Simula

209K 3.6K 150
                                    

"Ok, good bye Class" paalam ko sa mga estudyante ko saka tumayo.

"Good bye teacher Alora" sabay sabay na sabi nila. Ngumiti ako sa tinignan sila na isa-isang nag ayos ng mga gamit nila at lumabas ng classroom. Isa akong grade two teacher sa isang pribadong paaralan. Masaya ako sa trabaho ko lalo na pag nakikita ko ang mga estudyante ko, tatlong taom palang ako sa larangan ng pag tuturo pero minahal ko na ito. Ito kasi talaga ang gusto ko noong bata pa ako, at masaya ako na natupad iyon.

Inayos ko na rin ang gamit ko saka nag lakad ako papalabas ng room, natigil ako sa pag lalakad ng may bumungo sa likod ko.

"Sorry po Teacher" ani Noctis isa sa mga estudyante ko.

"Okay lang, andyan na ba ang sundo mo?" Tanong ko, hindi ko maiwasang hangaan ang batang nasa harap ko. Napaka gwapo kasi nya, lalo na ang kulay asul nyang mata, ang matangos nyang ilong at ang makinis at maputi nyang balat, at ang kulay itim nya buhok na pag naaarawan ay nag kukulay tsokolate. Kung sakaling mag kakaanak ako ganitong mata rin ang gusto ko para sa anak ko. Hindi ko maiwasang kiligin sa naisip ko.

Tumango sya bilang sagot saka ako nginisihan, saka sya nag tatakbo palabas ng classroom. Napailing ako, si Noctis ang isa sa pinaka pilyo sa eskwelahan na to. Bully sya kaya maraming natatalot sa kanya, patimga teacher ay hindi nya pinapalagpas.

Nag lakad na ako papunta sa faculty room, saka umupo sa upuan katapat ng lamesa ko.

"Hi teacher Alora" bati ng co teacher ko pag kapasok sa faculty room.

"Hello, teacher Rose" ganiting bati ko saka nag patuloy sa aking sinusulat.

"Si Noctis, may binully nanaman sa estudyante ko" aniya, napaangat ako ng tingin dahil doon.

"Kailan?" Kunot noong tanong ko, hindi nakarating sakin iyon.

"Kaninang breaktime, nag lalakad daw ang estudyante ko pabalik sa room ng harangin daw sya ni Noctis at ibuhos ang dala nitong juice sa estudyante ko" ani teacher Rose.

"Pasensya na teacher Rose, kakausapin ko sya o kaya man ang magulang nya" ani ko saka paulit-ulit na himingi ng pasensya.

"Paano mo kakausapin ang magulang nya? Kung hindi Nanny ay Lawyer ng pamilya ang pumupunta sa tuwing may ginagawang kasalanan si Noctis." Ani teacher Rose saka umuling.

Ang totoo, si Noctis ang sakit ng ulo sa lahat ng teachers sa school. Katulad nga ng sabi ko wala syang pinapalampas sa kapilyuhan nya. Pati ako ay naranasan iyon, ilang beses nyang nilagyan ng bubble gum ang upuan ko.

"Pupunta ako sa bahay nila, kakausapin ko ang parents nya" walang pag aalin langang sagot ko. Ayokong katakutan si Noctis ng kapwa nyang estudyante dahil sa pagiging bully nya. Ayokong mainis sa kanya ang lahat ng teacher sa school. Ayokong may masabi silang masama sa estudyante ko, dahil bilang teacher nya kailangan kong ayusin ang pag uugali nya. Kailangan kong baguhin ang ugaling mayroon sya ngayon. At isa pa, nasasaktan ako sa mga masasamang naririnig ko tungkol kay Noctis or kahit na kaninong estudyante kk, nasasaktan ako dahil mahal ko ang mga estudyante ko.

"Teacher Alora, ano yang nasa likod mo?" Nabalik ang atensyon ko kay Teacher Rose, lumapit saya sakin at tinanggal kung ano man ang nakita nya sa likod ko.

'I'm stupid' nakalagay sa papel na nakadikit sa likod ko na kinuha ni teacher Rose. Naalala ko, bago ako lumabas ng room kanina nabangga sa likod ko si Noctis.

"Noctis Russell Knight" ani teacher Rose saka umiiling na bumalik sa mesa nya.

**

Feb 23, 2016 - July 13. 2017

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon