Chapter 7

19.7K 287 4
                                    

Zach's POV

I was at the mall kanina. Since sunday naman at wala akong pasok. Napadaan ako sa McDonalds ng mapansin kong may batang nakatitig sakin.

Nginitian at kinawayan ko nalang siya at saka umalis.

May kasama naman siguro yung bata doon.

Nagpunta na ako sa car park at umalis na ng mall.

Nagtext kasi sakin si John. Nagiimbita siya sa bahay niya

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa bahay niya kaya tinext ko siya. Di kasi talaga uso yung doorbell

To:John

Pre, Andito na ako sa labas ng bahay mo

Agad naman siyang lumabas at pinapasok ako.

"Bat mo ko pinapunta dito?" tanong ko agad sa kanya

"Grabe naman di ba pwedeng namiss ko lang kaibigan ko?"

"Ganun ba? Sige nga pakiss nga. mwah" at hinalikan ko siya sa pisngi

"Tangina pare! Bakla ka ba?!" tanong niya

"Hahahaha itsura mo! Gago nagbibiro lang ako"

"Kadiri. Wag mo na uulitin yun ah"

"Oo na oo na. Ano bang meron at pinapunta mo ko dito?" tanong ko ulit

"Wala naman kwentuhan lang. Idetalye mo nga sakin yung chicks mo na nabuntis mo" sabi niya atukhang interesado talaga siya

"Aba interesado ka ata. Ano bang gusto mo malaman?"

"Lahat pare idetalye mo ah!" demanding to

"Oo na sige na ikkwento na"

"Anniversary namin ni Serene. I took her to a dinner date.

Matapos namin mag dinner at magkwentuhan. Dinala ko siya sa condo ko.

Wala naman talaga akong balak galawin siya. Ang plano ko e movie marathon at dito na siya patulugin. Gusto ko lang matry na makita siya first thing in the morning.

Pero di na ako nakapagpigil. I kissed her. At lumalim yun ng lumalim

I stared at her para bang nagtatanong na 'Pwede na ba natin gawin?' "

"Shit pare skip mo na yung part na yan!"

"Aish! Oh ayun na nga may nangyari na samin. Tapos makailang linggo inamin na niya sakin na buntis siya. Syempre natakot ako nun. May pangarap pa ako, at ayokong matali agad ng maaga kaya ayun iniwan ko siya"

"Tss siraulo ka pala e, sana sinabi mo nalang yun sa kanya. Teka ano nga pala pangalan nung babae?" tanong niya

"Ah. Si Serene. Serene Andrews" pagkasabi mo ng pangalan na yun literally his jaw drops

John's POV

"Ah Si Serene. Serene Andrews" pagkasabi niya ng pangalan ni Serene nganga lang ako.

"Uy pare ayos ka lang? Kilala mo ba siya?" tanong niya sakin

"Ah h-hindi. W-wala akong kilalang Serene. Nagulat lang ako sa surname. foreigner pala yun" Di ko nalang inamin na kilala ko si Serene

"Ah oo. yung daddy niya canadian pero dito sila nanirahan sa Pilipinas"

"Ah ganun ba. Mag balita ka ba dun sa anak niyo?" tanong ko sa kanya

"Wala e. Pero tingin ko 3 years old na siguro yun ngayon"

"Pano pag nakita mo yung anak mo, o kaya yung Serene?"

"Di ko alam pare e, pero a part of me na gustong gusto ko sila makita pero natatakot ako" explain niya

"Aminin mo nga sakin, Minahal mo naman talaga siya diba?"

"Aish. Oo mahal na mahal ko siya. Sinasabi ko lang na lust yun para hindi lumabas na duwag at wala akong paninindigan"

"Baliw. Eh totoo naman na duwag at wala kang paninindigan e" I frankly told him

"Oo na alam ko na yun. Pero panigurado di na ako tatanggapin ni Serene."

"Ano ka ba! Pag nag explain ka naman siguro sa kanya baka tanggapin ka pa nun ulit"

"Bahala na pag nagkita kami ulit" nagulat ako sa sinabi niyang ulit

"Ulit?! Nagkita na kayo?!" gulat kong tanong

"Nakita ko lang siya kanina sa Mcdo"

"Nilapitan mo ba?"

"Syempre hindi! Nareceive ko yung text mo kaya agad akong pumunta dito"

Grabe 'to! I need to do something to help him out! Pero bago yan. I need to ask Serene first kung ano magiging reaction niya pag nakita niya si Zach

"Grabe. Sige na umuwi ka na may gagawin pa pala ako"

"Tss. Matapos ko magkwento papaalisin mo nalang ako agad?"

"Nako nagreklamo ka pa, Babawi ako sayo promise. Lilibre kita kahit saan."

"Sige na. Basta libre ah!" at tinulak ko na siya palabas ng gate namin.

Too YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon