MKS Chapter 5

81.6K 2.4K 61
                                    

"Teacher si Noctis po nilagyan ng bubble gum yung upuan ko"

Pagod na tumingin ako kay Maria isa sa mga estudyante ko at seatmate ni Noctis. Nakita ko si Maria na pilit tinatangal ang bubble gum na dumukit sa paldang suot nya, si Noctis naman ay parang walang kasalanan na ginawa at mukhang mag lalaro sa Ipad na hawak nya.

Ang buong akala ko ay okay na sya, mag hapon kaming gumala kahapon at napag kakamalan pa kaming mag ina.  Kahapon nakita ko ang saya sa mga mata nya na animo kahapon lang nakapunta ng amusement park, walang hinto sya sa pag takbo at kung anu-anong rides ang sinakyan nya. Syempre ay hindi ko naman sya pwedeng hayaang mag isa dahil baka kung mapano sya. Takot ako sa high kaya noong sumakay kami sa ferris wheel ay halos manginig ako sa takot, pero dahil kasama ko si Noctis hindi ko pwedeng pairalin ang takot ko. Hanggang sa makababa kami ay nanginginig ako, hindi din ako maayos na nakatulog dahil sa tuwing pipikit ako pakiramdam ko ay nakasakay pa rin ako sa ferris wheel.

Kaya ngayon sobrang sakit ng ulo ko at ang bigat ng pakiramdam ko.

Napangiwi ako ng maramdam ang pagkirot ng sintido ko. Huminga akong malalim, ramdam ko ang nalamig na pawis na lumalabas sa noo ko.

"Noctis diba nag usap na tayo?" Malumanay na sabi ko, tumingin lang sya sakin ng ilang segundo at muling ibinalik ang atensyon sa Ipad na nasa harapan nya. Lumapit ako kay Maria at tinulungan sya sa pag tanggalng bubble gum na nasa palda nya.


Hanggang sa matapos ang pang umagang klase ay hindi umaayos ang pakiramdam ko, lalo lang sumakit ang ulo ko sa ingay ng mga estudyante. Hindi rin ako nakakain ng tanghalian dahil umidlip ako sa faculty room dahil nag babakasakali ako na gumaan ang pakiramdam ko pag nakakuha ako ng tulog. Nagising lang ako ng sinising ako ng co teacher ko.

"Teacher Alora, okay ka lang? Na mumutla ka" ani Teacher Rose. Tumango ako ay inayos ang sarili ko saka dinala ang mga librong kailangan ko para sa klase.

Pag dating sa classroom ay parang binagyo ang loob, gulo-gulo ang mga upuan at may nag kalat na mga papel. Naabutan ko pa si Noctis na pinapagpag ang eraser ng blackboard sa ulo ng isang kaklase nya.


"Noctis!" sigaw ko,

Mukhang nagulat ang lahat sa malakas na sigaw ko at napatingin sakin.

"Ayusin nyo ang mga upuan nyo at pulutin nyo ang mga nakakalat na papel na yan!" muling sigaw ko. Mabilis silang sumunod habang ang iba ay nakatingin lang sakin na parang hindi makapaniwala na sumigaw ko.

Kahit ako nagulat sa pag sigaw ko, at alam kong pati din ang mga estudyante ko. Hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili ko na sigawan sila dahil ayokong matakot sila sakin at lumayo ang loob pero dahil na rin siguro sa sama ng pakiramdam ko ay hindi ko nahawakan ng mabuti ang emosyon ko.


Nag turo ako katulad ng lagi kong ginagawa at pilit na binaliwala ang pag kirot ng santido ko. Nakahinga lang ako ng malalim ngatapos ang buong klase ko sa mag hapon.

Ang buong akala ko ay makakapag pahinga na ako pag katapos pero mukha mali ako. May pumunta kasing isang magulang at nirereklamo si Noctis dahil binato daw ni Noctis ang anak nya dahilan para mag kabukol ito.




"Gusto kong makausap ang magulang ng suwail na batang iyan" demand ng magulang, hindi ko sya mapakiusapan na kami nalang ang mag usap.

"Bakit parang pinapaburan mo yang batang iyan  Teacher?" Aniya pa ng pinakiusapan ko na kami nalang ang mag usap.


"Tinawagan ko na si Mr. Knight and he will be here any minute" ani Madam Principal. Napatingin ako kay Noctis na napaangat ang mukha ng marinig ang sinabi ng Pricipal. Ngumiti sya pero nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay pilit nyang tinago ang ngiti nya.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon