Chapter 16

12.6K 132 8
                                    

Serene's POV

Summer na sa wakas! Masaya kasi mas makakasama ko na yung pamilya ko ng mas matagal. Sana si Zach din di na busy sa office.

Pero nakakalungkot kasi aalis na si John. Maayos na naman kami, kahit sa tawag lang kami nagkausap alam ko na kahit papano okay na kami.

*Flashback*

Tinawagan ko si John kinabukasan after namin mag-usap sa restaurant. 

[Serene] 

"John"

[Serene, sorry sa pagsisinungaling ko. Di ko naman talaga gustong lokohin ka, gusto ko lang mapalapit sayo] sorry siya ng sorry

"Okay na. Naiintindihan ko. Wag ka mag-aalala di naman ako galit sayo"

[Salamat naman. Pero I think this is goodbye? Bukas na kasi ako aalis e]

"Pwede bang wag ka nalang umalis? Parang ang hirap kasi na wala ka, wala akong mapagkkwentuhan. Saka si Flynn, alam mo ba nung sinabi kong pupunta ka na ng US umiiyak talaga siya sabi siya ng sabi ng "no i don't want tito to leave. I love him"" I heard him chuckled

[Mamimiss ko siya ng sobra, kahit papano naging tatay tatayan niya ako nung wala pa si Zach]

"Kaya nga e, masyado ng napalapit sayo yung anak ko"

[Babalik naman ako e]

"Siguraduhin mo lang na pag bumalik ka kilala mo pa kaming dalawa"

[Di ko naman kayo malilimutan, Naging parte na kayo ng buhay ko. Dahil sainyo din natuto ako maging tatay haha. Pwede na ba? Pasado na?]

"Sira! Pasado na, pero sa Ate mo ba pasado? Alam mo naman yun ayaw niyang may chicks kang kasama. Mas gusto ata nun maging bakla ka nalang e" biro ko sa kanya

[Haha! Sira ka talaga. Pero pangako babalik ako. Saka sabihin mo sakin pag sinaktan ka ni Zach. I'll punch him for you]

"Baliw! Di naman ako sasaktan nun, mahal ako nun"

[Ang sakit ah. haha sige bye na maaga pa kasi ako aalis bukas e. See you whenever]

"Hayy ano pa nga bang magagawa ko, Bye John. I'll miss you"

[I'll miss you too and I love you Serene] then he hung up.

Bumilis yung tibok ng puso ko. Ang hirap grabe

*End of Flashback*

"Hi, babe!" Bati sakin ni Zach

"Nagbreakfast ka na ba? ang aga mong nagising e" tanong ko. Hinatid niya kasi sa airport si John 

"Yup. Kumain na ako bago umuwi. Pasensya na natagalan traffic kasi e" ang tagal nga mga 2 oras siya bago nakauwi. Sabi niya pa naman uuwi siya agad once nakacheck in na si John

"Ah ayos lang yun. Sige pahinga ka na muna sa taas mukhang napagod ka e"

"Sige akyat na ako. Love you" sabay halik sa pisngi ko

Habang natutulog siya naglinis nalang ako ng bahay. Tapos umakyat na ako patungo sa kwarto ni Flynn para gisingin siya

"Baby, wake up"

"Mommy!" umiyak siya pagkagising niya

"Bakit ka umiiyak?Bad dreams?" I asked him

"No mommy :( Si Tito John, umalis na siya" umiiyak pa din siya habang sinasabi yun. Napamahal talaga siya kay John

"Don't worry baby. He'll be back soon. Sabi nga niya sakin love na love ka din daw niya e" 

"I love him too mommy. I wish he'll comeback soon para may playmate na ulit ako" kahit papano humihinto na yung paghikbi niya

"Let's go downstairs. Kailangan mong kumain ng breakfast. I cooked hotdog and bacon"

"Opo. Thank you mommy. I love you so much"

"I love you too baby" at binuhat ko siya habang pababa kami ng hagdan

Habang nasa dining table

"Mommy, where's daddy?" Flynn asked me

"He's upstairs. Natutulog. Napagod and puyat pa siya remember late umuwi si Daddy tapos hinatid pa niya si Tito John mo kanina?"

"Oh yes I remember. Mommy tayo nalang magplay and magswim. Ayaw ko po kasi istorbohin si Daddy e"

"Sure baby, pahinga ka muna after kumain tapos maglalaro tayo sa pool!"

Binilisan niya yung pag kain niya tapos nanuod nalang siya ng spongebob habang nagpapahinga

Habang nagsswimming kami, natanaw ko si Zach na nasa may balcony ng kwarto namin at nagwawave siya samin ni Flynn.

"Let's swim daddy!" sigaw ni Flynn kay Zach

"Later" 

"Later nalang daw siya Flynn, mukhang pagod pa din si Daddy e" sabi ko kay Flynn

"It's okay mommy"

Habang naglalaro si Flynn sa pool tinitignan tignan ko din si Zach. 

Nakita ko naman na kinuha niya yung phone niya at may kinausap.

Siguro about business na naman yun.

Kaya di ko na pinansin at binaling ko na ulit yung attention ko kay Flynn.

After 10-15 minutes nakita kong bumaba si Zach at naka suit na siya.

"Babe, I'll be going. May emergency daw sa office e" paalam niya sakin

"Sige. Ingat ka ah. I love you"

"Love you too" then he rush to the door.

"Daddy left again" Flynn said in a reallt sad tone

"He needs to work baby. Di ba you want lots of toys. Pag hindi nagwork si Daddy wala kang toys and clothes"

"I don't need lots naman mommy. I still have toys that I can play with. I miss bonding with daddy"

"Don't worry. I'll tell Daddy to have a day off para magbonding kayo okay?"

"Yes mommy. Thank you" 

Kasama nga namin si Zach sa bahay. Nung mga unang buwan okay naman lagi siyang nasa bahay pero nung pang 6th month ata namin dito mas naging busy siya.

Laging overtime at minsan pa pag off niya may biglang tatawag at sasabihin na may biglaang meeting or problema.

Onga pala about sa work ko. I talked to the HR na babalik nalang ako sa kanila pagkagraduate ko. Mas gusto ko kasing mag focus kay Flynn at sa Pag-aaral ko

Too YoungWhere stories live. Discover now