MKS Chapter 30

71K 1.7K 133
                                    

Isang linggo na simula ng hilingin ko kay Mr. Knight na bigyan ako ng panahon na mag isip. At ibinigay naman nya sakin iyon, hindi nya ko pinipilit kapag ayaw ko syang makausap. Pero hiniling nya na hayaan ko sya na ihatid ako sa bahay tuwing uwian, gusto daw nyang masigurado ang kaligtasan ko. Pinag bigyan ko sya sa maliit na hiling nya, at isa pa aminin ko man sa hindi ay gusto ko na malapit lang sya sakin. Gusto kong naaamoy sya at gusto kong tinititigan sya habang nag didrive.

At tuwina ay lagi akong may natatanggap na mga bulaklak sa desk ko kapag papasok ako ng room. At ang nakakatuwa don ay laging tinatanong ni Noctis kung nagustuhan ko ang mga bulaklak, sinabi nya pa na iiyak sya kapag hindi ko nagustuhan ang mga bulaklak na ikinatuwa ko.



"Two days akong mawawala, hindi ko kayo masusundo. Pero yung driver ni Noctis ang susundo sa inyo" aniya ng huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Tumango ako at tinanggal ang seatbelt ko.

"Alora" tawag nya sa pangalan ko, hinarap ko sya kahit na ayaw ko ang ideya na hindi ko sya makikita ng dalawang araw. Oo at hindi kami okay pero ang isipin na hindi ko sya makikita ng dalawang araw ay nag papairita sakin.


"Please, sabihin mo na sasabay ka kay Noctis habang wala ako" aniya, nag iwas ako ng tingin sa kanya .


"Okay" sagot ko, ilang sandali syang tumitig sakin at huminga ng malalim saka tumango na animo'y nakahinga ng maayos sa sagot ko. Tulog si Noctis sa backseat at mukang napagod sa kalalaro nila kanina.


"I love you" aniya, muli akong tumango at lumabas ng kanyang kotse, nahagip pa ng mga mata ko ang lungkot na rumehistro sa mga mata nya.

Kinagat ko ang labi ko saka pumasok sa gate ng bahay namin. Ganoon si Mr. Knight, hindi sya nag sasawang paulit-ulit na sabihin sakin na mahal nya ko kahit na hindi ko iyon tinutugunan.

Tuwing gabi ay panay din ang text nya, sinasabi kung anong ginagawa nya kahit na hindi ako nag rereply sa kanya. Masaya ako dahil kahit na hindi ko sya pinapansin ay patuloy nya pa rin akong sinusuyo.

Nakatulugan ko na ang pag iisip sa kanya, at ang desisyon na tuluyan nang ayusin ang relasyon namin. Ibinigay nya ang panahon na gusto ko at tingin ko sapat na ang panahon na iyon para tanggapin syang muli.






Nagising ako na parang may kung anong humahalukay sa tiyan ko, mabilis akong bumangon at halos madapa pa ako sa pag mamadali sa pag pasok sa banyo. Isinuka ko lahat ng kinain ko kagabi at nanghihina na napasandal sa wall ng cr. Pinakalma ko ang sarili ko bago mag ayos at lumabas ng cr at umupo sa kama ko, ramdam ko ang muling pag ikot ng paligid pumikit ako ng mariin at hinantay na umayos ang pakiramdam ko.

Siguro ay may nakain akong sirang pag kain kaya nasira ang tiyan ko. Nang maging okay na ang pakiramdam ko ay lumabas ako ng kwarto ko naabutan ko pa si Mama na nasa kusina at nag titimpla ng kape.

"Ang aga mong nagising?" Tanong ni Mama.

Kumuha ako ng malamig na tubig at uminom ng dalawang baso, pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako pag katapos kong isuka lahat ng kinain ko.


"Good Morning Ma, Sumama po ang tiyan ko" sagot ko saka mapatingin sa kapeng tinitimpla nya. Hindi ako umiinom ng kape pero gusto ko ang aroma nito.

Nakatingin lang ako kay Mama habang hinahalo ang dalawang tasa ng kape na nasa harapan nya.


"Ma, nung mag boyfriend palang kayo ni Papa. Anong matinding kasalanan ang nagawa nya?" Wala sa loob na tanong ko. Natigil si Mama sa ginagawa nya at napatingin sakin.



"Matinding kasalanan?" Ulit nya, ngumuso ako saka tumango. Kumuha ako ng fresh milk sa ref at nag salin sa ka baso.

"Yung sobra kayong nasaktan" sabi ko, huminga si Mama ng malalim at parang inaalala ang nakaraan.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon