MKS Chapter 1

118K 2.5K 207
                                    

"Ma, una na ko" paalam ko kay Mama saka kinuha ang bag ko. Ngayon ako pupunta sa bahay ng mga Knight para kausapin ang mga magulang nito. Sunday ngayon kaya siguro naman ay nasa bahay lang sila, kinuha ko na rin sa school ang address nila.

"Sige mag ingat ka" ani Mama, tumango ako saka lumabas ng bahay, nag lakad ako palabas ng subdivision para mag abang ng taxi.

Habang nasa taxi duon lang ako nakaramdam ng kaba, paano kung masungit ang mga magulang ni Noctis? Paano kung pag dating ko don pa alisi nagad ako, ganon kasi ang mga mababasa ko sa pocketbook at napapanuod ko sa Tv.

Napatingala ako sa mataas na gate ng makababa ako ng taxi, nakakalula ewan ko nalang kung manakawan pa ang mga ito.

"Good morning po, andyan po ba si Mr and Mrs. Knight?" Tanong ko sa guard na nakabantay sa labas ng napakalaking gate. Tinitigan muna ako ng guard bago tinanong kung anong kailangan ko.

"Teacher po ako no Noctis, gusto ko lang sanang makausap ang mga magulang nya tungkol sa mga ilang bagay tungkol sa anak nila" ani ko, may inilabas nyang cellphone at mukang may tinawagan sa loob ng bahay. Ako naman at tahimik lang na nag hihintay.

"Anong pangalan mo Miss?" Tanong ng guard.

"Alora Colley po" sabi ko saka ngumiti.

"Tara" anang guard saka binuksan ang maliit na gate. Sumunod ako sa kanya at halong mamangha ako sa nakita ko sa pag kapasok ko ng gate.

Ang paligid ay punong puno ng bermuda grass, may hedge maze sa gitna nito at sa gitna ng hedge maze ay matatanaw mo ang napakataas na fountain. Pakiramdam ko nasa ibang demention dahil sa malaking maze na nakita ko. Habang nag lalakad ay hindi iniwan ng mata ko ang maze, parang gusto ko kasing pumasok doon at napapaisip kung kaya ko bang lumabas. Sa maze palang na ito makikita mo na kung gaano sila kayaman.

Huminto ang guard na nag hatid sakin sa front door ng bahay, mula sa labas ay nasisilip ko na kung gaano kaganda ang nasa loob.

"Pasok po Ms. Colley" anang isang katulong na nandoon. Sinilip ko muna ang sapatos ko dahil nakakahiyang pumasok na madumu ang sapatos ko.

Pumasok kami sa loob at halos mapapikit ako sa amoy ng bahay base sa amoy ng Mansion. Amoy Vanilla na amoy Chocolate. Dinala ako ng katulong sa living room at halos pumalakpak ako sa lambot mg sofa. Kung hindi lang ako teacher baka mag tatatalon na ako sa lambot ng sofa.

"Ano pong gusto nyo Miss? Kape, Juice, tubig?" Tanong ng katulong.

"Tubig nalang po" ako saka ngumiti.

Habang nag hihintay ay ginala ko ang mata ko, sobrang ganda ng bahay at pakiramdam ko maliligaw ako. Napatingin ako sa gilid ng living room at doon natanaw ko ang kulay asul na tubing ng pool.

Napatingin ako sa kasambahay ng dumating sya at dala ang tubig, ibinaba nya iyon at umalis din agad. Ilang minuto pa akong nag hintay bago bumaba ang lalaking naka  vneck shirt na kulay puti at itim na maong short. Nahiya naman ako sa kaputian nya, kamukha sya ni Noctis kaya makakasiguro ako na sya ang Daddy ni Noctis.

"Good Morning, ako si Alora teacher ni Noctis" magalang na sabi ko, tinanguan nya lang ako saka sya umupo sa sofa na katapat ng sofa'ng inuupuan ko. Hindi ko alam pero biglang bumalik ang kaba ko. Ang aura nya ay katulad na katulad ng kay Noctis, malaki rin ang pag kakahawig nila mg anak nya. Ang kilay asul na mata ang matangos na ilong at ang maputing balat ni Noctis ay nakuha nya sa ama nya.

"So anong problema kay Noctis?" Umpisa nya, base sa tono ng boses nya parang hindi naman sya interesado sa pag uusapan namin.

"Amm, ikaw ba ang Daddy nya?" Tanong ko, para kasing ang bata nya para maging Daddy ni Noctis. Tingin ko ay kasing edad ko lang sya matanda lang ng ilang taom. 25? 26 I guess.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon