Chapter 18

12.1K 137 11
                                    

Elle's Note: Ngayon lang ako nagkatime mag-update. Sorry kung medyo late before I say goodnight and go to bed, Here's a pabitin chapter ulit :)) And ayan din nareveal ko na yung itsura ni John =)))

Tapos dun sa request na more POV ni Zach I'll try kasi baka masira yung flow ng story pag too much revelation. Mawawalan na ng "bitin" part haha! And ayoko naman maging cliche yung story ko so ayun sorry If I can't grant that request pero I'll try to do some Zach's POV =)))

Also if you would like to have a dedication, Just message me :))

To: GnznLee! AYAN NA SI JOHN :))) SAYONG SAYO NA SIYA =))))) LOLJK

__________________________________________________________________

Zach's POV

Gaya ng sinabi ko andito kami ngayon sa Club Noah Isabelle. Nasa eroplano kami ngayon at kitang kita ko sa mukha ng anak ko yung saya. Nakangiti siya habang nakadungaw sa bintana.

"Daddy look! Ang ganda ng clouds!" kinakalabit niya ako habang tinuturo yung mga clouds

"Ang ganda nga. Take a picture of it" sabay abot ko ng phone ko sa kanya. Si Serene naman eto nasa gitna namin natutulog

"Daddy! Ang galing ko mag picture!" sabi ulit niya. Naaaliw na talaga siya

"Good Job anak! Pwede ka na maging photographer"

"Ayoko po nun Daddy. Gusto ko maging katulad mo"

"Wag mong gayahin si Daddy. I want you to be who you really want to be. Follow your heart"

"Di ko po naintindihan Hahaha" tawa lang siya ng tawa haha

Sabagay tanga ko din haha sasabihin ko yun sa bata nasisiraan na ata ako LOL

"Flynn. Quiet ka lang. See mommy's sleeping"

"Opo daddy" kiniss niya si Serene sa pisngi at umupo na ng maayos

Makalipas ang ilang oras nakalapag na kami sa Cebu.

"Daddy! Are we near to the beach?" tanong niya sakin

"Yup baby. Magboboat tayo papunta dun sa place"

"Wow! Daddy so much adventure for me today!"

"Flynn save your energy baka mamaya di ka makapagswim kasi pagod ka na" paalala ni Serene sa kanya.

"I have lots of it mommy! Don't worry about me" paniniguro ni Flynn kay Serene

"Onga naman babe. Hayaan mo nalang yan para pag napagod mahaba haba ang tulog. Tayo naman ang magbobonding" binulong ko sa kanya at kinindatan siya.

Pagkarating namin sa Club Noah Isabelle. Pumasok na kami sa suite namin at nilapag yung mga gamit.

"Daddy! Let's go swim!!!" syempre ang anak ko ang masusunod ngayon. Pambawi ko na din sa kanila ni Serene sa pagiging busy ko

Binihisan ko na siya ng swimming trunks niya at si Serene din naman ay nagbihis in to her bikini

"Lets go!" yaya ko sa kanilang dalawa

Naunang tumakbo sa dalampasigan si Flynn at Serene. Kitang kita ko sa mga mukha nila na masaya sila ngayon.

Ang perfect nga naman. Ang sexy ni Serene tapos yung anak ko ang gwapo at take note magaling mag english.

"Babe, let's go!" Sigaw ni Serene sakin kaya naman tumakbo ako palapit sa kanila

"Andito na si Daddy!" Sulpot ko sa likod ni Flynn tapos binuhat ko siya sa balikat ko

"Ah! Daddy! I'm flying! Parang yung airplane lang kanina"

"Ngayon gusto mo naman matuto mag swim?" tanong ko sa kanya

"Yes daddy! Pero Tito John taught me some basics already" 

"That's good. Now I'll teach you some more" at tinuruan ko si Flynn lumangoy

Habang si Serene naman ay bumalik dun sa beach lounge chair para mag sun bathing.

Nakakatempt talaga yung katawan niya yung tipong kahit anong kilos niya sumasaludo yung baba ko.

Nalunod na siguro si Flynn kanina pa kung di ko siya naaalalayan. Kung mangyari man yun blame Serene hahaha joke.

Bumalik naman si Serene samin at ako naman ang umalis para kunin yung camera. Kailangan mapicturan 'to. It will last longer ika nga

Ibang iba yung ngiti nilang dalawa.

Habang pinagmamasdan ko sila di ko maiwasan na mapaisip na sobrang swerte ko sa kanilang dalawa.

Mas pinasaya nila yung buhay ko nung bumalik sila.

John's POV

I know you missed me! It's been a year since I left the Philippines.

It's been a year since I left the girl I really love

and I'm still in love with that girl

Kahit napakaraming sexy at aggressive girls dito iba pa din si Serene

May pagka-aggressive siya pero may halong joke ata yun HAHA 

Namimiss ko na talaga siya pati si Flynn. 

Habang andito ako. Pinamimili ko ng mga gamit, laruan at damit si Flynn para kung sakaling bumalik ako maiibigay ko lahat ko. Di man magkasya yung damit at least remembrance din 'to na lagi ko siyang naalala 

Syempre si Serene din segusegundo ko atang naalala yun. 

Binilhan ko siya ng singsing. Kung hindi pa sana ako huli ibibigay ko 'to sa kanya at aayain siyang magpakasal...

Back to my work here. I didn't continue my studies. Nakakatamad na e. Buti nalang gwapo at macho ako. Pinagkakakitaan ko 'to

Kinuha nila akong model dito. Kaya ayan yung picture sa gilid that was my first photoshoot dito.

Diba ang gwapo ko? Kaya di talaga ako pagkakamalang bakla e.

Back to Zach's POV

Habang kinukuhaan ko sila ng picture napapangiti nalang ako..

Ibang iba yung ngiti nilang dalawa.

Habang pinagmamasdan ko sila di ko maiwasan na mapaisip na sobrang swerte ko sa kanilang dalawa.

Mas pinasaya nila yung buhay ko nung bumalik sila.

Sobrang swerte ko dahil understanding at napatawad ako agad ni Serene

Sobrang swerte ko di dahil nagkaroon ako ng mumunting anghel

Pero pasensya na Serene sa magagawa ko...

Too YoungWhere stories live. Discover now