Chapter 10

19.3K 255 20
                                    

John's POV

Pagkatext na pagkatext sakin ni Zach na nasa condo na daw siya agad akong nagpahatid sa driver namin papunta dun.

Oh my G! Excited na ako sana perfect at maging successful yung plano ko na pagbalikin silang dalawa

Makalapis ang nagbobongahang minuto ay nasa tapat na ako ng condo niya

"Kuya text nalang kita pag papasundo na ako ah. Salamat" sabi ko kay Kuya Driver

"Sige ser ingat"

Sumakay na ako ng elevator grabe para akong natatae na ewan.

Pagkarating ko sa floor ni Zach tumakbo na ako papunta sa unit niya at nirape ko ng bonggang bongga yung doorbell niya

"Grabe naman yung pagpindot mo! Walang tigil" medyo nainis ata

"Pasensya na excited lang ako sa babalita ko sayo"

"Hays pasok na. Kung may gusto ka diretso ka lang sa kitchen"

"Grabe naman to di man lang nagooffer"

"Nag offer kaya ako! Ang sinasabi ko lang eat all you can. Ikaw na bahala"

"Sige na nga. Teka kalma ka muna ah. May best news ako sayo"

"Ano ba yun?"

"Naalala mo yung kinuwento mo yung ex mo sakin?"

"Sino sa kanila?"

"Syempre yung nabuntis mo"

"What about her?"

"For the last time tatanungin kita. Mahal mo pa ba?"

"Parang di pa ako ganun kasigurado e"

"Matatanggap mo ba yung bata?"

"Oo naman anak ko yun. Saring dugo at laman ko yun"

"Pano kung sabihin ko sayo na kilala ko sila?"

"Tangina seryoso ka ba?! Gusto ko silang makita" napamura pa at niyuyugyog pa ako

"Atat naman e, Aaminin ko kilala ko sila"

"Pa-pano mo sila nakilala?" tanong niya at kumalma na din kahit papano

"Hayy blockmate ko siya at kaibigan ko na din siya" pag eexplain ko

"Bat di mo sinabi agad sakin?" tila may inis na tono niya

"May kailangan pa kasi akong kumpirmahin bago ko sabihin sayo"

"Kahit na sana sinabi mo nalang na kilala mo siya nung nagkwento ako"

"Oo na sorry na"

"Kamusta naman sila? Yu-yung a-anak ko?"

"Ayos naman si Serene madalas ko siyang kagroup at kasama. Yung anak mo si Flynn ayun napakagwapo at english speaking yung bata"

"Lagi mo pang nakakasama! Siya pala yung chicks na inakala ko na dinedate mo"

"Gagi hindi ayoko sa kanya" no way di kami talo

"Flynn. Flynn yung pinangalan niya sa anak namin"

"Oo Flynn nga pero english speaking yung bata nosebleed ako pag kinakausap ako nun"

"Wow ang talino ng anak ko. Manang mana sakin"

"Siguro. Pero hawig mo yung anak mo pag tinitigigan"

"Ganun ba? Gusto ko na silang makita. Please saan ba sila nakatira?" pangungulit niya

"Dun sa may Taft sila nakatira medyo malapit na school namin"

"Tara puntahan natin siya" yaya niya

"Sira wag muna ngayon. Planuhin muna natin"

"Sige na nga. Teka sabi mo magkaibigan kayo, May nabanggit ba siya tungkol sakin?"

"Ah oo naman nakwento niya kung anong nangyari sa inyo noon"

"Anong sabi niya? Galit pa ba sakin?"

"Ang sabi naman niya sa una lang yun pero napatawad ka na niya"

"Ganun ba? Buti naman. Ano pang sabi?"

"Ayun mukhang in love pa din sayo pare"

"Talaga?! Sana nga para mabuo na yung pamilya namin. Eh yung anak ko?"

"Naghahanap ng daddy. Napagkamalan nga niya dati na tatay niya ako e"

"Kawawa naman yung anak ko. Pero pangako babawi ako sa mag ina ko"

"Siguraduhin mo lang ah"

"Oo basta tulungan mo ko. Gumawa tayo ng plano para magkabalikan kami ni Serene"

At gumawa na kami ng napakabonggang plano!

Matapos gawin ang plano ay umuwi na ako samin at nagbabalak ulit ako na makipag chikahan naman bukas kay Serene

Pero di ko muna sasabihin sa kanya na bestfriend ko si Zach

Since wala namang interesting na nangyayari sa school let's skip it already.

Dami lang projects kaya ayun. More time with Dyosa Serene.

Wala akong balak sabihin sa kanya syempre surprise ko na yun sa aking magandang friend.

Serene's POV

Iba talaga kinikilos ni John ngayon. Parang in love. Yung ngiti niya sobrang kakaiba ang creepy kasi tignan

"Bakla nakadrugs ka no?" tanong ko sa kanya

"Gaga hindi. Basta masaya lang ako"

"Sigurado ka? Siguro may boyfriend ka na no?"

"Hay I hope so pero wala e at couple yung nagpapasaya sakin haha"

"Bisexual ka na ngayon?"

"Gaga hindi! basta di mo naman magegets e"

"Okay sorry naman. Oh ano uwi ka na ako nalang magpprint neto" sabay tukoy ko sa homework namin

"Sige bakla uwi na ako. Ingat nalang dito ah"

"Sige bye girl. Ingat" at umalis na siya ng condo ko

Zach's POV

Papunta na ngayon si John dito sa condo ko para maplano na namin yung surprise ko para sa mag ina ko

Kailangan kong makasama na sila at mabawi ko yung mga panahon na nagkulang ako sa kanila

After ilang minutes dumating na si John

"Pare buti naman at dumating ka na"

"Sensya may tinapos lang kaming homework ni Serene e"

"Ayos lang so ano ng plano?" tanong ko sa kanya

"Isurprise natin siya." at tuloy tuloy lang siya sa pagsusuggest.

"Sige pare game ako diyan. Sa Sunday na natin gawin?"

"Sige kaya naman ng 2 days preparation yun. Don't worry akong bahala" sabi niya

"Pare salamat talaga. I owe you a lot. Salamat talaga"

"Wala yun pare para sa mga kaibigan ko tutulong ako"

John's POV

"Wala yun pare para sa mga kaibigan ko tutulong ako"

kahit nasasaktan na ako... sabi ko sa sarili ko

__________________

Guess who John's love :)))

Too YoungWhere stories live. Discover now