Chapter 20

11.5K 121 9
                                    

Serene's POV

Ang aga ko nagising pero pagkagising ko wala na si Zach sa tabi ko.

Siguro pumasok na sa office yun kaya naman lumipat ako sa kwarto ni Flynn para makitulog.

Namiss kong katabi yung anak ko sa pagtulog

Pero di na ako nakatulog. Pinagmasdan ko panandalian yung anak ko

Ang gwapo gwapo nga niya. Siguro pag nagbinata na 'to maraming babae ang maghahabol dito

Nako, ayoko ng isipin yun, Gusto ko ako lang ang babae sa buhay ni Flynn.

Ahhhh! Ayoko na nga isipin yun.

Bumangon na ako para magluto.

"Baby, wake up. We're going to the Mall tapos pupunta tayo kay Lola" gising ko sa kanya

Biglang bangon yung bata HAHA Ang cute niya

"Talaga mommy! I'll see lola na?" tanong niya

"Yes baby, Kaya let's go downstairs to eat then paliliguan ka na ni mommy" 

"No need for you to bathe me. Kaya ko na po. Sabi kasi ni Daddy big guy na ako e" 

"Osige. Pero bibihisan kita ah" 

"Okay mommy!"

Matapos kumain at maligo ay umalis na kami papuntang mall.

Binili ko ng konting laruan si Flynn at binili ko din ng damit si Mama.

Makalipas ang ilang oras nakarating na kami dito sa bahay ni Mama

"LOLA!" Sigaw ng anak ko pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay

"APO!" Sigaw naman ni Mama pabalik at tumakbo palapit kay Flynn at niyakap siya

"Hi Ma, I missed you" sabi ko kay mama

"Missed you too hija. Masyado kayong nagpamiss ni Flynn e" tampong sabi niya

"Sorry Ma, busy sa school tapos 1 week pa kaming nagbakasyon nila Zach sa Cebu" kwento ko

"Wow, Family bonding ah. Asan nga pala si Zach?" 

"Nasa trabaho po e. Kaya kaming 2 lang po ni Flynn yung andito"

"Ah ganun ba, Lika dun tayo sa Dining. Kain muna tayo. Nagluto ako ng paborito niyong mag-ina na Sinigang na Hipon"

"Lola! Thank you! I missed eating hipon! Di na po kasi nagluluto si mommy e" sumbong niya kay mama

"Nako ikaw bata ka 'bat di ka na nagluluto nun?" baling niya sakin

"Mama kasi ibang ulam na niluluto ko e" Iba na nga din kasi yung niluluto ko yung madalian na busy sa school e

"Hay nako. Paminsan minsan magluluto ka nito. Kaya tignan mo yung anak mo oh takam na takam konti nalang kainin niya lahat yun e"

Natawa naman ako sa sinabi ni mama. Nakakatuwa nga itsura ni Flynn

Bukas na bukas din magluluto ulit ako niyan haha! 

Zach's POV

Andito ako sa office ngayon as usual busy. Daming paper works.

*Kring kring*

Narinig kong ring ng telepono sa labas. Ibig sabihin sa secretary ko tumawag.

*tok tok*

"Come in" 

"Sir, Nasa line po si Ms. Kirsten" sabi ng Secretary ko.

"Sige transfer mo siya sa line ko" 

Inangat ko yung telepono para makausap si Kirsten

[Hey Zach] bati niya sakin

"Hey Kirsten" bati ko naman

[Are you busy?"]Tanong niya

"Hm. Not Really. Actually patapos na ako sa ginagawa ko" 

[Good. See you at my place after work?]

"Yeah see you" 

[Bye]

"Bye" then I hung up. 

Tinapos ko na yung kaya kong matapos ngayon. Bukas o kaya sa bahay ko nalang ipagpapatuloy yung iba

Nang matapos ko na ang ginagawa ko agad akong dumiretso sa bahay niya

Too YoungWhere stories live. Discover now