MKS Chapter 29

65.8K 1.7K 187
                                    

Mababaw para sa iba ang dahilan ng pag hihiwalay namin ni Mr. Knight, siguro mababaw na sa kanila ang makita ang boyfriend nila na kahalikan ang ex wife nito.

Unang beses kong mag mahal at unang beses kong masaktan. Oo laging sinasabi ni Mr. Knight na mahal nya ko pero paano ako makakasiguro na hindi na nya mahal si Shaira pagkatapos ng nakita ko? Kung paano nya ginantihan ang halik ni Shaira? Kung paano sila mag karoon ng sariling mundo?

Masisisi nyo ba ko kung nahihirapan akong mag tiwala sa kanya ngayon?

Si Shaira 'yon, ang una nyang asawa at ang ina ng anak nya. Kung titignan wala talaga akong panama sa kanya, mas may karaparan pa rin si Shaira sa kanila kaysa sakin. Ang isipin 'yon ay nag papasikip ng dibdib ko.


Pero ang kalahati ng pag katao ko ay natatakot, natatakot na paano kung ma realize ni Mr
Knight na mahal nya pa si Shaira? Gaano kasakit para sakin iyon. Pero iyon naman talaga nag purpose ng pakikipag hiwalay ko sa kanya, ang alamin kung sino talaga ang mahal nya. Maaari kasing bumalik ang pag mamahal nya kay Shaira, pwede naman 'yon diba? Pwede namang bumalik ang feelings mo sa babaeng una mong minahal? Pwedeng natabunan lang ito ng galit pero sa kaibuturan ng puso mo ay may natitira pang pag mamahal.

Kung bumalik man 'yon wala akong magagawa kung hindi tanggapin, kahit na masakit.






Nakakapanibago na walang Ace at Noctis na sumusundo sakin ngayon, eto ang mahirap pag nasanay ka, hinahanap hanap mo na sila. Pinilig kong ang ulo ko saka sumakay sa kotse ni Papa. Tahimik ako habang nasa byahe.

Alam nila Mama at Papa ang pag hihiwalay namin ni Mr. Knight, pero hindi sila nag tatanong. Siguro ay hinihintay nila na akong mag sabi sa kanila ng dahilan.



"Bye Pa" paalam ko at bumaba na ng nasa tapat na kami ng gate.

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang pag gagala ng mga mata ko para hanapin ang pamilyar na sasakyan. Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko, iginala ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang pag kirot ng dibdib ko ng hindi ko makita ang kotse ni Mr. Knight.

Pinilig ko ang ulo ko at pumasok na sa school, pumunta muna ko ng principal's office , naabutan ko pa ko don si Clarence.



"Good Morning Teacher Alora" nakangiti at masayang bati ni Clarence.

"Good Morning" pilit ang siglang sabi ko, kinuha ko ang card na may pangalan ko at isinulat doon kung anong oras ako pumasok saka nag log in sa log book.



Sabay kaming lumabas ng office at nagtaka pa ako ng sumabay sya sakin papunta sa room ko.

"May pupuntahan ka sa building ng mga grade 2?" Curious na tanong ko, halatang matigilan sya sa tanong ko at biglang mapahawak sa batok nya at ngumiti.


"Wala, ihahatid lang kita" nakangiting sabi nya, pinilit kong ngumiti.


Nang makarating sa room ay nag good morning pa sya sa mga estudyante ko bago umalis. Napailing ako at pumunta sa desk ko sa harapan. Napakunot ang noo ko ng makitang may three red roses sa desk ko.

Hinarap ko ang mga students ko at lahat sila ay may kanya kanyang pinag kakaabalahan.

Tumingin ako kay Noctis at nakita ko na nakatingin sya sakin, ngumiti sya kaya ngumiti rin ako pabalik. Kahit na hindi naging maganda ang relasyon namin ng Daddy nya ay masaya ako na okay na sila, na sa wakas at may Daddy na sya.

Yun naman talaga nag goal ko noon ang pag ayusin silang mag ama.

Itinabi ko ang rose sa desk ko sa likod at nag simulang mag-turo.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon