na talaga siya, sumobra lalo ang ganda nung inayusan. Ang sexy pa niya parang wala pang anak. Kaya badtrip din ako minsan e, yung mga kasamahan naming lalaki kung makatitig sa kanya akala ko mo pagkain na nakahanda sa fiesta.

Madalas akong magselos kasi ba naman ang ganda ng girlfriend ko e. Talagang hindi maiiwasang walang tumingin.

Oo nga pala, kapag nasa trabaho kami ni Serene, si Flynn naman ay nasa school lang. Nakakatuwa kasi sobrang talino ng batang yun, talagang determinado siyang makapasok sa eskwelahan kaya nag aral siyang mabuti ng portuguese para makasabayan niya yung mga bata dito.

Sakto linggo ngayon, Off ko, walang pasok si Flynn at ganun din naman si Serene.

"Good Morning Hon" bati ko kay Serene na nasa kusina

"Good Morning Honey" lumapit siya and she kissed me

"Good Morning Baby namin" sabi ko sabay lapit kay Flynn at halik sa pisngi nito

"Good Morning po Papa" Flynn, at hinalikan din ako sa pisngi. Tinuturing ko na ding tunay na anak 'tong si Flynn. 

"Hon, kain ka na alam kong gutom ka. Dumiretso ka kasi ng tulog pagkadating mo kagabi e" sabi ni Serene. Oops, baka iniisip niyo magkasama kami sa kwarto HAHA Sana na LOL Pero hindi e, sila ni Flynn ang magkasama samantalang ako nakahiwalay :(

"Thanks Honey. Ang swerte ko sa girlfriend ko. Sobrang maalaga. Kaya mas gusto ko nalang magstay dito sa bahay e" 

"Nambola ka na naman. Kumain ka na, baka gutom lang yan" inilapag niya yung plato ko at tubig sa lamesa. See? Sobrang maalaga nakakainlove lalo. Di ko na paabutin ng 1 taon at tatanungin ko na siyang magpakasal

"Thank you Honey, Flynn kainin na natin ang niluto ni Mommy!" 

"Yes Papa! Hmm, sarap sarap po" 

"Nako, kayong dalawa binobola niyo ako. Sige na, ano bang gusto niyo?" tanong ni Serene samin ni Flynn

Nagkatinginan kami ni Flynn at nagtanguan.

"We want you to relax Honey" sabi ko sa kanya 

"Huh?" she showed her confused face

"Relax, this time kami naman ng anak mo ang magsisilbi sayo" 

"Ano ka ba, that's my duty as a mom kaya normal lang yun na gawain" sabi niya

"Kahit na, This time kami muna ni Flynn ang gagawa ng lahat, at Ikaw pasama ka sa ibang models, magshopping kayo mag unwind. Kami ng bahala dito ni Flynn"

"Kayo ng bahala? Baka pag uwi ko hindi na bahay ang maging itsura nito?" loko niyang sabi

"Opo Honey kaya namin 'to. Magtiwala ka Hon. Pagdating mo bahay pa din ang itsura ng bahay natin" sabi ko  sa kanya

"HAHAHA! Sige na talo na ako. I'll go have some fun" 

"Good! Sige Honey, maligo ka na at tawagan mo na sila at kami na ang bahala ni Flynn dito" Sa wakas na papayag ko na din siya

"Flynn. Remember the plan okay? We'll clean the house then we will prepare our suprise" 

"Yes papa! I remember what we planned. Are we gonna wash the dishes papa?" tanong niya

"Mamaya nalang pag alis ni Mommy"

Natapos ng maligo at mag-ayos si Serene.

"Oh bakit di mo pa hinuhugasan yun?" tanong ni Serene sakin

"Maya maya na, pag nakaalis ka na" 

"Ah okay? Basta ayusin niyo ah. Natatakot na tuloy akong umalis baka kung anong gawin niyo sa bahay" sabi niya

"Ano ka ba honey. Kayang kaya namin 'to ng anak mo." Pag aassure ko sa kanya

"Hayy, Sigurado talaga kayo ah? Pag may tanong o problema itawag mo lang" paalala niya

"Opo Mahal ko, Tatawag po ako" 

"Sige aalis na ako, andyan na sila sa labas e"

"Sige Honey, ingat ka ah. I love you" sabi ko sabay halik sa lips niya

"Bye Honey, I love you too. Baby, Alis na si mommy ah. Behave ka kay papa" she kissed me back then turned to Flynn

"Yes Mommy I'll be a good boy" 

At sa wakas umalis na din si Serene. 

Ngayon ang problema ko. Hindi ako marunong sa gawaing bahay Tss. Pero kailangan pag uwi niya maayos lahat.

Good Luck sa amin ni Flynn.

_____________________________________________________________________________

I'll finish this story by the end of October :) I'll write a new one, It's a love story again and it is based on a true story =)) Sana suportahan niyo! Pero tatapusin ko muna 'to bago ko isulat yun :D

Too YoungWhere stories live. Discover now