MKS Chapter 17

82.1K 1.7K 61
                                    

Tama ba ang ginawa ko? Pero tama si Ate, kung lalayo o iiwas ako kay Mr. Knight hindi ko malalaman ang mga makatago sa likod ng kulay asul at berdeng mga mata nya. At isa pa gusto ko silang makasama ni Noctis.

Sana lang ay maunawaan ni Noctis kung anong meron kami ng Daddy nya.

Napatingin ako sa pinto ng aking kwarto ng may kumatok doon, lumapit ako doon at binuksan iyon. At mukha agad ni Mr. Knight ang bumungad sa umaga ko. Ang asul at berde nyang mga mata ay muli akong nilulunod.

"Hi" aniya at tumaas ang isang sulok ng labi nito, ngumiti ako at nilakihan ang pag kakabukas ng pinto.

"Hi" sagot ko, pumasok sya sa loob ng kwarto ko at sinimulan nyang igala ang kanyang mga mata sa maliit kong silid. Huminto ang mga mata nya sa bookshelves ko.

"Kararating nyo lang? Si Noctis?" Tanong ko. Monday ngayon at sinabi nya kagabi na susunduin nya ako at ihahatid nya kami ni Noctis sa school.

Kahapon ay tinanggap ko ang katotohanan na pareho naming gusto ang isa't-isa. Alam kong naging mabilis pero bakit ko pa papatagalin kung pareho naman kami ng nararamdaman.

Napapitlag ako ng bigla akong hapitin ni Mr. Knight, ang mga mata nya ay nanatiling nakatitig sa mga mata ko. Hanggang sa unti unting bumaba ang ulo nya, pinikit kplo ang mga mata ko at hinintay ang labi nya sa mga labi ko. Naramdaman ko ang mainit nyang hininga na tumatama sa mukha ko.

"I miss you" bulong nya bago tuluyang sakupin ang labi ko.

Muli ko nanamang naramdaman ang mga bagay na nasa loob ng tiyan ko at nag simula nanaman nilang magrambulan.

Naramdaman ko ang kamay ni Mr. Knight sa batok ko at ang isa nyang kamay ay makapalupot sa katawan ko, dama ko ang init ng katawan nya na sobrang nag papaliyo sakin. Humawak ako sa braso nya ng mas pinalalim nya pa ang pag halik sakin. Ang dila nya ay naramdaman ko sa loob ng bibig ko na sobrang nagpawala sa puso ko.

"Hmmm" daing ko ng kagatin nya ang pang ibabang labi ko bago tuluyang humiwalay sa mga labi ko.

"Good morning" aniya, napangiti ako at napailing. Naramdaman ko ang thumb nya na pinupunasan ang labi ko.

"Your lips is so sweet Alora, so addictive." anito, naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko.

Buti nalang at nakapag toothbrush ako pag katapos mag breakfast. Geez, pakiramdam ko tuwing hinahalikan nya ako ay laging first kiss ko.

"Let's go?" Tanong nya, tumango ko at naramdaman ko ang pag alis nya ng kanyang braso sa aking bewang. Kinuha ko ang bag ko saka kami lumabas ng kwarto.

"Sa bahay ka mag diner mamaya" aniya habang pababa kami. Kinuha nya ang kamay ko at pinag salikop iyon.

"Bakit?" Tanong ko, tumingin sya sakin na parang hindi maunawaan ang tanong ko.

"I mean, bakit hindi nalang tao dito mag diner? Kasama sila Ate katulad kahapon?" Tanong ko, nakita ko ang pag ngisi nya na ikinakunot ng noo ko.

"Natatakot kang makapag solo tayo" anito na halata ang amusement sa mga mata. Bigla kong nakain ang dila ko, siguro Oo. I mean kinakabaha ako na kaming dalawa nalang, ngayon lang ako nag kipag relasyon kaya bago lahat sakin ito.

"Hindi ah" depensa ko kahit na nahuli na nya ako.

Attracted kami sa isa't-isa at ang isiping na mag sasama kaming dalawa sa isang lugar ay nag papakabog ng dibdib ko.

"Oh.. I'll invite your sister then, para sa bahay na mag diner" Anito, pero hindi nawala ang ngiti sa nga labi.

Nang makarating kami sa living room ay hinanap ko si Noctis at Stella, si Mr. Knight naman ay kinausap si Ate tungkol sa diner sa bahay nila.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon