MKS Chapter 25

66.6K 1.7K 195
                                    

Hindi ko matanggal ang tingin sa babaeng kaharap ko, ni hindi ko magawang mag pasalamat para sa kapeng ibinigay nya. Ngayon wala ng makaharang na kahit ano sa mukha nya, kitang kita ko ang pag kakahawig nila ni Noctis. Ang kutis nya at katulad ng kay Noctis na medyo mamula-mula at ang manipis na labi nito ay nakuha din ni Noctis.

"Noctis is my son Teacher Alora" nakangiting sabi nya, pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Anak namin sya ni Ace" dugtung nya.

Gusto kong mag salita pero parang hindi ko mahanap ang dila ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Boyfriend ko si Ace since College, at nag pakasal sa US one year after graduation. Alam ng lahat na kami hanggang sa huli, pero nakaka lungkot na hindi nangyari iyon." aniya, hindi ko alam kung bakit kailangan nya pang sabihin sakin ang lahat ng impormasyon na 'to. Pero nakikita ko ang lungkot, sakit at panghihinayang sa mga mata nya habang sinasabi ang mga iyon.

"Anong nangyari? Bat umabot sa ganito?" Sa wakas nagawa kong makapag salita. Ayoko syang husgahan base sa sinabi ni Mr. Knight, gusto kong malaman ang side nya bago ako mag react o mag isip ng kung ano.

Ngumiti sya pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"Ang akala nya may karelasyon akong iba, akala nya niloloko ko sya habang nasa malayo sya." Aniya, tumingin sya sa malayo at nakita ko ang pamamasa ng mga mata nya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman habang nakatingin sa kanya.

Kanina nang sinabi nya na gusto nya kong makausap tungkol sa dalawang Knight ay sobra-sobra ang kaba ko, may ideya na kasi ako na maaaring sya ang ina ni Noctis. Gusto kong magalit sa sarili ko kung bakit ako pumayag pero gusto kong malaman ang lahat.

"Ano ba ang totoo Shaira?" Tanong ko, naramdaman ko pag bigat ng lalamunan ko pag katapos kong banggitin ang pangalan nya.

Si Shaira ang unang asawa ng lalaking papakasalan ko.

"Hindi ko sya niloko Alora, minahal ko sya at sya lang ang lalaking minahal ko. Noong wala syang at nasa trabaho lagi akong sinasamahan ni Jack yung inaakala nyang karelasyon ko. Alam ni Jack kung gaano ako kalungkot sa tuwing umaalis si Ace, pakiramdam ko kasi hindi ako mahalaga sa kanya, pakiramdam ko mas malaga ang trabaho sa kanya at si Jack ang nag ko-comfort sakin. Noong nalaman ko na pinag bubuntis ko si Noctis, sobrang saya kasi akala ko mas magiging matimbang na ulit ako-kami kaysa sa trabaho nya. Pero hindi, kahit na nalaman nya na buntis ako hindi sya tumigil sa pag tatrabaho, ni hindi nya ko magawang samahan sa doctor." Aniya, ngayon ay tuluyan ng tumulo ang mga luha nya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa para sa kanya kahit na hindi ko alam kung totoo o hindi ang mga sinasabi nya.

"Pero para sayo naman yon diba?" Tanong ko, tumango sya saka pinunasa ang kanyang mga luha.

"Oo, pero hindi naman yon ang kailangan ko. Yung presensya nya ang kailanga namin ng anak nya, sya at hindi kung ano pa man. Oo binibigay nya lahat ng gusto ko, lahat ng pangangailangan ko pero hindi ako napapasaya ng mga iyon. Buntis ako at sya ang kailangan ko, ang pag mamahal nya ang kailangan ko. Sya ang kailangan namin ni Noctis." aniya. Nanginig ang labi nya at nagsimula nanamang lumandas ang mga luha sa kanyang pisngi.

Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nya, ni wala akong tanong ma maitanong sa kanya dahil hindi ako makapag isip ng maayos.

"Pero kahit ganon, hindi ko naisip na makipag relasyon sa iba. Pero one time pagkauwi nya galing trabaho, nagulat ako ng bigla nya kong sinampal sa na halos ikabingi ko. Ipinakita nya sakin ang mga pictures ko with Jack. Sinabi ko sa kanya na wala kaming relasyon pero hindi nya ko pinaniwalaan, kinuwestyon pa nya kung sa kanya talaga si Noctis. Masakit sakin iyon bilang ina kaya nagawa ko syang sampalin, pero hindi na ibsan non ang sakit. Kung anu-anong masasakit na salita ang binitiwan sya sakin, pero lahat iyon tinggap ko, Lahat iyon kinain ko basta huwag lang nyang hilingin na lumayo ako. Pero dumating ang kinakatakutan ko Alora, nanghingi sya ng Divorce. Ayokong ibigay iyon dahil alam kong pag nangyari iyon ay mawawala ang mag ama ko sakin, pero tinakot nya ko na gigipitin ang pamilya ko kaya ibinigay ko ang gusto nya." Humahagulgol sya sa harap ko pero wala akong lakas para mag salita, pakiramdam ko kinukuha ng mga sinabi nya ang lakas na mayron ako.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon